7

108 4 0
                                    


cont...

      Pagdating namin sa bahay nina Xander ay agad kong nakita sina mommy at daddy. Si daddy ang sama ng tingin sa amin samantalang si mommy ay walang kibo pero halata ang lungkot sa mga mata nito.

     Nagi-guilty ako.

      "Finally nandito na din kayo." ani nung isang matandang lalaki. Ito siguro ang tatay ni Xander at bestfriend ni Daddy.

     Iginaya ako ni Xander palapit sa kinaroroonan ng mga magulang namin. Nagulat ako ng biglang tumayo sa Daddy at sinuntok si Xander.

     "DADDY/HONEY" sabay pa namin sigaw ni Mommy.

     "JAMES!" sigaw din nung papa ni Xander at dinaluhan ang anak.

    "IKAW LALAKI KA ANG KAPAL NG MUKHA MONG PAGSAMANTALAHAN ANG KAHINAAN NG ANAK KO. ALAM MO BANG KAISA-ISAHAN NAMING ANAK SI ALTHEA!" sigaw ni daddy at akmang susugurin ulit si Xander pero pigil-pigil namin ito ni mommy.

     "Huminahon ka James. Pag-usapan natin ito ng maayos." pagpapakalma naman nung papa ni Xander kay Daddy.

    "Aba dapat lang. Anak ko yata ang naagrabiyado dito. Hindi ako papayag na hindi panagutan ng anak mo ang anak ko Micheal. Magkaibigan tayo pero ibang usapan na pag involved dito ang mga anak natin." galit na say ni daddy saka umupo pero hindi pa rin iniaalis nito ang matalim na titig kay Xander.

    "Alam ko James. At hindi rin naman ako papayag na tatakbuhan ng anak ko ang responsibilidad niya sa anak mo."

    "Pero Papa----"

     "Aba dapat lang. Kailangan nating iset ang kasal nila sa lalong madaling panahon. Lalo pa at may nangyari na sa kanila." hindi ako makapaniwala sa sinabi ni daddy. Bakit pakiramdam ko pinamimigay na nila ako. At si mommy hindi man lang tumutol.

     "Mommy."

    "Disappointed ako sayo anak. Kailangan niyong magpakasal ni Xander paano na lang kung nabuntis ka ng lalaking yan.? Haaayyy naku Thea aatakihin ako sayo ng sakit sa puso. "ani ni mommy. Napayuko ako sa sinabi nito. Ngayon lang ako pinagsalitaan ni mommy ng ganyan at halata sa boses nito ang pagkadismaya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang hindi tumulo ang mga luha ko.

     "Fine I will marry her but bigyan niyo muna kami ng time na makilala ang isa't-isa." napatingin ako kay Xander. Blangko ang expression ng mukha nito.

    "Sige. We will both give you two months para makilala niyo ang isa't-isa." sagot ni daddy.

    "PO.? TWO MONTHS? "

     "Althea Rose Saavedra sinisigawan mo ba ako.?" napakagat labi akong umiling kay daddy. Nabigla lang naman ako eh.

     "Okay tapos na ang usapan. James, Risse tara sa library at pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal ng mga bata. Iwan muna namin kayo diyan ng makapag-usap din kayo." say nung papa ni Xander at inaya sina mommy and daddy.

     "Xander."

   "Dammit Althea tingnan mo yung nangyari sa ginawa mo.? Kung nanahimik ka na lang kasi hindi sana tayo aabot pa sa kasalan." galit na say ni Xander.

    "Oo na kasalanan ko na. Pero masisisi mo ba ako kung gusto kong panagutan mo yung nangyari sa atin.? First time ko yun at mahalaga------"

     "Shit paulit-ulit na lang tayo dito. We will get married after two months at magpa-file tayo ng annulment after one year. Hindi ako pwedeng matali sayo. Kung ano man yung nangyari sa atin dala lang yun ng kapusukan ." gigil na saad nito.

     "Fine. After one year maghihiwalay tayo. Akala mo gusto ko din makasama ang mayabang, antipatiko at walang konsensyang lalaking katulad mo." galit na sagot ko din dito. Tama dapat nanahimik na lang ako. Dapat hindi na lang ako nakipagkita sa kanya at hinayaan na lang ibaon sa limot ang nangyari eh di sana wala kaming problemang ganito.

      "Same here! Ayoko rin makasama ang babaeng hindi marunong mag-isip, childish, baliw at selfish na katulad mo." aba't sumusobra na ito ah. Ang kapal ng mukha niya. Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko ito at sinipa ang junior nito.

    "AAAHHH! SHIT! DAMN YOU WOMAN! FUCK ANG SAKIT. TANGNA PAG NABASAG ANG BALLS KO SASAKALIN TALAGA KITA." sigaw nito habang nakaluhod at namimilipit sa sakit. He deserve it. Akala niya huh!

     "Mabuti ngang mabaog ka at hindi na tumayo kailanman yang junior mo ng wala ka ng ibang nabibiktima bleeeehhh dyan ka na nga." pang-aasar ko dito saka tumakbo.

     "Curse you woman! aaahhh bumalik ka dito." sigaw nito kaya tumigil ako sa pagtakbo. Hahaha mukha itong tanga hawak-hawak ang harapan nito at namimilipit pa din sa sakit.

      "Bleeeeh!" dinilaan ko lang ito at nagpatuloy umalis bago pa ito makabawi.

    Kailangan kong makita sina Jenny at Arrie para sabihin ang mangyayari sa hinaharap.

An: Thanks for reading :) short UD

My Monster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon