cont....
"Wow! Hindi ko akalaing sikat pala talaga yung lalaking yun." usal ko ng makita ang makapal na tao na nagkukumpulan sa may mini stage dito sa ground floor ng trinoma.
"Sabi naman kasi sayo ikaw lang itong ayaw maniwala." nakaismid na say ni Jenny habang nakatanaw dun sa stage.
"Malay ko ba tsk. Paano ba tayo makakalapit dun sa unahan sa sobrang kapal ng tao.?" my gosh. Baka kapag nakipagsiksikan kami ay mabubugbog lang kami ng mga Fans ng Xander na yun.
"Wag kang mag-alala kaming bahala dyan ni Jenny, di ba nga isa kami sa mga Fans ni Xander kaya alam na alam na namin ang techniques para malusutan ang makapal na tao. Here, wear this jacket kakailanganin mo ito para iwas kalmot." say ni Arrie at inabot sa akin ang isang black leather jacket na may tatak sa likod na I Love You X.M.
"Tsk. Buti na lang nakapagwithdraw ako kanina. Mukhang mamumulubi na naman ako nito." bulong ni Jenny at nakapout. Anong ibig sabihin nito.?
"Goodafternoon Ladies excited na ba kayo makita at marinig na kumanta si X.M.?" say nung baklang emcee at biglang dumagungdong ang buong ground floor sa lakas ng tilian.
"Magsisimula na. Ready girls.?" say ni Arrie.
"Yes. " sabay pa naming sagot ni Jenny. Pare-pareho kaming nakajacket. Di ko tuloy maiwasang hindi maisip na para kaming Charlie's Angel.
"Ugh tabi dyan. Oh 1000 padaanin mo lang kami." napalingon ako kay Jenny na inaabutan yung babaeng siniksik namin. Ooohhh ngayon naiintindihan ko na. Bawat masagi namin at nagrereklamo ay inaabutan ni Jenny ng 1000 tapos padadaanin na nila kami. Ganun ang ginawa ni Jenny hanggang sa makarating kami sa unahan.
"Huhuhu 100,000 thousand ang bilis mo namang maubos." naiiyak na say nito habang tinitingnan yung 1000 na natitira sa kamay nito. Nilapitan ko ito at tinapik ang braso.
"Mabait ka talagang kaibigan." hehehe ganyan ang kaibigan handang gumastos ng malaki kapag kinakailangan.
"Kung hindi lang kita mahal eh." naka-pout na sagot nito.
"Waaaahhh girls nandyan na si X.M" tili ni Arrie with matching talon-talon pa. Pareho kaming napatingin ni Jenny sa stage at nakita ang lalaking pinagsamantalahan ang kalasingan ko para makuha ang virginity ko.
Napakuyom ako.
"Hi girls miss me.?" say nung mokong sabay kagat labi at kindat sa audience. Jusko po saksakan pala ng kalandian ang Xander na ito. At halos mabingi naman ako ng sabay-sabay tumili ang mga ito.
"MEDIC! MEDIC! MAY HINIMATAY DITO." napalingon ako dun sa katabi kong matabang babae na hinimatay na pala at pinagtutulungan ng medic team na maialis sa crowd. Hayy grabe hinimatay agad.? sayang lang ang paghihintay niya.
"Uy Thea teka. Lang...." narinig kong say nina Jenny at Arrie pero hindi ko ito pinansin at sumampa ako sa harang at nagmamadaling umakyat sa stage bago pa ako maabutan ng mga security.
Ng maka-akyat ako sa stage ay biglang tumahimik ang buong paligid. Maliban lang dun sa mga staff na nagtatawag na yata ng mga security.
Nakita ko ang pakay ko na tahimik lang nakaupo dun sa gitna ng stage at takang-takang tinitingnan ako. Agad akong lumapit dito at hinawakan ang kwelyo nito.
"What the!" nabigla yata ito sa ginawa ko kaya nabitawan nito ang gitara na hawak nito.
"Hoy lalaki. Natatandaan mo pa ba ako huh.?" mariing tanong ko dito.
"Hu-huh.? Hi-hindi. Isa ka ba sa mga fans ko.?"
"NO!"
"Stalker.?"
"Wow huh! Kapal naman ng mukha mo para maging stalker ang isang dyosang katulad ko."
"Tsk Ms. Kung hindi kita Fan at stalker eh ano kita?" halata na din sa boses nito ang pagkairita.
"WELL MR. ALEXANDER MONTEMAYOR AKO LANG NAMAN YUNG NADIVERGINIZED MO NUNG NAKARAANG GABI. NAKALIMUTAN KONG ARTISTA KA PALA KAYA ANG GALING MONG UMAKTING NA HINDI AKO KILALA." sigaw ko dito ng matauhan ito. Aba ang kapal naman ng mukha niyang kalimutan ang atraso sa akin.
"Wha-what.?" halos paos na say nito saka tumingin sa gilid. Nandun na pala ang mga security at tahimik na nakikinig sa amin.
"Wag mo nga akong mawhat-what dyan. Panagutan mo ako."
"Shit ano.? Nababaliw ka na ba.? Look Miss kung pinadala ka lang dito para sirain ang concert ko pwes umalis ka na." asik nito.
"Hoy X.M wag mong pinagsasalitaan ang kaibigan namin ng ganyan. Pagkatapos mo siyang pagsamantalahan at gamitin ang kahinaan niya ganyan lang ang ibabalik mo sa kanya. Ang Kapal ng mukha mo." nagulat ako ng sumigaw si Jenny. Nasa stage na din pala ang mga kaibigan ko na hawak-hawak ng mga security guard.
"Oo nga.! Panagutan mo ang kaibigan namin kundi kakasuhan ka namin ng rape." sigaw din ni Arrie at pilit na nagpupumiglas sa mga hawak ng mga security.
"Great. Just fucking great. You! Come with me." nagulat ako ng hatakin ako pababa ni Xander at dalhin sa backstage.
"Xander what the hell is happening.?" galit na tanong nung isang babae na lumapit sa amin.
"I don't fucking know. Dammit! Ask this girl." say nito at tiningnan ako ng masama.
"You! Who the hell are you.? Sinira mo ang mall show ni X.M. Shit! alam mo bang pinagpipyestahan kayo ng media sa labas. At yung dalawa mong kaibigan ay nagpa-interview pa." frustrated na say nung manager yata ni Xander. Habang nagpapaikot-ikot dito sa backstage.
"Media.? A-akala ko ba mall show lang ito.?" patay. Malalaman nina mommy at daddy ang eksenang ginawa ko kanina.
"Idiot. Artista ako malamang may mga nakasunod sa aking media at ang mall show na ito ay para sa promotion ko ng bago kong album. Dammit lady."
"Hoy wag mo nga akong mamura-mura dyan. Kanina ka pa ah! Kung hindi mo kasi ako denivirginized eh di sana wala tayo sa sitwaston na ito." sisi ko dito. Totoo naman kasi walang planong ganito kung hindi ko ito kilala at walang nangyari sa amin.
"Fuck i already gave you 10,000 right.? Hindi pa ba sapat yun huh.?" oh tingnan niyo lumabas din ang totoo. Kilala talaga ako nito at nagkukunyare lang itong stranger ako.
"What ? You gave her 10,000? So totoo ang sinasabi ng babaeng ito.?" nagtatakang tanong nito kay Xander.
"Unfortunately, yes."
"My gosh! Aaaahhhh masisiraan ako ng ulo sayo Xander. Ano na ang gagawin natin ngayon.? Malamang lumabas na sa news ang nangyaring eksena kanina." nanghihinang saad nung manager.
"Don't worry Aressian aayusin ko ang gulong ito. Ikaw sumama ka sa akin." ani ni Xander at hinila na naman ako. Si Boy hila din pala ito. Hindi ko alam kong paano kami nakalabas ng mall ng wala sa amin nakaka-kilala. Pagdating namin sa parking lot ay padabog ako nitong isinakay sa kotse.
Waaaahhhh saan niya ako dadalhin? Isasalvage na niya ba ako.? Lord wag naman po. Gusto ko pang magka-anak.
BINABASA MO ANG
My Monster Husband
General FictionAN: Annyeong haseyo chingu. Binago ko po ang whole story kaya kung nabasa niyo na ito i Advice na iread niyo ulit para maintindihan ang story. Kamsahamnida. Don't forget to vote and leave comment. :)