Chapter 8

583 30 3
                                    

Santini Qien Escovar

Naalimpungatan ako sa mababaw na pagkakatulog nang marinig ko ang sunod-sunod na malakas na pagkatok mula sa pintuan ng kwarto ko. I groaned in annoyance and covered both my ears with a pillow.

Istorbo, go away!

"Ate San!"

Narinig ko ang boses ni Marina mula sa labas ng pintuan kaya mas lalo akong nakaramdam ng yamot. She continued banging my door and calling my name, but I remained motionless, still lying on my bed.

She's with her. I know it.

Umayos ako ng pagkakahiga at tumitig nalang sa puting kisame. Napahawak ako sa bandang gilid ng ulo ko at napangiwi nang naramdaman ko ang bahagyang pagkirot nito dahil sa biglaang paggalaw ko.

Ganito talaga ang nangyayari sa'kin kapag hindi ako dinalaw kaagad ng antok. Tinapunan ko ng tingin ang digital clock na nasa ibabaw ng side table ko para tignan kung anong oras na. At muntik pa nga akong magpakawala ng malutong na mura nang makitang ala-singko palang ng umaga.

Anong trip ni Marina at bakit niya ako binunulabog ng ganito kaaga?! Hindi niya ba alam na halos wala akong naitulog kagabi dahil-

Ay... Malamang wala siyang ideya. Tudyo ng isang boses sa utak ko.

"Ate San wake up ka na raw pinapasabi ni ate Ab- ay! Pinapasabi ni nanay pala!"

Tulad kanina ay hindi ko binigyang pansin ang mga pagtawag at pagkatok ni Marina. Wala akong energy para singhalan siya't pagbawalan dahil halos dalawang oras lang ang tinulog ko. I really thought I was already done with my overthinking phase, but here it is, returning to prove that I am indeed a certified overthinker.

Bakit nga ba ako nagpuyat?

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok nitong pasaway kong puso. Napahawak ako sa magkabilang gilid ng ulo ko at pilit iwinawaksi ang mga pangyayaring naganap kahapon.

"I've got you."

Ano bang kakornihan 'yon?!

Habang kinakalma ang sarili, muli akong nagmulat ng mga mata at bumalik sa pagtulala sa kisame. Dumako bigla ang paningin ko sa isang butiki na naroon sa bandang sulok ng kisame, pinagmamasdan ko lang iyon hanggang sa lamunin nanaman ako ng overthinking.

Sana talaga ako nalang yung butiki sa kisame namin para wala akong ganitong problema.



Flashback


"Qien,"


"Qien, I'm sorry, please talk to me."


Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.


"Qien, hey!"


"Talk to me! Qien!"


"Wait! Can you stop walking so fast and slow down! I can't keep up-"


"What were you thinking? Why did you leave?" hinugot ko na mula sa natitirang paubos kong pasensya ang kalmadong pagtatanong ko.

I stopped walking, but I didn't bother turning around to face her. I am sure she'll just use her infamous puppy eyes on me if I did, and my eyes would meet hers. Edi nasayang lang ang pag-iinarte ko ngayon?

"I-I'm sorry-"

"I asked you," I coldly interrupted, "Why did you?"

"I-I just happened to see a stray k-kitten, and it looked so afraid because some naughty kids were hurting the kitten! I saw it run away, and I followed it w-without thinking, and then it brought me to that dark alley before I even realized it," she stammered in explanation. I could imagine her nervously fidgeting with her fingers while explaining, even though I wasn't facing her.

Way Back Home | PORDEE AUWhere stories live. Discover now