Chapter 4

825 36 7
                                    

Santini Qien Escovar

"Kumusta ka riyan Santi?" untag sa'kin ni Mang Bert na nasa kabilang bahagi ng bangka, "Mayroon ka na bang huli?"

Napanguso ako habang ginagalaw galaw ang hawak na fishing rod pero magaan pa rin iyon, "Wala pa rin po."

Natawa naman ang matanda at tinapik ang balikat ko, "Ganiyan talaga anak, pagbutihan mo lang para may maiuwi kang ulam para kay Abeng."

I let out a sigh, nodded, and turned my focus back to catching whatever fish that would bite my bait. Kung hindi lang nga nabanggit ni Aviana na she's craving sinigang na bangus kagabi ay hindi ako gigising ng alas kwatro ng umaga para sumama kay Mang Bert mangisda. Sigh, I felt a sense of disappointment again as I shifted my gaze to Mang Bert's bucket, almost full of fish, and then returned my gaze to my empty bucket.

"Ayoko na ata Mang Bert, bibili nalang ako sa palengke," laglag ang balikat na usal ko habang nakatingin sa dulo ng pamingwit.

"Naku Santina nag-uumpisa ka palang kasi kaya ganiyan, hayaan mo mamaya lang ay may mahuhuli ka diyan," Mang Bert gave me a smile to assure me.

"Ih kasi naman po dalawang oras na akong nakaupo dito," I grumbled with a frown, feeling the stiffness set in.

"Tyaga lang nak, ikaw naman ang may gustong tuparin ang request ni Abeng hindi ba?"

Napanguso nalang ako at nanahimik sa tabi, dahil totoo naman ang sinabi ni Mang Bert. I still find the nickname they gave Aviana a bit weird, but it seems Aviana liked her new palayaw at hinayaan lang ang dalawang matanda.

Mabuti nga at mabilis na gumaan ang loob ni Aviana kila Manang Fe, lalong lalo na kay Marina. Kahit dinudugo na ang ilong kaka-english ay hindi tinitigilan ng bata na kausapin at guluhin si Aviana. Dalawang araw na rin ang nakalipas simula noong nagising siya, at sa loob ng dalawang araw ay nanatili lang muna siya sa hospital dahil iyon ang bilin ni Doktora. Hindi rin kami umaalis ni Marina sa tabi niya dahil kailangan niya ng kasama at ayaw niyang nawawala kami sa paningin niya.

Naging bantay niya kami pero most of the time pinapauwi ko rin si Marina sa mansion tuwing gabi at pinapabalik nalang sa umaga. I didn't mind taking care of her kahit na marami namang nurses dito. I've gotten used to volunteering in hospitals, orphanages, and various charities before, influenced by Sanya. Also, being with her all the time is a welcome distraction that prevents me from dwelling too much on the past so that's why I consider this as a win-win situation.

Last night, she randomly mentioned about how she's craving sa ulam na pinakain sa kaniya ni Manang Fe noong isang araw which was sinigang na bangus. Si Marina naman ay pinilit akong sumama kay Mang Bert na mangisda kahit na I suggested na pupunta nalang ako ng palengke.

"Mas masarap ang isda kapag bagong huli! Hashtag fresh from the sea!"

Napailing nalang ako nang maalala ang sinabi ni bata. Babalik pa sana ako sa malalim na pag-iisip nang biglang gumalaw ang fishing rod na hawak ko. Muntik pang matangay dahil sa lakas ng pwersa!

"Hila lang nang hila Santina!" natutuwang sambit ni Mang Bert habang pinapanood akong maghirap.

Bakit ba kasi ang bigat?! Baka mamaya gulong lang 'to o bato?

Sinunod ko lang ang sinabi ni Mang Bert at buong pwersang hinili ang pamingwit hanggang sa maiahon ko na ang tali. Namilog ang mga mata ko nang makita ang dalawang bangus na isdang nakakagat sa pain ko.

"Kita mo nga naman kung sinuswerte ka anak! Dalawa pa ang nabingwit mo!"

I'm not malas naman pala after all.

--

"Manang! Luto na po ba?" pasigaw kong tanong kay Manang habang pababa ng hagdan.

Nasa mansion pa ako ngayon dahil dito na ako dumiretso pagkatapos naming mangisda ni Mang Bert at dahil si Manang Fe ang magluluto ng nahuli kong bangus. Naligo na rin ako habang naghihintay matapos magluto si Manang dahil ayoko namang bumalik sa hospital na amoy pawis.

Way Back Home | PORDEE AUWhere stories live. Discover now