Chapter 1 (Vacation)

117 94 0
                                    

Josh Kyli's POV

October 28, 2013

Nandito kami ngayon ng boyfriend ko sa apartment namin, nag aayos kami ng mga gamit na dadalhin para saaming 2 weeks vacation sa isang hacienda na may kalayuan sa syudad na ito.

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit ko, tinutupi at linalagay ito sa maleta. Bigla biglang niyakap ako ng boyfriend kong si Tyron sa likod at hinahalikan nito ang batok ko.

Nakikiliti ako sa ginagawa nito, clingy talaga nito.

"hmm, Tyron may ginagawa ako, pls stop" Ani ko dito.

Pero di ito nakikinig at iniiling lang nito ang ulo niya habang tumatawa.

"Tyron pls, nakikiliti ako di ako matatapos nito e" ani ko ulet dito.

Inalis nito ang pag halik sa batok ko ngunit naka yakap pa rin ito saakin.

"Are you excited Ky?" tanong nito sakin sabay halik sa pisngi ko.

"Yup Ty" sabay hinalikan ko ito sa kanyang labi.

Napangiti ito, pinaharap ako nito sa kanya at hinalikan ako nito ng madiin, damang dama ko ang lambot ng labi nito. Lumalalim na ang halikan naming dalawa ng biglang tumunog ang phone nito.

~~Strumming my pain with his fingers
Singing my life with his words~~

~~~Killing me softly with his song
Killing me softly with his song~~~

Yan yung ring tone nya, "Killing me softly" and same as mine, that was the first song na tinuro nya sakin sa gitara. Humiwalay sya saakin and he picked up the phone.

"Ky, labas muna ako sagutin ko lang to and bibili na rin ako ng food para bukas" Ani nito saakin.

"Sino ba yan?" tanong ko rito.

"It was Homer, baka it's all about our service na sasakyan natin papuntang baryo" sagot nito sakin.

I nodded and smile.

"I gotta go, dito ka lang wag kang lalabas hangga't wala pa ako dito, understand Ky?" ani nito saakin sabay halik sa noo ko.

"Yup, ingat ka sa daan" Ani ko rito.

Hinalikan ko ito sa pisngi, napangiti ito at lumabas na siya ng pinto.

Agad akong pumunta sa bintana para tingnan sya sa garage, tanaw dito sa bintana namin ang garage ng apartment na ito, kaya makikita mo ang tao na kumukuha ng kanilang sasakyan.

Nakita ko si Tyron na pumasok na sa kotseng binigay sa kanya ng papa niya nung nabubuhay pa ito.

Nakapasok na siya sa kotse at pinapaandar na nya ang makina. Napansin nya yata na naka dungaw ako sa bintana dahil alam niya na gawain ko iyon tuwing aalis sya. Lumingon sya saakin and he wave his hand on me.

Nag wave din ako ng hand sa kanya and silently said "ingat". Nakangiti ako habang ginagawa ko iyon.

Ngunit napawi ang ngiti ko nung sinimulan ng paandarin ni Tyron ang kotse, ay may nakita akong tao sa backseat ng sasakyang minamaneho nya na naka tingin deretso saakin.

Lalaki sya na punong puno ng dugo sa katawan na ani mo'y naliligo sa sarili nyang dugo.

Iwinaksi ko ito saaking isipan and I gaslighted myself na guni guni ko lang yun, and I decided na ipagpatuloy ang pag aayos ng gamit. Tyron is already fixed his stuff ako naka ang di matapos tapos dahil sa dami ng gamit ko.

Aminado naman akong nakakakita ako ng iba't ibang elemento dahil simula nung bata pa ako ay nakakakita na ako ng mga elemento or mga multo, kaya nasanay na rin ako dito. Ngunit hindi sa lahat ng pag kakataon ay nakakayanan ko ito dahil ilang beses na rin akong nasasapian ng kung ano anong elemento at ang ilan dito ay muntik ko ng ikamatay.

Deadly StrumWhere stories live. Discover now