Josh Kyli's POV
Andito ako ngayon sa labas sa ilalim ng puno ng lipote, kakatapos lang namin mag tanghalian at napag desisyunan kong mag pahangin muna dito at mag pa tunaw ng kinain since di naman mainit dito sa katunayan nga ay medyo makulimlim dito.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino ang nasa likod nung HIM na palaging binabanggit ni Felix kanina. Baka may alam si Tyron sa nakaraan ni Felix? Tatanungin ko nalang siya mamaya dahil di talaga patatahimikin ng curiosity ko.
Habang nag mumuni muni ay naka rinig ako ng isang ingay na nang gagaling sa damuhan, bigla akong napatayo dahil sa pag ka bigla.
Nandito kasi ako sa madamong bahagi ngunit di naman kalayuan sa mansyon.Gumalaw ulit yung mga damo na tila may naka tago ditong isang nilalang, since maulap ngayon at medyo may hamog na sa ganitong oras kaya medyo madilim na dito kahit mag 2:00pm palang.
Unti unti akong lumapit dito, ngunit gumagalaw pa rin yung mga damo but hindi ako natakot dito sa halip ay hinawi ko yung mahabang damo at tumambad saakin ang isang...
Pusa?
Wait?
Yno???
Anong ginagawa nito dito? ang layo naman ng linakad nito. Bigla itong tumalon saakin at parang wiling-wili ito saaking mga braso, gumagalaw galaw pa ang buntot nito at hinahagod ang katawan nito saaking dibdib.
"Why are you here Yno?" Tanong ko dito kahit alam kung di naman ito sasagot.
Tinitigan ko ang mata nito, kulay asul at pula ang mata nito, manghang mangha ako sa mata nito dahil ngayon lang ako nakakita ng pusang asul at pula ang mata. Panay dila lang ito saaking kamay at leeg tila nagiging clingy na ito, ang bilis talaga ma attach ng mga pusa.
Habang nakikipaglaro kay Yno ay may biglang tumawag ng pangalan ko, at siya ring pag talon ni Yno sa baba at biglang tumakbo sa damuhan, at diko na ito nakita.
"Josh" Ani nito.
"I'm here!" Balik ko dito.
Si Kelvin lang pala.
"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" sambit nito.
"Nag papahangin lang, palagi nalang kasing nasa loob" I answered.
Tinitigan ako nito ng nakataas ang isang kilay na tila may hinihintay.
"What?, may dumi ba?" Ani ko dito.
"Anong dumi? Balik na sagot nito.
"Explain" Bagot na dagdag nito.
I was confused on what he said.
"Ha?" I said in a confused tone.
"Anong ha?, explain mo kung bakit kayo mag kasama ni Felix!" Iritadong sagot nito na may kasamang pitik saaking noo.
"Shhhh!, you're so loud baka marinig ka ni Tyron, he's possessive and you know that." Pabulong ko ani dito.
"So ano nga?, bakit kayo mag kasama" he said in a low tone.
"Sinundan ko kasi siya" Simula ko.
"Tapos?" He said.
"Ayun, di ko alam bigla nalang gumalaw yung mga paa ko, diko alam kung bakit tapos ayun nahuli niya ako." Ani ko dito.
"Then?, ano ba yan putol putol kasi!" Ani nito.
"Shut up kasi!" Angil ko dito.
"And then, nakarating kami sa isang talampas na medyo may kalayuan dito" dagdag ko habang siya naman ay nakikinig.
YOU ARE READING
Deadly Strum
Mystery / ThrillerIsang grupo ng magkakaibigan ang dadayo upang magbakasyon sa hacienda ng Espedida. Ang trenta ektaryang lupain na hindi nila inaasahang magiging huling hantungan nila. Bakasyong mauuwi sa kilabot at sigawan. "The melody echoed, but the shadows it ca...