Clash # 2

19 1 0
                                    

Clash #2

"F***! Ayaw ko! Nakakainis naman ehh.!! Nakakabuwisiiiiittt!" – ako sabay sipa ko sa pader ng tambayan namin, sa covered court dito sa lugar namin.

"Ehh, ayaw mo nun! Mag-aaral ka sa isang elite school and for sure, masaya doon! Maraming magagandang babae!" – Reniel sabay whistle na parang manyakis! Eeewww. Pervy!

"Puteeekkk ka! Pulos babae yang lumalabas sa bunganga mo! Manyak!" – ako

"ehh? Ayaw mo nun, swerte ka nga't makakapasok ka sa malaking paaralan Terry." – Vann

"Hindi niyo ako maintindihan! Ang school na yun ay bagsakan ng mga mayayamang spoiled brat. Atsaka... wait nga lang, gusto niyo ba talagang lumipat ako ng school?" – ako

"OO!" – sila. Ayyy. Putteeekk! Mga ungas to! Gusto pa atang mawala ako sa buhay nila! Nakakatampo ah! Mga bwisit itong mga to!

"Mga walanghiya kayo!" – ako sabay hampas at suntok ko sa kanila

"Aray, aray, aray!!" – sila

"Siyempre joke lang naman yun ehh. Alam mo namang lab na lab ka namin ehh, di ba mga brad?" – Zack

"Oo naman!" – yung tatlo

"Mga sip-sip!" – ako

"Hahaha!" – sila

Kaasar talaga sila! Nakakabwisit! Ehh, kasi naman sabi ni papa, ililipat na raw ako ng school, kasi na promote daw si Papa sa Company na pinagtatrabahuan niya. At dahil daw pinangako niya sa sarili niya na papaaralin ako sa isang magandang eskwelahan, at ngayon mataas na sweldo niya at kaya na niyang gawin yung promise niya, kaya hayun.. .

Nakakainis nga ehh, sana hindi na lang siya nangako. Ehh, last year ko naman na sa high school ehh, ngayon pa ako ililipat. Talaga naman ehh, walang coconut! Asaaarr! Wala na raw akong magagawa dahil naka-enroll na raw ako dun. Yung boss daw niya yung tumulong kay Papa kaya ang bilisss! Kaya naman pala ayaw pa nila akong bigyan ng pang-enroll ko ehh, yun pala yun ang ginawa nila. Ahayyy! Maganda naman ang kalidad ng edukasyon ng school namin ehh, yung school na pinasukan ko for 3 years. Private din siya.

Ewan ko ba sa pudrakels ko kung bakit pa niya naisip na ilipat ako. Nakakaasarr talaga! Isa ring reason kaya ayaw kong lumipat ehh, ayaw kong mapahiwalay sa mga kaibigan ko. Kahit naman ganoon mga ugali nila ehh, nasanay na ako sa presence nila and I really value them all.

Mahirap kapag wala sila, wala akong kalaro sa basketball, kasi sa school dahil nga Varsity players sila, after ng classes, nakikipaglaro ako sa kanila at pwedeng pwede yun kasi ka-vibes ko rin naman yung coach nila, si Kuya Ed. Siguradong mamimiss ko sila. Ahayy! Kaasar talaga! Kaasarr!! Badtrep!

"Tigilan niyo nga ako! Kainisss naman kayo ehh. Imbis na nakikisimpatya kayo sa akin ehh, isa pa kayo sa kontrabida!" – ako, sabay death glare sa kanila

"Ikaw naman, Terry.. Siyempre naman malungkot kaming lumipat ka ng school pero naiintindihan din namin kasi nga para rin sa future mo yun." – Reniel

"Kaya nga, di man halata sa amin, lab na lab ka talaga namin!" – Vann

"That's true!" – Shin, sabay tango.

Nakakatawa itsura ng mga ito! Hahaha. Pa-puppy eyes pa talaga! Mga bading!

"Ang sweet niyo naman! Hahaha. Pweh! Wait lang.. Nagtataka talaga ako ehh. Bading ba kayong apat?" – ako sabay duro sa kanila. Hahaha.

Let's Play A Game by PaBeMaBe31Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon