Thirty-four

4.6K 121 18
                                    

Pinanood lang nya na si Yael na maglakad palayo. Napangiti sya sa sarili habang umiiling.

"Naging maayos naman pala ang mga plano ko."

Flashback

Papunta sya sa opisina ni Vice ng mapansin nyang bukas ng kaunti ang pintuan nito. Kakatok na sana sya pero narinig nyang may kausap pa si Vice sa telepono.

"Sasabihan ko na ang mga empleyado dito na magsara ng maaga sa gabing 'yon para makapunta kami agad ni K. Basta, walang babati dapat sa kanya para masurpresa sya na lahat tayo magkakasama."

"Ahh, kinakabahan ako. Sana maging maayos yung plano ko. I want her to be happy on her birthday."

Napaisip naman sya sa sarili nya. "Malapit na pala ang birthday ni Karylle. Hmm, pwede."

-

"Basta guys ha? Maaga ang sara nyo that night. Mawawala muna ako ng ilang araw siguro. Basta 'wag nyo kakalimutan."

"Ano po bang meron sa araw na yun? Bakit tayo maagang magsasara?" tanong ng isang empleyado.

"Basta. Basta. Kayo na bahala magsara dito." nakangiting sabi ni Vice. "O sige, bumalik na kayo sa trabaho."

Sumunod naman na ang mga empleyado at bumalik na sa kani-kanilang pwesto. Pero sa halip na bumalik na sa kanyang trabaho, lumabas muna sya ng Compimento at kinuha ang telepono para tawagan ang ilang taon ng gwardya sa culinary school kung saan nag-aral sila Karylle.

"Hello? Manong Rey?"

"Hello? Si Karla ba ito?" tanong ng gwardya sa kabilang linya.

"Opo, ako po ito. Itatanong ko lang sana kung naayos nyo na po yung mga kailangan para sa surpresa ni Yael?"

"Oo. Nakaayos ng ako ang gwardya sa gabing 'yon."

"Ah, mabuti naman po. Kayo na po ang bahala sa mga mag-aayos sa rooftop ng mga kailangan para sa surpresa ni Yael." bilin ni Karla.

"Oo. Ako ng bahala. Hay, hanggang ngayon pala ay walang kupas si Yael sa pag surpresa kay Karylle. Naalala ko pa noong gawin nya rin ito ilang taon na ang nakalipas. Bagay na bagay ang dalawang bata na iyon. Kolehiyo pa lang kayo noon alam ko na na sa kanila may forever." sabi ng gwardya at tumawa.

Napangiti naman sya ng tipid kahit alam nyang hindi sya nakikita ng gwardya. "Opo. Bagay na bagay sila."

"Siguradong matutuwa si Karylle. Pakisabi kay Yael na ako na ang bahala. Sisiguraduhin kong magiging matagumpay ang surpresa nya."

"Salamat po, manong. Sige po."

-

"Psst, Yael, anong hinihintay mo dyan?" tanong ni Karla kay Yael.

"Hinihintay ko si K. Birthday nya kasi ngayon. Ibibigay ko lang itong regalo ko." sabi ni Yael sabay labas ng maliit nyang regalo.

Ngumiti naman si Karla at hinila si Yael palabas.

"O, saan mo ako dadalin?" nagtatakang tanong ni Yael.

"May surpresa ka kay Karylle mamaya." nakangiting sabi ni Karla.

"Ha? Wala naman. Ito lang yung ibibigay ko." naguguluhang sabi ni Yael.

Umiling naman si Karla at ngumiti. "Pareho lang nung surpresa mo noong gabi na sinagot ka ni Karylle. Parehong lugar. Ayos na ang lahat, nakausap ko na si Manong Rey. Imbitahin mo na lang sya mamaya. Maaga rin naman magsasara mamaya yung restaurant so ayos na ang lahat."

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ni Yael.

"Yep. Naayos ko na yung set-up na kaparehong kapareho noong dati. Pero ikaw na ang bahala sa mga gagawin mo."

Niyakap ni Yael si Karla ng mahigpit. Napangiti lang ng tipid si Karla at alanganing niyakap rin si Yael.

"Salamat, Karla. Salamat talaga."

"Ano ka ba, maliit na bagay lang yun."

"Pero paano kung hindi sumama si Karylle mamaya? Paano kung may plano na sya?"

"Ikaw na ang bahala dyan. Pero 'wag ka mag alala. Malaki ang chance na pumayag sya. Nararamdaman ko."

Ngumiti naman si Yael. "Bakit mo pala pinlano 'to?"

Nagkibit balikat lang si Karla. "Ang perfect nyong couple eh. College pa lang tayo alam na ng karamihan na kayo na hanggang huli. Nanghihinayang pa rin ako sa nangyari sa inyo. Baka lang may magawa pa akong paraan."

Napangiti naman si Yael sa sinabi ni Karla. "Salamat talaga. Malaking tulong."

"Galingan mo ha? Utang mo 'to sa'kin." sabi ni Karla at tumawa.

Natawa rin naman si Yael. "Oo. Hindi ko na sasayangin 'tong pagkakataon na 'to."

Maya maya ay bumalik na rin sila sa kusina. Nakita rin nilang nandoon na si Karylle at nakasimangot na nagtatrabaho.

"Mukhang hindi maganda ang mood. Paano ko sya yayayain?" bulong ni Yael kay Karla.

Nagkibit balikat naman si Karla. "Ikaw na ang bahala dyan. Nakasimangot sya o, pangitiin mo na. Birthday pa naman nya."

Tumango naman si Yael at lumapit na kay Karylle. Pinanood lang ni Karla ng inumpisahan nila mag-usap tapos ay bumalik na rin sa trabaho nya.

-

"Wala pa ring dumadating na taxi. Paano ba 'to Karla? Baka mainip si K at umatras sya."

Umiling naman si Karla habang nag-aabang pa rin sila ng taxi sa labas. Kinakabahan sya dahil baka biglang dumating si Vice at masira ang plano.

Ilang minuto rin sa wakas ay may dumaan ng taxi. Pinara naman nila ito agad at tinakbo na rin ni Yael si Karylle sa loob. Natanaw naman bigla ni Karla ang sasakyan ni Vice na malapit na sa kanila. Agad syang pumasok sa restaurant para sundan sila Yael. Nakita naman nya na paalis na rin sila.

Nang magtama ang tingin nila, nagmouth sya kay Yael ng "Bilisan nyo." Tumango naman si Yael at lumabas na rin.

Nagstay saglit sa loob si Karla dahil kinakabahan sya na mag abutan sila ni Vice. Dahan dahan naman syang naglakad palabas ng Compimento at nakita nyang nagmamaniobra na si Vice para sundan ang taxi na sinakyan nila Yael.

Napabuntong hininga na lang sya at umiling.

End of flashback

-

Nakangiti syang umiiling habang iniiscan ang mga papel na hawak nya.

"Everything's falling into place. Malapit na."

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now