Clash # 13

12 1 0
                                    

Clash # 13

Terry's POV

"Anong nangyari sa pisngi mo?" – Zack

"Tsssk. Bakit ka ba nandito ha?" – ako.

"Akala ko ba nagbabago ka na? Hanggang ngayon pa naman ba gawain mo pa rin yang pag-akyat sa gate ng school?" – Zack.

Oo, nandito ngayon ako sa back gate ng skul, umaakyat at siyempre tatakas! Ano pa nga ba? In the middle of classes pa lang kasi kaya hindi pa sila nagpapalabas, kaya no choice ako kundi magmala-matsing sa mala-higanteng gate na to! Ayaw kong pumasok! Wala na akong gana ehh! Tsaka, baka hinahanap na ako ng guidance kaya tatakas muna ako ngayon.

"Hayy! Hindi kita tatay para pagsabihan mo ako niyan. Wait nga lang, ba't nandito ka? Class hours din naman ngayon ahh!" – ako sabay talon.

Hayan! Sa wakas I'm free!

"Boring!" – simpleng sagot niya. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya yung pisngi ko.

"Ano bang nangyari dito? Huwag mong sabihing nakipagbasag-ulo ka na naman diyan sa skul niyo? Diba nangako ka sa akin?" – Zack

Tsssk.

"Hindi ako ang nanguna..." – mahina kong sabi.

Pero, imbes na pagalitan ulit ako... niyakap niya ako...

Tssssk! Wait nga lang namumuro na yata ang mga lalaki sa mundong ito at puros yakap na lang ang ginagawa nila sa akin! Puteeeek! Hindi naman ako mahina tulad ng iba diyan... Tsssk.

"Alam mong ayaw na ayaw kong makita kang nasasaktan, kasi feeling ko hindi kita kayang ipagtanggol!" – siya.

h-ha? Hanuuuurrraaawww? Ba't ang gulo yata ng mundo ngayon?

Tinulak ko siya at sabay akbay sa kanya... pero bwiseeett naman oh, tangkad pa rin pala niya... hindi ko siya abot...

"Tssssk. Kung anu-ano yang sinasabi mo, gutom lang yan." – ako sabay hila sa kanya.

Hayun nga. Gumala nga kami pero bago yun, ginamot NIYA yung sugat sa may pisngi ko! Oo siya! kaya ko naman ehh, pero puteek siya, pinagbantaan ba naman ako na isusumbong raw niya ako kina mama kaya no choice... Siya na yung gumamot.

Ngayon, nandito kami sa may basketball court dito sa may village na malapit sa dati kong skul. Dito kami tumatambay kapag nagcucutting classes kami noon, nung di pa ko nilipat nina papa.

"Tsssk. Brad mukhang humihina ka naman na!" – Zack habang humihingal.

"Psssh! Ikaw ba namang ilang linggo nang di nakakapaglaro. Namiss ko nga to ehh! Laro naman kasi tayo kahit minsan!" – ako

"Ikaw ba naman kasi, lumipat ka lang sa mayamang skul nay un, nakalimot ka na. nalimutan mo na kami!" – Zack na may halong pagtatampo. Haha. Syete, ang bakla ng pagkasabi! Naku, kung di ko lang talaga kilala tong lalaking to, matagal ko nang pinaghinalaang shuding na may sira sa utak.

"Wow ha! Nagtatampo ka na niyan?" – ako. Habang tumatawa.

"Psssh! Nga pala, yung sinasabi ko nung nakaraang linggo, ni ngayon di mo pa natutupad!" – Zack

"hmmm? Ano naman yun? Wala naman akong naaalalang utang ko sa'yo ha? Kaw nga ang may maraming utang sa akin." – ako

"Hayy! Kahit kailan talaga napaka-ulyanin mo! Yung sabi mong sabado... na..." – siya

"Aaaahh! Alam ko na!" – pagtitigil ko sa kanya. Hahaha. Talagang alam ko na! ehh, kasi naman nagpramis pala ako, na noong sabado last last week ehh, magkikita kaming magkakabarkada at patatalsikin ko pa yung long time stalker niya! Hahaha. Oo, long time! Simula pa bata kami nun ehh...XD

Let's Play A Game by PaBeMaBe31Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon