Gabb is on the multimediaTyron Helix POV
Andito kami ngayon ni Kyli sa kama ng aming kwarto dahil bigla nalang itong nahimatay pagkatapos mag sisisigaw. Andito ngayon si Atasha, Kelvin at Sean, kasama ko dahil isa sila sa nakarinig kay Kyli kanina.
"Hanggang dito pa naman inaatake pa rin si Kyli ng mga masamang espirito". Ani ni Astasha.
"Malamang, sa tagal na nitong buhay at sa liblib nitong lugar imposebleng walang ligaw na kaluluwa dito no" Ani ni Kelvin.
"Ano ba yan, nakakatakot naman dito, what if mag sama sama nalang tayong apat nina Hanasha, para naman may matapang tayong kasama" Sagot naman ni Sean dito.
"No, di pwede naka assign na kayo sa kanya kanya niyong rooms". Sagot ko naman dito.
Napatango naman ito, na ani mo'y wala na talagang magagawa.
Tulog pa rin si Kyli ngayon, at pinagmamasadan namin ito habang tulog, himbing ng tulog nito simula nung nahimatay ito, sana di sya bangungutin ngayong gabi.
"Tara na guys, gabi na oh, ang dilim na sa hallway nito nasa dulo pa naman kwarto ko and for sure tulog na yun si Hanasha" sabi ni Atasha kina Kelvin at Sean.
"Sabagay, mukhang bukas na yan magigising eh" Ani naman ni Sean habang naka tingin kay Kyli.
"Punta na kami Tyron, kamusta nalang kami if magising sya mamaya" Ani ni Atasha at lumabas na sila ng pinto.
Tumango lang ako dito, at nahiga sa tabi ni Kyli at pina unan ko ito sa aking braso at niyakap, hinalikan ko ito sa noo at natulog na din.
Atasha POV
Lumabas na nga kami sa kwarto ng dalawa, at nag lalakad na kami ngayon sa aisle papunta sa kanya kanya naming kwarto. Medyo kinikilabutan ako ngayon dahil sa nangyari kay Kyli kanina, childhood friend ko si Kyli kaya alam ko kung ano-ano ba ang mga nakikita nya.
Nasa dulong bahagi ng pasilyong ito ang kwarto namin ni Hanasha, habang ang dalawa naman ay magkasama sa pangatlong kwarto. Kung tutuusin ay nasa pan limang kwarto kami ni Hanasha.
"Pwede ba samahan niyo muna ako dun sa kwarto ko?" Pakiusap ko sa dalawa.
"Samahan mo na Kelvin, ihing ihi na ako eh". Ani ni Sean kay Kelvin.
"Natatakot ako eh, ang dilim kaya" sagot naman ni Kelvin.
Actually kung titingnan is madilim talaga dahil deam yung Ilaw dito parang nag kukulay warm orange yung kulay Ng Ilaw kaya medyo madilim.
"Bilis na, lalabas na ihi ko eh" Ani naman ni Sean sabay pasok sa kwarto nila ni Kelvin.
"Hoy Teka..." Di na natapos ang sasabihin ni Kelvin ng isara na nito ang pinto.
Napa hinga nalang ng malalim si Kelvin dahil wala naman siyang magagawa dun sa baklang yun.
"Sure ka?, wag nalang kaya, ako nalang mag isa kung natatakot ka". Sabi ko kay Kelvin.
"It's fine let's go, bilisan lang natin ang lakad" Sabi nito sakin.
Kelvin POV
Gagi talaga yung Sean na yun, iniwan ako wala tuloy akong kasama pabalik.
Nag lalakad kami ni Atasha ngayon papunta sa kwarto niya, lakad takbo ang ginagawa namin ngayon dahil parehas kaming takot dahil may kadiliman dito sa dinadaanan namin at nakakabingi katahimikan, at tulog na din yung mga tao sa oras na ito.
YOU ARE READING
Deadly Strum
Mystery / ThrillerIsang grupo ng magkakaibigan ang dadayo upang magbakasyon sa hacienda ng Espedida. Ang trenta ektaryang lupain na hindi nila inaasahang magiging huling hantungan nila. Bakasyong mauuwi sa kilabot at sigawan. "The melody echoed, but the shadows it ca...