Chapter 7

526 30 4
                                    

Third Person's

Where the hell on this place could she be?!

Muntik nang mabitawan ni Santini ang hawak na plastic bag nang mapagtanto niyang wala si Aviana sa lugar kung saan niya ito iniwan kanina. Inilinga niya ang mga mata sa bawat sulok ng paligid upang hagilapin ang nawawalang kaibigan ngunit siya ay bigo. Naramdaman niya ang sabay na pagbilis at paglakas ng tibok ng kaniyang puso dahil sa halo-halong emosyon.

Where are you Avi?!

Gumalaw ang mga paa ni Santini, tinungo niya ang kalapit na tindahang naroon sa huling pwesto na pinag-iwanan niya sa kaibigan upang magtanong.

"Magandang hapon po," ang pagbating bungad ni Santini sa isang matandang lalaki na siyang nakatao sa karinderya, "Pasensya na po sa abala, pwede po ba akong magtanong sainyo?"

Naputol ang pakikinig ng matandang lalaki sa maingay na radyo at napatingin kay Santini na siyang umagaw sa kaniyang atensyon. Bahagyang nakaramdam pa ng pag-aalala ang matanda dahil sa hindi maipintang ekspresyon na nakita niyang nakapaskil sa mukha ng dalaga.

"Walang problema, ano ba iyon iha?"

"Uhm, may napansin po ba kayong babae na hindi mukhang taga-isla tapos ganito kataas at mukhang barbie doll?" walang hinga-hingang pagtatanong ni Santini.

Napakunot ang noo ng matanda habang pinapanood ang dalaga na magsalita, "Hindi ba't sarili mo ang tinutukoy mo?"

"Huh?" napatigil sa pagsasalita si Santini dahil hindi niya nakuha ang sinasabi ng matanda.

Humalakhak ang matanda at ngumiti, "Ang ibig kong sabihin iha, ikaw, hindi ka mukhang taga-isla. Mataas kang babae at pasok ka rin doon sa mukhang barbie doll."

Nagsalubong ang kilay ni Santini at sabay na napailing nang ma-gets niya ang sinabi ng matanda.

"Hindi po ako manong, ang kaibigan ko po ang hinahanap ko. Naroon po siya nakatayo kanina," gamit ang hintuturo ay itinuro ni Santini ang lugar kung saan niya iniwan si Aviana kanina.

"Ah ganoon ba," napahawak sa batok ang matanda, "Pasensya ka na iha, kararating ko lang kasi ngayon dito sa karinderya kaya wala akong napansing babaeng hindi mukhang taga-isla na medyo kasing-taas mo at mukhang barbie doll."

Laglag ang balikat na napabuntong hininga nalang si Santini. Ang dami pa kasing paligoy-ligoy ng matandang ito imbes na sa iba nalang siya nagtatanong ng impormasyon ngayon at hindi nag-aaksaya ng oras.

"Sige po, salamat nalang p-"

"Sandali," pagpigil sa kaniya ng matanda kaya't nalilitong tinapunan niya ito ng tingin, "Diyan ka lang iha at tatawagin ko ang asawa kong nagbabantay rito sa karinderya kanina. Magbabakasakali na akong kilala niya ang tinutukoy mong kaibigan."

Hindi na hinintay pa ng matanda na makapagsalita man lang si Santini dahil mabilis pa sa alas-kwatrong umalis ito upang hanapin ang sinasabing asawa. Walang nagawa ang huli kung hindi ang hintayin ang matandang lumisan kahit kanina pa siya hindi mapakali dahil ang kaniyang isip ay naroon sa paghahanap kay Aviana. Nag-aalala siya na baka may mangyaring hindi maganda sa kaibigan lalo na at hindi ito pamilyar sa mga lugar at tao rito sa isla.

Nauubusan ng pasensyang tumalikod si Santini mula sa karinderya at akmang aalis na sana dahil hindi na kaya ng kaniyang konsensya ang tumayo lamang at maghintay sa walang kasiguraduhang pagbabasakali habang nawawala ang kaniyang kaibigan na hindi niya alam kung saang lupalop ng naroroon sa mga oras na ito. Ngunit napahinto rin siya agad nang marinig ang pag-uusap ng mga lokal na mamamayan ng isla sa bandang gilid.

Way Back Home | PORDEE AUWhere stories live. Discover now