ALTHEA POV

    Napatingin ako sa cellphone ko. Saan naman kaya nakuha ng Xander na yun ang number ko? Tsk!

   "Girl di ba siya yung nag-eskandalo sa mall show ni Xander?"

  "Oo nga siya yung malanding babae."

Patay!!! Nakilala yata ako ng mga tao. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nung nangyari yung ginawa ko sa mall at ngayon lang ako lumabas ng bahay.

  Agad kong ibinaba ang cap ko sa mukha ko at nagmamadaling lumabas ng coffee shop pero bago pa man ako makalayo sa shop ay may humila na sa braso ko at isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.

   Pakiramdam ko namanhid ang mukha ko sa lakas ng sampal na yun. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal kaya naman nag init agad ang dugo ko at hinarap ang lintik na sumampal sa akin.

   "WHAT THE HECK IS WRONG WITH YOU BITCH!" sigaw ko sa babaeng payasong sumampal sa akin.  Yes she is payaso sa kapal ba naman ng make up nito sa mukha mahihiyang tumabi dito ang isang totoong clown.

  "Bitch? Mas bagay yata sayo ang tawaging bitch kaysa akin. Ang kapal ng mukha mong sirain ang image ni Xander!" Sigaw nito at akmang sasampalin ulit ako pero agad kong hinawakan ang kamay.

  "Isang sampal pa sa maganda kong mukha at sisiguraduhin kong manghihiram ka na ng mukha sa aso!" Akala yata nito mag papaapi ko. Well nagkakamali siya.

  "BITCH!" Sigaw nito.

  "Talagang BITCH ako as in Beautiful Individual That Create Haters (AB.C pahiran po )"

  "Ang sabihin mo malandi ka at nilandi mo si Xander!" Sigaw naman ng kung sino sa likuran namin. Pansin ko na dumadami na ang nanonood sa amin.

  Nagulat na lang ako ng may biglang humila sa buhok ko at maya-maya lang pinagtutulungan na nila ako pilit akong nanlalaban sa kanila pero masyado silang marami.

  "Ugh!!! Bitawan niyo ako!!" Sigaw ko at pilit na kumakawala mula sa mga baliw na fans ni Xander. Mga walanghiya! Hindi patas lumaban. Ano ito? Isa laban sa mga baliw na fans ni Xander? Ugh!!! I hate this feeling.

  "LET ME GO!!" Pagpupumiglas ko sa babaeng sumasabunot sa akin pakiramadam ko matatagalan na ako ng buhok sa higpit ng pagkakasabunot nito sa akin.


  "MALANDI KA!" sigaw nila sabay tulak sa akin.

  Ayokong umiyak sa harapan nila dahil ayokong magmukhang kawawa pero hindi nakikiayon sa akin ang mga luha ko at kusa na lang itong nagsilaglagan. I feel humiliated infront of so many people. They look at me like im a piece of trash.

   "Ngayon iiyak ka? Ano yan paawa effect? FYI miss malanding ambisyosa walang maaawa sayo." Ani ni nung payaso. Napapikit ako ng bigla ako nitong isaboy sa mukha ko ang isang juice na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

   "ALTHEA FUCK!" That voice. Tiningnan ko kung saan galing ang boses na yun. Si Thunder Miguel Alfonso.

  "WHAT THE HECK IS WRONG WITH YOU PEOPLE! You! Why did you do that to her?" Galit na ani nito saka nilapitan yung babaeng payaso na nagsaboy sa akin ng juice.

  "Ba-bagay lang yun sa kanya." Sagot nito at masama akong tiningnan.

   "Dammit! Get out of my sight or else baka masaktan kita kahit babae ka." Narinig kong sabi nito dun sa payaso bago lumapit sa akin. Hinubad nito ang american coat na suot at tinakip sa katawan ko.

   "Let's get out of here." Anito saka masuyo akong inalalayan.

   Pagkarating namin sa kotse niya ay agad akong sumakay ganun din ito.

My Monster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon