Ten

6.1K 179 16
                                    

Napaisip si Vice sa mga sinabi ni Angelika.

Kung gusto mo, kunin mo na. Bago ka pa maunahan ng iba.

Gusto nga ba niya si Karylle? Totoo nga ba ang mga pang-aasar ni Anne?

Bakit sya hindi natutuwa sa tuwing magkasama si Karylle at Dingdong? Ilang araw na ang nakalipas at lagi pa ring nagkikita ang dalawa. Sa Compimento naglalunch si Dingdong pero saglit lang syang nakakausap ni Karylle dahil kailangan rin sya sa kusina. Tuwing gabi naman, susunduin nya si Karylle o kaya naman ay aalis agad si Karylle dahil magkikita sila ni Dingdong. Halos hindi na nakakausap ni Vice si Karylle kahit lagi lang silang nasa iisang lugar.

Hindi masaya si Vice na laging magkasama si Karylle at Dingdong. Hindi rin sya masaya na hindi nya nakakasama si Karylle. Hindi nya sigurado kung anong dahilan, kung nagseselos ba sya o gusto nya talaga si Karylle. Ang alam lang nya, hindi sya masayang kasama nito si Dingdong. At ang gusto nya ay sya ang makasama ni Karylle.


"K, may lakad ba kayo uli ni Dingdong tonight?" tanong ni Vice kay Karylle isang gabi habang sinasara ang Compimento.

"Wala." nakangiting sagot ni Karylle.

"Good, sabay tayo magdinner tonight." sabi ni Vice at hinila si Karylle palabas ng Compimento.

"Saan tayo magdidinner? Sarado na rin yung ibang restaurants Vice."

"My place. Um, I'll cook for you." sagot ni Vice.

"Sure ka? Okay lang na ako magluto." sagot ni Karylle.

"Wala ka talagang tiwala sa'kin?" kunyaring nagtatampo na sabi ni Vice.

Natawa naman si Karylle. "Okay, fine. Ikaw bahala."

Pagdating nila sa condo ni Vice, sinalubong sila ng helper na si Mercy.
"Good evening Vice, Karylle. Nagdinner na ba kayo? Sorry di ako nakapaghanda hindi ko naman alam" sabi ni Mercy.

"Ah, hindi Mers. Ako magluluto para sa'tin." sabi ni Vice at pumasok sila sa loob.

"Sure ka?" sabi ni Mercy na nagtataka.

"Oo, sure ako. Dyan na muna kayo ni Karylle. Magchikahan kayo o manood ng tv. Magluluto na ko." sabi ni Vice at dumiretso na sa kitchen.

"Totoo ba yun, K? Magluluto sya? Mag-isa?" sabi ni Mercy. Nagkibit balikat naman si Karylle at ngumiti.

"Sabi nya eh."

Maya maya pa ay tinawag na sila ni Vice. Dumiretso naman sila sa hapag kainan. Adobo ang niluto ni Vice.

"Ui, Vice. Masarap 'to ha!" sabi ni Karylle.
Napayuko naman si Vice at napangiti. "Sa'yo talaga nanggaling ha. Nahiya naman ako Chef."

"Why? Masarap talaga. I wasn't expecting—"

"Ay yun lang, K. Wala talagang tiwala." sabi ni Vice.

"Joke lang. Pero masarap talaga, promise." sabi ni Karylle. Ngumiti naman si Vice. Patuloy lang sila sa pagkain pagkatapos ay pumunta sila sa sala habang nagliligpit si Mercy.

Tahimik lang muna silang naka upo sa sofa. Si Vice na ang bumasag ng katahimikan nila.

"Close ba talaga kayo ni Dingdong dati pa?"

"Bestfriends kami simula elementary. Hanggang high school lagi kami magkasama. Nung college na lang nagkahiwalay."

"Mukhang sobrang close nyo nga eh. Di na kayo mapaghiwalay. Kung wala ka lang sigurong trabaho sa Compimento eh di na talaga kayo maghihiwalay."

Tiningnan lang sya ni Karylle na medyo naguguluhan kung san patungo yung sinasabi ni Vice.

"Bakit.. um.. bakit.. bakit kayo laging magkasama lately? Um, nililigawan ka ba nya?" kinakabahang tanong ni Vice. Nagulat naman sya ng biglang pagtawa ni Karylle. "Anong nakakatawa?" tanong niya.

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now