James Pov ( daddy ni Althea)
"Naku honey mukhang nag-aaway yung mga anak natin." nababahalang sabi sa amin ng asawa ko.
"Hayaan mo sila honey di ba nga The More You Hate, The More You Love by the way Micheal ano ayos ba ang arte ko kanina?" Oo palabas lang yung galit-galitan ko kanina hahaha! Talino ka talaga noh? Actually matagal na talaga naming planong ipakasal ang mga anak namin ni Micheal at mukhang nakiki-ayon ang tadhana sa mga plano namin. Ito na kasi ang gumawa ng way para magkita sina Thea our baby at si Xander.
"Siraulo ka pare wala sa usapan nating susuntukin mo ang anak ko!" naiiling na sagot nito.
"Pare ginawa ko yun para mag mukhang seryoso ako tsk tsk tsk!"
"Pero Honey remember artista si Xander at ang pangit tingnan kong may pasa ang mukha niya ke-gwapong bata pa naman." ani ng butihin kong asawa. Nilapitan ko ito at saka hinalikan sa labi i don't mind kung nasa harap namin si Micheal all i care is mahalikan ang asawa ko.
"Shit! Lumabas na nga lang kayong dalawa at pumunta sa guest room kung magp-PDA lang kayo sa harapan ko tsk!" marahan akong tinulak ng asawa ko ng magsalita si Micheal.
Langya kahit kailan talaga panira ang gagong ito sa moment namin ng asawa ko.
"Lol! Inggit ka lang tsk!" nakasimangot kong sagot dito.
"Tsk! By the way ano? pag-usapan na natin ang preparation sa kasal?" suhestiyon nito.
College friend ko itong si Micheal at naipangako namin sa isa't-isa na kapag nagka-anak kami ipagkakasundo namin ang mga ito, akala ko nga mababali na ang pangako namin ng lumipad ang mga ito sa america at doon manirahan buti na lang naisipan ni Micheal na umuwi ng pilipinas at dito na magstay for good. At swerte ding nagkita ulit kami kaya tuloy pa din ang plano. Bata pa si Xander ng una kong makita ito tanda ko 2 years old lang ito samantalang ang althea namin ay petus pa.
"James pwede bang iurong mo yung kasong isimampa mo sa anak ko? Langya ka naman oh!" aba't
"Malay ko bang anak mo pala yung Xander na tumangay sa anak ko tsk!"
"Hindi ka ba nanunuod ng tv? tsk! Tsaka di ba nameet mo na ang anak ko?"
"Oo pero hindi naman ako matandain kaya limot ko na ang pagmumukha ng anak mo. Tsaka wag ka ng mag-alala doon sa kasong isinampa ko ako ng bahala doon."
"Siguraduhin mo lang."
"Oo naman!"
"Aish awat na nga kayong dalawa! Para kayong mga bata." sita sa amin ng maganda kong asawa. "Kyaaaahhh! Kinikilig ako para sa mga anak natin sana lang talaga maging maayos ang lahat." nakangiting sabi ng asawa ko. Sana nga.. kasi ayokong masaktan ang anak ko.
XANDER POV
"WHAT? Xander naman hindi pwedeng ipa-cancel mamaya ang presscon hinihintay ng media ang opinion mo sa mga nangyari." hysterical na sagot nito sa akin pag dating ko sa office nito.
"Tsk! Basta icancel mo na lang muna Manager." im fucking tired.
"Pero magkakaroon ka ng negative image sa mga fans mo."
Alam ko naman yun.
"I know at wala naman akong paki-alam sa magiging tingin ng fans ko after this. Basta sa ngayon ayoko munang mag-painterview."
"What do you mean?"
"Aalis muna ako Manager mga 2 months akong mawawala."
"ANO? BAKIT? Oh my gosh X.M ano ba talaga ang nangyayari?" naguguluhang tanong nito.
Hindi ko ugaling takbuhan ang mga issue na binabato sa akin but this time gusto ko munang lumayo.
"Sasabihin ko din sayo after 2 months. Sorry sa problemang dala ko Manager."
"Haaaayyy ano pa nga ba ang magagawa ko? Basta huh after two months dapat may matino kang paliwanag sa akin kung hindi ipapa-auction ko ang mga boxers at brief mo." natawa naman ako sa sinabi nito.
Niyakap ko ito ng mahigpit.
"Opo. Aalis na ako."
"Mag-iingat ka. X.M babalik ka pa din di ba?" alangang tanong nito. Tinaguan ko ito bilang tugon.
"Hello."
"Sino ito?"
"Xander." ang slow naman ng babaeng ito.
"Xander who?"
"Tsk! Ang slow mo talagang pangit ka!" asar na sagot ko dito.
Hindi ba ito pamilyar sa boses ko?
"HOY ANG KAPAL NG MUKHA MONG HUDAS KA PARA SABIHING PANGIT AKO! FYI LANG MALA-DYOSA KAYA ANG KAGANDAHAN KO AT ISA PA SA DINAMI-DAMI NG XANDER SA MUNDO ALANG------"
"AAARRRRGGGGHHH WILL YOU PLEASE STOP SHOUTING MS. ENGOT!? THIS IS ALEXANDER MONTEMAYOR!" balik sigaw ko din dito natigilan naman ito sa sinabi ko. Bwisit pakiramdam ko kailangan kong ipacheck-up ying tenga ko.
"Oh ano namang kailangan mo sa akin MONSTER? at tsaka saan mo nakuha ang number ko? Stalker ba kita?"
"Wow! just wow! hindi ka kagandahan para istalk kita kaya wag kang assuming tsk! i have my ways para makuha ang number mo by the way pack your things aalis tayo ng manila teka nasaan ka nga pala?" napahilot ako sa batok ko.
"At bakit? Saang lupalop na naman ba ng pilipinas mo ako dadalhin huh?"
"Just text me your address and pack some things na madali lang dalhin okay?" binaba ko na ang cp ko saka inistart ang kotse ko.
Plano kong lumayo muna ng manila at syempre hindi ko pwedeng iwan dito ang pangit at engot na babaeng yun dahil baka dumugin pa yun ng media. Para safe isasama ko na lang siya sa Masbate kung saan hindi kami masusundan ng media.
BINABASA MO ANG
My Monster Husband
General FictionAN: Annyeong haseyo chingu. Binago ko po ang whole story kaya kung nabasa niyo na ito i Advice na iread niyo ulit para maintindihan ang story. Kamsahamnida. Don't forget to vote and leave comment. :)