Clash # 15

6 1 0
                                    

Clash # 15

"Girl, patay na yang karneng 'yan hindi mo na kailangang patayin ulit!" – Chandy

Tumingin ako sa kanya nang masama.

"Gusto mong ikaw yung mamatay?" – I returned back.

"tsssk. Ito naman, hindi man lang mabiro. 'Yang pimples, dumadami!" – sagot ni Chandy

I glared at her. Siya naman ay nagpeace sign sa akin. We are eating here in canteen... lunch break namin at sobra pa rin talaga akong naiinis sa damuhong bullfrog na 'yon! Bwiset!

"Ano ba kasing pinuputok ng butse mo dyan?" – Felina

I looked at her.

"Wala kang pakialam." – ako

"Tsssk. If I know, dahil 'yan kay Zed." – sagot ni Felina na hindi pinansin yung pagtataray ko sa kanya. Sumubo siya ng pagkain na parang pa-easy easy lang.

"Tsssk. F*ck that jerk." – ako sabay tusok sa karneng ulam ko. Tumalsik ito at may natamaan sa may tabi ko...

"What the f*ck!" – bulalas nung natamaan ko. Tsssk. Who cares? Paki ko ba? Hindi ko na 'yon kasalanan. Kasalanan yun nung karne... Gusto niyang lumipad ehh, yun nga lang may taong pinaglandingan...

"Sinong gumawa nun??" – sigaw nung lalaki. I just continued my lunch as if nothing had happened. Tsssk. As if naman, natakot ako sa sigaw nung lalaking yun!

I sensed na nakatingin sa akin sina Felina at Chandy...

I looked at them...

"What?" – ako

Instead of answering me, they looked at my back, very scared...

Tsssk. Ano na naman bang trip ito? Nabadtrip na nga ako kanina dahil sa ulol na Zed na'yon tapos ngayon na naman ehh, sila na naman ang mambubwiset sa akin? Ang ganda naman yata ng araw ko at ang bait sa akin ng tadhana!!! Buset!

"Don't you know how to say sorry?" – matigas na sabi nung lalaking natamaan ko nung karneng lumipad dahil sa pagtusok ko... may pagkabossy rin ang boses nito. Psssh!

I just ignored him... haynaku! Ba't ba ang lapit lagi sa akin ng gulo?

"Are you deaf o nagbibingihan ka lang?" – galit na turan nung lalaki.

Nagkibit balikat na lang ako...But then, everyone gasped as that damn guy pulled my arms and made me faced him. Pinaharap niya ako sa kanya... well, ang tangkad ng lalaking ito! Tumingala ako sa kanya without any fear... sinong tinakot mo? Ako? Ako? No freakin' way! Umaapoy sa galit ang mga mata nito... hawak pa rin niya yung braso ko... His grip can crash the bones of weaklings. Lucky I am that I'm not that fragile like the ordinary women...

"Say sorry!" – buong sabi nung lalaking higante.

I raised my eyebrows.

"Why should I?" – pagmamatigas ko. Why should I say sorry? As I've said, hindi ko kasalanan yun, kasalanan nung karne... kaya yung karne dapat ang kausapin niya! Bwiset talaga! Naiistorbo yung pagkain ko!!!

"Hallah! Binangga niya si Vince... Naku!!! Gulo 'to!!" – student 1

"Di ba siya yung sinuspend dati? Muntik nang makick out di ba?" – student 2

Let's Play A Game by PaBeMaBe31Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon