Josh Kyli's POV
Nag lalakad ako sa isang kagubatan na sobrang dilim, tahimik at maraming kapunuan. Biglang lumitaw ang napaka kapal na hamog na bumalot sa paligid.
"Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko.
Umiihip ang napaka lamig na hangin na ani mo'y may yumakap sa aking yelo, maginaw at habang lumalayo ako ay parang mas dumidilim ang paligid.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad ng may nakita akong liwanag di kalayuan sa aking pwesto, because of my curiosity is lumapit ako dito upang mas maaninag yung nakikita kong liwanag.
Bumungad saakin ang isang malaking mansion, habang palapit ako rito is parang mas bumibigat ang pakiramdam ko at parang may humihila saakin para pumasok sa loob ng mansion.
"It seems familiar" Ani ko sa sarili ko.
Lumapit ako sa pinto at nag dadalawang isip kung papasok ba ako rito, ngunit lumakas ang ihip ng hangin at biglang bumukas ang pinto ng mansion.
Napaatras ako dahil sa gulat, di naman ako masyadong matatakutin pero depende pa rin sa sitwasyon, I have sixth sense since then.
Pumasok ako sa loob, bumungad saakin ang isang vintage design, mag mula sa figurines, vases, orasan, at iba pang gamit na nasa loob, halatang matagal ng naitayo ang gusaling ito.
Nag libot libot ako mula sa baba at ikalawang palapag ng gusali, papasok na sana ako sa pinaka dulong kwarto ng bigla akong makarining ng gitara.
A guitar strumming from afar.
Then I recognized the guitar strum what i heard earlier, I know this song.
The guitar strums continued as I followed it.
Bumaba ako at sinundan ang tunog ng gitara, habang tumatagal is humihina ang tunog nito, hanggang dinala ako nito sa harap ng malaking salamin.
May kalumaan ang salamin na ito, dala na rin ng alikabok na naka palibot dito.
Habang pinag mamasdan ang repleksyon ko sa salamin ay napansin ko ang isang picture frame na naka lagay sa ibabaw ng furniture sa harap ng salamin.Kinuha ko ito at pinagmasdan, maalikabok ito kaya pinunasan ko ito gamit ang aking kamay, para mas maaninag ko ang mukha nito.
There was a young boy, cute and adorable boy naka smile sya and another guy sa katabi nito mag kahawak ng kamay ngunit ang katabi nitong lalaki is punit wala itong ulo sa picture.
"I bet they're couple" Ani ko sa sarili ko sabay ngiti.
Ngunit napawi ang ngiti ko ng pag tingin ko ulit sa litrato ay yung lalaking nakangiti kanina ay puno na ng dugo sa mukha at sa katawan nito na ani mo'y parang sinalvage dahil bakas ang mantsa ng dugo sa buong katawan nito.
Biglang may tumunog na gitara at malakas na eto kaysa kanina, tumaas lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang tunog ng gitarang iyon.
Dahil sa kaba ay nabitawan ko ang litrato at nabasag ito sa sahig na syang lumikha ng malakas na ingay.
Nag mamadali akong pinulot ang mga nag kabasag basag na litrato. The guitar strumming continuously habang pinupulot ko ang nabasag na frame.
After that tumayo ako sabay tingin sa salamin ng biglang....
May tao sa likod ko diko mawari ang nararamdaman ko dahil naka titig ito sakin wala itong kaliwang mata at bibig na parang tinahi gamit ang isang bagay, puno ito ng dugo sa buong katawan.
"sino ka?" kinakabahan kong tanong dito.
Ngunit di ito sumagot bagkus ay lumapit ito malapit sa tenga ko, ramdam ko ang lamig nito napansin kong may gitara ito sa likod na parang sira na at dalawa nalang string ang nakakabit dito.
YOU ARE READING
Deadly Strum
Mystery / ThrillerIsang grupo ng magkakaibigan ang dadayo upang magbakasyon sa hacienda ng Espedida. Ang trenta ektaryang lupain na hindi nila inaasahang magiging huling hantungan nila. Bakasyong mauuwi sa kilabot at sigawan. "The melody echoed, but the shadows it ca...