Simula

2.3K 38 0
                                    


"It's final Eidelilah, you and Iñigo will wed right after the engagement party." Matigas at seryosong sambit ng matandang Jensen habang sumisimsim ng serbesa sa hawak na kopita.

Ronaldo Jensen, kilala ito bilang isa sa mga mahuhusay at ginagalang na negosyante sa bansang Thailand at pati na rin sa labas ng Asya. Strikto ito pagdating sa lahat ng bagay, lalo na sa buhay ng kaniyang nag iisang anak na babae.

Napayuko ang dalagang Jensen sa narinig, pilit niyang pinipigilan ang nagbabadyang luha mula sa mga mata. Iwinaksi niya sa kaisipan ang panghihina sa nalaman, kailangan niyang maging malakas sa harapan ng kaniyang ama.

"Understand?"

"Yes Phâaw.."

"Very well. You may leave if you don't have anything else to say."

Walang buhay na tumayo mula sa kinauupuan ang dalaga at tahimik na tinungo ang daan papalabas ng opisina ng ama. Sumalubong sa kaniya ang nag aalalang mukha ng ina.

"Phâaw k̄hxng khuṇ bxk khuṇ ẁā xỳāngrị?" ang tanong ng ginang sa anak habang hinahaplos ang likuran nito bilang pag-alo.

(Anong sinabi sa'yo ng iyong ama?)

"His decision is final Mæ̀," malungkot na tugon ni Eidelilah sa ina, "I have no choice but to oblige."

"I'm so sorry my Eid, C̄hạn mị̀ s̄āmārt̄h thả xarị dị̂ ley..."

(Wala man lang akong magawa.)

That's what you always say Mæ̀

Sumilay ang isang mapait na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Hinayaan nalang niyang aluin siya ng ina habang ang isip ay nalulunod sa kalungkutan.

Buong buhay ni Eidelilah ay naging  malamanyika siya ng kaniyang ama. Walang lugar ang pagkakamali sa kanilang pamilya kaya't ginagawa niya ang lahat para lamang maging perpekto sa paningin ng ama. Habang ang ina naman nito ay parati lamang nakatanaw sa kaniya habang nagdurusa siya sa mga kamay ni ginoong Jensen.

Kung magkakaroon lamang siya ng pagkakataon na makawala mula sa kanyang ama, walang pag-aatubiling tatanggapin niya ito. Ngunit siya'y duwag, takot na sumalungat, at naghihintay na lamang na ang tadhana ang magbukas ng daan patungo sa hinahangad na kalayaan.

---

"Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo?!"

"Sisirain mo nalang ba ang buhay mo dahil lang sa babaeng 'yon?"

"Come on Santi! Move on!"

"TUMAHIMIK KAYO!"

Halos dumagundong sa buong bahay ng mga Escovar ang malakas na pagsigaw ni Santini. Nagliliyab sa galit ang mga mata nitong tinapunan isa-isa ng tingin ang bawat taong naroon sa silid.

"Kayong lahat," mariing sinabi ng dalaga habang nakayukom nang mahigpit ang kanyang mga kamao, "Wala kayong karapatan na diktahan ang nararamdaman ko! Sa tingin niyo ba ay gano'n lang kadaling makalimot?!"

Walang sinuman ang nagtangkang magsalita, lahat ng mga naroroon ay nag-iwas ng tingin sa dalaga maliban na lamang sa dalawang kapatid nito. Si Sanya, ang panganay na Escovar at si Saviel na siyang bunso.

"Jiějiě..." pagpukaw pansin ni Saviel sa nakatatandang kapatid, "Nag-aalala lang kami sa kalagayan mo, paki-usap huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang kay ate-"

"Don't," matalim na babala ni Santini, "Don't ever mention her name."

"I-I'm sorry Jiějiě..."

"Savi is right, Santi," seryosong sambit ng panganay na Escovar at pinagkrus ang mga braso, "2 months of suffering  is enough, move forward."

Way Back Home | PORDEE AUWhere stories live. Discover now