Chapter 2

851 34 9
                                    

Santini Qien Escovar

"Nagising na ba siya?" I asked Marina who's busy peeling a basket of Indian mangoes.

Umiling siya at inilipat ang tingin sa katabing kama kung saan nakahiga ang walang malay na babae, "Hindi pa nga ate eh, feeling sleeping beauty talaga siya."

"That's odd, it's been a week already," I said, putting down the lunch bags that Manang Fe prepared for Marina, "I think we should really take her to a real hospital."

"Naku ate San, hindi na nga kailangan! Marami ng ganitong kaso ang nangyari dito sa Isla," Marina assured me with a confident grin, "Naaalala mo pa ba si Mang Tomas?"

Mang Tomas? The guy who willingly lent us his motorcycle to bring this stranger that we found floating on the sea.

I nodded at her, "Yeah? What about him?"

"Sa maniwala ka at sa hindi ilang beses ng nawawalan ng malay iyon kapag nahuhuli siya ni Aling Gagay sa inuman imbes na namamasada."

"Huh? Bakit naman?"

"Nadadali ng dos por dos ang ulo niya!" magiliw niyang usal na sinamahan pa ng aksyon, "Pero ni-isang beses hindi siya dinala ni Aling Gagay sa hospital, dagdag gastos lang daw kaya binubuhusan nalang ng malamig na tubig."

Hindi ko na napigilang matawa dahil sa kwento ni Marina. Naupo ako sa silyang katabi niya at dumampot ng isang balat na na mangga.

"Marina kumain ka na muna, mamaya na iyan," nginuso ko sa kaniya ang baunang dala dala ko kanina, "Ayon ang pagkain mo."

Sumunod naman siya kaagad at pansamantalang tinigilan ang pagbabalat. Kinuha niya ang baunang nasa ibabaw ng lamesa at saka iyon binuksan.

"Wow! Ginisang ampalaya!" she happily exclaimed, looking at her food with pure delight.

"Paborito mo?"

"Hmm!" tumango nalang siya dahil nagsimula na niyang lantakan ang pagkain.

I smiled, shaking my head in amusement. I then shifted my gaze to the woman lying unconscious on the bed. I silently observed her whole being. She had lots of small scratches all over her body. But, different from the smaller ones, she also had a wound on her forehead that seemed like the point of impact. Mabuti nalang at may community hospital rito sa Isla at naagapan ang mga iyon.

--

Flashback

"H-Help me..."

Without thinking twice, I carried the strange into a bridal style and ran as fast as I could. H-her head is bleeding! I need to take her to the nearest hospital!

Hindi ko na hinintay pang makarating sina Marina. Tumakbo na ako nang tumakbo hanggang sa mayroon akong makitang liwanag na nagmumula sa isang maliit na tindahan. Kaagad kong tinungo ang lugar para manghingi ng tulong.

"Help us! I need to take this woman in the nearest hospital!"

Nakita ko kung paano natigilan lahat ng taong naroon. Napunta ang atensiyon nila sa'kin at sa buhat-buhat kong babae.

"Dyosko! Anong nangyari sainyo?!" the old lady inside the sari-sari store exclaimed in concern as she hurriedly run to our direction.

"Mga pare iyong babaeng buhat niya duguan!"

Ang narinig kong sigaw ng isang middle-aged man sa mga kasamahan nitong umiinom. Lahat silang naroon sa lamesa ay naalarma at nagsitayuan para tumulong.

"Tomas! Pahiram ako ng susi! Kailangang maihatid kay Doktora ang isang ito sa lalong madaling panahon!"

Sinubukan nilang kuhanin sa'kin ang babaeng buhat ko pero tumanggi ako sa hindi malamang dahilan. Maybe it's because i grew a responsibility towards this stranger since i was the one she asked for help.

Way Back Home | PORDEE AUWhere stories live. Discover now