Chapter 1

1K 35 11
                                    

Santini Qien Escovar

"Welcome home Madam!"

My face scrunched up, eyes squinting in annoyance. I made my way towards the mansion that had been my home for years. This is where I spent my early childhood before my Dad decided to show up and took me.

As I stepped inside, every corner felt strangely foreign to me. Perhaps it was the visible change of the interior design or maybe this place will never be the same as it was before.

"This isn't home," I responded a bit nonchalant to my liking, eyes still wandering around.

"Yes Madam, this is your home!" Kwelang usal ng tao sa aking harapan.

Ugh, she's so full of energy and I hate it. Who is this girl anyway? She doesn't seem familiar to me, mukhang bago lang siya rito.

"Where's Manang Fe?" I asked, totally ignoring her antics. I obviously don't have the energy to deal with this girl. I need to rest for pete's sake!

"In the kitchen po Madam!" Tulad kanina ay gano'n pa rin ang tono ng boses niya at tila hindi man lang naapektuhan sa pagsusungit ko.

"... Manang Fe is preparing your favorite foods in the ki-"

I didn't bother listening to her nonsense comical blabbering. Tinungo ko ang daan papuntang kitchen, balak kong batiin muna si Manang Fe bago humimlay sa kwarto. I'm tired as hell!

"Manang?" I called. And there I saw Manang Fe who's busy stirring whatever she's cooking.

I unconsciously smiled as I watch her doing her thing. Parang muli akong bumalik sa pagiging bata, ganitong ganito kami noon ni Manang Fe. Habang nagluluto siya ay tahimik na nanonood lang ako sa gilid niya while patiently waiting for the food. Well, she did try teaching me how to cook pero sadyang hindi talaga para sakin ang pagluluto.

Napatawa ako sa isip nang maalala ang isang beses na muntik ko ng masunog ang mansion dahil hinayaan niya akong mag isa dito sa kusina. Manang Fe almost fainted when she saw how I messed up her paradise. And before she could even scold the hell out of me, I put my infamous innocent smile on my face as if wala akong kalokohang ginawa. Naalala ko pa ang laging sinasabi ni Manang noon sa'kin, dahil daw sa mga ngiti ko ay nakakatakas ako sa mga sermon niya.

I didn't have the privilege of growing up with my parents, so Manang Fe was my constant companion. Hindi ko nakasamang lumaki ang mga kapatid ko dito dahil nang maghiwalay ang mga magulang namin ay ako lang ang nakuha ni Mommy sa poder ng pamilya ni Dad. Anyway, enough of the drama.

"Manang Fe," pagpukaw kong muli sa atensiyon niya.

"Naku Marina hindi ba't sabi ko sayo ay doon ka sa harap para masalubong mo ang Madam Santi-" naputol ang sinasabi niya nang tuluyan na itong makaharap sa direksyon ko, "Ay juskong bata ka! Ang Santina ko!"

Tuwang tuwa niya akong sinalubong ng yakap at hindi na nag abala pang ibaba ang sandok na hawak. I crouched down a bit to match her height, ngayon ko lang napansin na ang taas pala ng itinangkad ko dahil halos magkasing-abot lang kami ni Manang Fe noong huling punta ko rito.

Ay isang dekada na pala ang nakalipas.

"Manang, Santini po," pabirong reklamo ko rito kaya't nakatanggap ako ng hampas ng sandok sa noo. Ouch!

"Ikaw talagang bata ka!" asik ni Manang matapos bumitaw sa yakapan segment namin, hinagod niya ng tingin ang kabuoan ko at saka ako ginawaran ng isang ngiti, "Jusko ang laki laki mo na anak, kamukhang kamukha mo ang mommy mo,"

Napasimangot naman ako sa sinabi ni Manang, "Akala ko po ba mas maganda pa ako kay mom?"

"Aba'y syempre! Pinakamaganda ka sa lahat Santina," natutuwang sambit ni Manang Fe sabay pinanggigilan ang magkabilang pisngi ko tulad ng ginagawa niya noon pa.

Way Back Home | PORDEE AUWhere stories live. Discover now