Chapter 6 (Promise)

9 2 0
                                    

3rd Person POV

Pagkatapos nilang kumain ay kanya kanya silang ayos sa kani kanilang kwarto dahil mag lilibot sila ngayon sa hacienda.

"Guys let's go, I'm ready na" Ani ni Josh sa mga kasama. Maging sina Kelvin, Atasha at Sean ay nakahanda na rin. Nasa baba na ang lahat ngunit ang ibang babae ay di pa nakakapag ayos.

"Wait, lagay lang ako sunscreen" Ani ni Jam.

"Te, walang init oh, medyo makapal yung ulap tapos mag susunsreen ka pa" sagot ni Sean dito.

"Eh, pake mo ba, edi mag sunscreen ka din!" Sagot din ni Jam dito.

Napailing nalang si Josh sa dalawa dahil nag sisimula nanaman mag bangayan.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din si Jam ganun din si Hanasha na kanina'y tinulungan si Manang Ester na mag hugas ng pinggan. "I'm readyyy, let's go?" Ani nito.

"Let's goooo!!!" Sabay sabay naming sagot.

Ngunit nakita ko si Mitch sa may hapag, tahimik lang itong umiinom ng tsaa.

"Mitch?? Let's go?" Tawag ko dito. Naagaw din ang atensyon ng iba kong kasama at napatingin din kay Mitch.

Napalingon ito saamin
"Ahh, hmm, Hindi ako sasama. Hindi kasi ako mahilig mag labas labas e" sabi nito saamin.

"Napaka kill joy naman nito oh, halika na dito" nabuburyong boses ni Jam.

"Huy! Let's go na girl" sigunda naman ni Atasha.

Biglang sumabat si Hanasha.
"Huwag niyo ng pilitin, tara na"

Lumabas na sila ng pinto at nakita nila sina Edmond, Tyron at Gabb na nag hihintay sa labas sa ilalim ng puno ng lipote.

Di masyado tirik ang araw kahit na 1:30pm na ng hapon, medyo makulimlim kasi, pero maliit ang tsansa ng pag ulan. Pinuntahan na nila ang tatlo sa ilalim ng puno para ayain ng mag libot.

"Mga bata mag ingat kayo!, Gabb huwag kayong lumayo ha!" Sigaw ni Manang Ester sa mga ito dahil may kalayuan sa bahay ang punong ito, at nasa tabi niya si Mitch na naka tingin din sa mga kaibigan niya and she wave her hand to them.

"Opo!!" Sabay sabay nilang sigaw.

Hinawakan ni Tyron ang kamay ni Josh at hinalikan ito. Napangiti naman si Josh sa ginawa ng boyfriend niya.

Mag gagayak na sana sila ng makasalubong nila sina Felix, Kuya Clark and Mang Kanorr, may dala dala silang patay na baboy at kambing.

"Where are you guys going?" Biglang tanong ni Felix sa kanila. Bigla kaming tumigil sa pag lalakad.

" Hmm, maglilibot libot lang po sir Felix, kasi gusto daw po nilang mag lakad lakad sa hacienda." Si Gabb na ang sumagot dito.

"Iww look at yourself kuya Clark para kang tanga" Biglang sabat ni Jam. Tinignan nilang lahat si Kuya Clark. Puno ito ng dugo ng baboy.

"Huwag kang kakain nito ah, arte arte mo" Sagot din ni Clark dito.

Inikutan nalang ito ni Jam ng mata.

"Di ba kayo sasama Felix? Kuya Clark? ". Tanong ni Edmond dito.

"No, wag kayong mag papagabi" Ani ni Felix sabay lakad at nilagpasan sila nito. Ganun din ang ginawa ni Mang Kanorr, ngunit may sinabi ito saamin.

"Huwag kayong pupunta sa lumang bodega, wag kayong papagabi.  Ani nito, habang naka tingin kay Gabb na tila may pinapahiwatig. Mukhang nakuha rin ni Gabb ang ibig sabihin ni Mang Kanorr dahil napatango nalang ito. Kaya napaisip at na curious silang lahat kung ano ba ang meron sa bodegang yun lalo na si Josh.

Deadly StrumWhere stories live. Discover now