Ryianne's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto. Nakahiga sa kama habang tinitignan ang timeline ni MJKo.
Ang dami naming napag-kwentuhan namin ngayon. Ang saya-saya ko talaga. Hahaha. Malandi. Pero totoo. Kinikilig ako hanggang ngayon. Sana bukas, pansinin at kausapin nya pa din ako.
May notifications. Chinieck ko na. Ang dami na e. Hahaha. Di matiis. Mabait ako ngayon kasi kinikilig ako.
Marco Joseph Valdez accepted your friend request. Write on his timeline.
Waaaah? Talaga??? OMO! Kinikilig talaga ako. Promise. Pigilan nyo ako baka puntahan ko na si MJKo sa bahay nila at sabihing HOY! PAKASAL NA TAYO MJKO! Haha.
Biglang may nag-message. Oh God!
Marco Joseph Valdez Hey Ryianne :)
Shocks! I can't breath! Earth! Hahaha.
Ryianne Buenaventura Hello Marco :) Musta?
Marco Joseph Valdez Eto okay naman. Ikaw ba?
Ryianne Buenaventura Okay lang din. Pangit pa din. Haha.
Marco Joseph Valdez Hindi naman ah. Maganda ka Ryianne :")
Waaaaah! Maganda daw ako! Maganda daw ako! Yehey!
Ryianne Buenaventura Hehe. Di naman. Pero thanks na din. Pareho kayo ni Papa.
Marco Joseph Valdez Edi tawagin mo nalang akong Papa o kaya Daddy (:
Yung totoo?? Hahaha. Excited na akong tawagin kang Papa. Kyaaaa ~~~
Ryianne Buenaventura Ay. Kung gusto mo. Hehe.
Marco Joseph Valdez Oo naman. Tapos ang tawag ko sayo Mama. Haha. Okay lang ba?
Mama at Papa? Parang Couple?? Mag-asawa?? Waaaah. Ge. Puro na sigaw ang Chapter na toh. Pasensya na OTOR! Hahaha.
Rereplyan ko na sana kaso biglang na-lobat ang iPad ko. Yung totoo?? Nakakaasar. Tsk. Chinarge ko yun.
Humiga ulit ako. Iidlip nalang ako.
Bzzzzzt. Bzzzzzt. Bzzzzzt.
May nagtext. Kinuha ko yung phone ko. Load lang siguro yun.
From: 09********4
Bakit hindi ka na nag-reply Ma? Papa toh.
Huh?? Sino to?? Papa?? At ako Mama?? Ay putek! Si-si MjKo yata ito?
To: 09********4
Marco? Ikaw ba to?
Kinakabatutan ako ah. Hahaha. Teka, kung sya toh, paano nya nakuha ang number ko?
Bzzzzzt. Bzzzzt. Bzzzzt.
From: 09********4
Yea. Wag nang Marco ang itawag mo sa akin. Okay? Papa nalang. Para sweet. Heha.
Aruruy! Eto na. Hahaha. Kinikilig na ako e. Hahahalabyuuuuuu! Kyaaaa ~~~
To: 09********4
Baliw! Paano mo nakuha ang number ko?
Bzzzzt. Bzzzzt. Bzzzzt.
Ang bilis namang mag-reply. Wala naman bang ibang ginagaw toh kundi magtext? Hahaha. Pero okay lang. Kinikilig naman ako e.
From: 09********4
Secret. Hahaha. Ang mahalaga, nakakatext kita. Diba? Haha.
Ewan ko sayo! Ikaw talaga pinapakilig mo ako! Magagalit na ang author nito dahil puro kilig at sigaw ang laman ng Chapter na toh e.
To: 09********4
Oo nalang. Haha XD
Nagtext lang kami ng nagtext. Minsan nga tumatawag pa sya e. Hindi naman maiiwasang kiligin diba? Kasi nga Crush mo yung katext mo. Grabe ang sakit sa Panga. Nangawit kaka-ngiti e. Haha.
Sabi nya sa akin na bukas daw sabay kaming mag-Lunch Break sa bahay nila. Kilala na daw ako ng parents nya. Waaaah. Kinikilig ako.
Marco's POV
Kilig. Nakakabakla. Shet. Haha. Paano ba naman kasi. Yung Crush ko katawagan kong Mama at Papa. Parang mag-asawa. Haha. Ulol.
Pero deep inside talaga kinikilig ako. Sige na. Baduy kung baduy. Bakit tinatanong ko ba ang opinyon nyo? Hahaha. Joke.
Gabi na. Tulog na si Ma (Ryianne) at ako gising pa din. Guess nyo kung anong ginagawa ko. Tinitignan ang mga pictures nya. Ang cute kasi e.
Sabi nya kasi hindi daw sya ang gumawa ng Facebook nya. Yung cousin nya daw na malapit sa kanya ang gumawa.
Yung pinsan nya daw ang kumukuha ng pictures na stolen. Kahit yung mga formal. Yung pinsan nya din daw ang nags-suggest ng mga profile at cover nya. Pati daw yung mga ipopost nya.
Photographer daw kasi yung pinsan nyang nagngangalang Adrian. Babae yun ha. Hindi lalaki.
Basta maganda si Ma kaya sinisave ko mga photo nya dito. Hahaha. Ang cute nya dito sa may Wacky.
"Anak bakit gising ka pa?" tanong ni Mama. Mama kong totoo ha? Haha.
"Wala po" sagot ko.
"Inistalk mo nanaman ba si Ryianne? Naku, binata na talaga ang anak ko" si Mama talaga. Tsk. Nakikita nya kasi ako minsan na tinitignan ang Pictures ni Ryianne.
Nagagandahan nga sila kay Ryianne e. Kapag naayusan daw yun, mas lalo pa syang gaganda.
"Anak, what if sa states ka nalang mag-aral? Para makasama mo ang Kuya mo dun" sabi nya sabay upo sa tabi ko.
"Mama, diba napag-usapan na natin yan? Kung saan mag-aaral si Ryianne, dun din po ako. Ayokong malayo sa kanya ngayong nagiging close na kami" sabi ko sa malumanay na boses.
"Sige anak kung yan ang gusto mo. Pero kung magbago ang isip mo, anytime, pwede kang pumuntang States. Okay?" sabi ni Mama.
Tumango ako. May Kuya ako sa States. Marlon John ang pangalan nya. Gwapo yun. Lamang lang ako ng sampung paligo. Hahaha. Dejoke lang. Patas lang talaga kami pero di ko talaga tanggap kaya mas gwapo ako kesa sa kanya. Haha. LOL.
Patuloy pa din ako sa pagtingin ng pictures nya. Paano kaya kapag nag-iba na si Ma? Mapapansin nya pa din kaya ako? Kasi alam kong kapag college na kami, malaki ang magbabago sa kanya e. Sana kahit na magbago sya, ganito pa din kami. Yung may CS (call sign).
Minsan pumapasok sa isip ko na ligawan ko sya pero dapat maging kaibigan ko muna sya at kilalanin pa sya ng mabuti para Good. Haha.
Nga pala. Nakuha ko sa ka-grupo ni Ryianne sa Cleaners yung number nya. Hahaha. Mautak ako e. Kasi simula pa noon diba crush ko na sya. Nung ako ang na-elect na Class President, pinakuha ko lahat ng number nila. Kaso kasi may pa-epal. Si Avy. Laging dumidikit sa akin. Daig pa ang jelly fish na kumapit kay Anne Curtis. Tsss.
Si Avy desperada yan pag dating sa akin. Hindi sa pagmamayabang ha, pero totoo kasi. Maganda sana kaso ang bata-bata pa naglilipstick na. Ang ayaw kaya ni Mama sa babae yung makapal makapag-lipstick.
Nakita na nila Mama si Ma. Nung may program. Naka-make up lahat ng mga babae. Si Ma lang yung wala. Si Avy naman ang kapal mag make up. Parang binudburan ng arinang iba't ibang kulay ang mukha. Tapos yung labi parang 100 pieces ang kinain na Lips Lollipop. Haha.
Pinag-compare nga nila si Ma atsaka si Avy e. Mas maganda daw talaga si Ma. Maayusan man daw o hindi.
Yawn...
No choice. Matutulog na ako. Good Night.
Zzzzzzzzzzzzzzzz...
