Josh Kyli's POV
Nag lalakad kami ngayon sa maputik at matalahib na daan, nakakatakot man ay sinuong parin namin ito dahil dito daw ang daan papuntag hacienda. Napapalibutan kami ng matatayog na puno at matataas na damo.
"omggg!!, nakakadire naman dito. Look my shoes is so dirty na!" Maarteng saad ni Jam.
"Kung di ka naman tanga, kita mong baryo tayo pupunta tapos naka puti kang sapatos" Pambabara ni Sean dito. Sabay na pag hagalpak ng tawa ni kuya Clark.
"Di ko kailangan ng opinion mo bading!" Sagot naman ni Jam dito sabay paikot ng mata.
Ngumisi nalang si Sean dahil alam niyang naasar niya si Jam. Patuloy parin kami sa pag lalakad ngunit parang pabalik balik lamang kami dahil ilang minuto na rin kaming nag lalakad mula kanina. Nasa unahan namin si Felix dahil siya ang may alam ng daan, mabuti at nag sasalita na rin siya di tulad kanina na walang imik imik at yung van ay ipinarada lang namin sa gilid ng kalsada na pinag tulungan naming itulak.
"Malayo pa ba tayo?, pagod na ako" ani ni Atasha. Tiningnan lang siya ng kasamahan namin at di siya pinansin, at patuloy lang sa pag lalakad. Linapitan ko siya at tinapik nalang sa balikat at sinenyasang mag patuloy lang sa pag lakad. Liningon ko naman sina Tyron at Edmond na nasa likuran na nag lalakad, nginitian ako nito at ganun din ako sa kanya.
"Pahinga muna tayo dito sandali" Ani ni Felix. Napatingin kaming lahat dito dahil bigla nalang itong nag salita. Sumang ayon nalang kami at umupo sa mga bato at punong malalaki.
"Malayo paba tayo?" tanong ni Hanasha dito.
"Not really" maikling sagot ni Felix ngunit sa ibang direksyon naka tingin. Diko talaga mabasa ang nasa isip nitong taong to. Chineck ko yung oras, it's already 4:23pm maya maya ay papalubog na ang araw kaya need naming maka punta na agad sa haciendang iyon dahil delikado dito sa gubat. 4:30pm ay nag simula ulit kaming mag lakad, napansin ko ay parang malapit na kami sa hacienda dahil di na masyadong maputik at di na masyadong matataas ang damo di tulad ng kanina.
"Ano na Felix?, malayo pa ba? palubog na yung araw oh" Saad ni Jam dito. Ngunit wala siyang nakuhang sagot dito, napairap nlang si Jam at nag lakad nalang, feeling ko naririndi na si Felix sa kaartehan nitong si Jam.
"Becareful with the traps" biglang saad ni Felix. Napalingon kami dito dahil di namin alam yung ibig niyang sabihin. Nag palinga linga kami ng tingin sa paligid at dun namin napag tanto na may mga patibong nga dito para sa mga mababangis na hayop.
"Cool" pabulong na ani ni Tyron at Edmond sa likuran ganun din si kuya Clark, pero rinig na rinig namin. May mga nag kalat na patibong sa paligid tulad ng bear traps, lubid na once ma trap ka ay hahalambitin ka sa ere, hukay na natatabunan ng mga tuyong dahon, at yung mga patalim na kahoy na nag kalat sa paligid, kaya kung dimo kabisado ang lugar na to ay maaari kang mapahamak.
"Nakakatakot naman dito" saad ni Atasha.
"it's normal here, dyan sila kumukuha ng kinakain nila dito, wild boar, rabbit and goat" saad ni Felix. Kinakain nila? So may iba pang tao dito maliban saamin? Kaya bigla akong napatanong dito.
"So may iba pang tao dito?" Tanong ko kay Felix. Liningon ako nito at sinagot habang naka titig sa mga mata ko. His stare creeps me out.
"yup, tatlong caretakers" sagot nito habang naka tingin saakin.
"Akala ko..." Nabitin ang sasabihin ko ng biglang may lalaking nakasalubong namin na puno ng dugo yung katawan, may hawak na mahabang itak at may naka sampay sa balikat niyang patay na kambing. Napatili sina Atasha at Jam sa nakita nila pati na rin si kuya Clark ay nagulat.
YOU ARE READING
Deadly Strum
Mystery / ThrillerIsang grupo ng magkakaibigan ang dadayo upang magbakasyon sa hacienda ng Espedida. Ang trenta ektaryang lupain na hindi nila inaasahang magiging huling hantungan nila. Bakasyong mauuwi sa kilabot at sigawan. "The melody echoed, but the shadows it ca...