2

150 7 0
                                    

        ALTHEA POV

      "WHAT.? SERYOSO KA TALAGANG ISINUKO MO NA ANG BATAAN SA KUNG SINONG PONCIO PILATONG NAKILALA MO SA BAR.?"

     "Shhhh Jenny Rose Chua can you please lower your voice like duh! nasa public place kaya tayo. Nakakahiya." saway ko dito pero nagpeace sign lang ito. Tama ba daw ibroadcast sa madlang people. -_-

    "Hehehe sorry naman nadala lang ng emotion. Teka di ba sabi mo gwapo yung lalaking naka-anuhan mo sa motel? Masarap ba siya.? Malaki ba ang ano niy-----Aaarrrayyy Arrie." reklamo ni Jenny ng batukan ito ni Arrie Lastimosa. Jusko po heto na naman siya sa pagiging isip bata slash tsismosa. Kung bakit ba naman naikwento ko pa ang mga nangyari kahapon eh.

     "Manahimik ka na lang kaya. Kita mong problemado na ang kaibigan natin." say nito. "Thea paano yan.? How can we find him.?"

      "Madali lang yan. He left his Driver's License kaya may lead ako kung sino ang lalaking yun." sagot ko at hinanap sa pouch ko yung ID at ipinakita sa dalawa.

    "OH ME GEE." gulat na say ni Jenny at bahagya pang nanlaki ang mga singkit nitong mata.

    "Holly cow! Sure kang siya yung  naka one nigth stand mo.?" kung ano ang reaksyon ni Jenny ganun din ang reaksyon ni Arrie. Ano bang problema ng dalawang ito.?

     "Oo naman siya yun. May nakita pa nga akong tatto na heart shape sa may dibdib niya eh. Kilala niyo ba ito at ganyan ang mga reaction niyo.?" nakakunot-noong tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan pa ito at sabay tumili ng malakas.

     "KYAAAAAAAHHHHH!"

      "Hoy kayong dalawa wag nga kayong tumili nakakahiya." saway ko sa mga ito at saka tumingin sa paligid namin. Halos lahat ng customer nakatingin sa amin at mukhang naweweirduhan ang mga ito.

     "Excuse me Ma'am, I am the Store Manager here may problema po ba.?" Naku po ito na nga ba ang sinasabi ko nilapitan na kami ng manager. Hindi na ako magtataka kung mapalabas kami ng wala sa oras.

      "Naku Ms. Manager wala naman pong problema. Actually kaya kami napatili kasi may good news ang friend namin she's one day preggy hehehe." natatawang sagot ni Jenny dun sa manager saka nakakalokong tumingin sa akin.

     "Ahh.? Ganun po ba.? Congrats Ms. Anyway papaki-usapan ko lang po kayo na wag kayong masyadong maingay." nakangiting sagot nung manager na halatang naweirduhan sa sagot ni Jenny. Napayuko na lang ako.

      "Okay." ani ni Jenny. Umalis na naman yung manager kaya tiningnan ko ng matalim si ito.

    "Hehehe."

     "Tsk. Oh ano nga bakit kayo tumili kanina do you know this guy personally.?" i ask both of them at sabay naman silang tumango.

      "Halos lahat kaya ng mga kababaihan kilala yan. Oh em gee napaka-swerte mo at natikman mo ang mala-adonis na katawan ni Alexander Montemayor a.k.a Xander Montemayor na matagal ko ng pinagpapantasyahan." napangiwi ako sa sinabi ni Jenny. Kumikinang pa ang mga mata nito habang parang nagde-daydream.

     "Oo nga Thea kahit ako pinagpapantasyahan ko din yang si Xander. Hindi ka na pala lugi at siya ang kumuha ng bataan mo kasi sa gwapo at mayaman ito ay sikat din ito." nakangiting say naman ni Arrie.

    "Teka nga. Mamaya niyo na pagpantasyahan ang lalaking ito. Tsaka paano niyo nakilala ito.? Don't tell me nakipag-one night stand din kayo sa kanya.?" matalim na tinitigan ko ang mga ito. Naku mamaya call boy pala yung lalaking yun at ang malala pa baka may AIDS pa ito huhuhu. Dapat na yata akong makapag pacheck up mamaya baka may sakit na pala ako.

     "Sira! Mabuti nga sana kung pinapansin kami nun sa mga concert at mall show niya kaya lang hindi eh. Alam mo ba kung gaano kasakit na naiitsapwera ang maladyosa naming kagandahan." madamdaming pahayag ni Jenny na para bang naiiyak.

    "Oo nga." segunda naman ni Arrie at nagyakapan pa ang dalawa. Napa face palm na lang ako. Hinampas ko ng malakas ang mesa at agad namang naghiwalay ang dalawa.

      "Mamaya na kayo magdrama. Sino ba kasi itong lalaking ito? At anong mall show at concert ang sinasabi niyo.?" kunway mataray kong saad sa dalawa.

     "Hehehe sabi nga namin. Si Xander Montemayor ay isang sikat na artista at singer. Kilala siya halos ng lahat ng kababaihan dahil sa natataglay nitong kagwapuhan." Arrie.

     "Tama. At alam mo bang sobrang bait din nito. Tsaka for the record simula ng pumasok ito sa showbiz ay wala itong naging girlfriend. Tatlong taon na itong single kaya mas lalong maraming kababaihan ang nagkakandarapa sa kanya." say ni Jenny.

     "So sikat pala siya. "

    "Hindi lang sikat super sikat pa. Ikaw kasi hindi ka mahilig sa mga local artist kaya yan napag-iiwanan ka ng news." paninermon ni Jenny.

     "Kailan ang next mall show niya.?"

    "Mamayang 5pm sa Trinoma bakit.? Pupuntahan mo siya.?" nagtatakang say ni Arrie.

     "Oo dahil dapat niya akong panagutan. Hindi nabibili ng 10,000 pesos ang virginity ko kaya girls tutulungan niyo akong makalapit sa kanya mamaya." say ko at tinitigan yung dalawa. Humanda ka Xander.

      "Kyaaaaahhhh parang gusto ko yang nasa isip mo Thea. Game ako dyan sugurin natin ang batalyon ni Xander." sang-ayon sa akin ni Jenny. Basta talaga pag dating sa kalokohan maaasahan ito.

     "Sali din ako." say naman n Arrie. Pinalapit ko ang dalawa sa akin at sinabi dito ang plano ko.

     Maghintay ka lang Xander at magkikita na ulit tayo. Kailangan mo akong panagutan dahil hindi nababayaran ang virginity ko.

AN: thanks for reading :)

My Monster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon