Forty-six

4.1K 127 12
                                    

Iniwan rin ni Vice si Kaye at sinundan si Karylle sa kusina. Busy na ang dalaga sa pag-aayos ng mga kailangan para sa order ni Kaye. Nilapitan sya ni Vice at tahimik lang na pinanood ang ginagawa nya.

"O anong ginagawa mo dito?" tanong ni Karylle.

"Sinisiguro ko lang na di mo lalagyan ng lason." sagot ni Vice. Tiningnan naman sya ng masama ni Karylle kaya tumawa sya. "Joke lang, ito naman. Wala naman kasi akong ginagawa. Ayaw ko namang nalalayo sa'yo."

"Tigil tigilan mo ko Vice ha. Nang-iistorbo ka lang eh." sabi ni Karylle.

"Hindi ako mang-iistorbo. Wala akong ibang gagawin kundi maging inspirasyon mo sa pagluluto." sabi ni Vice sabay kindat.

"Baliw." sabi ni Karylle habang umiiling pero hindi mapigilang mapangiti.

Tulad ng sinabi ni Vice, hindi naman nya inistorbo si Karylle. Tahimik lang nya itong pinanood. Nakangiti rin nyang nilibot ang tingin sa paligid. Masaya syang balik na sa normal ang dati. Balik na sa dating operasyon ang Compimento.

"Okay na ba? Tikman mo nga." sabi ni Karylle at nilapit ang kutsara kay Vice para subuan ito. Tinikman naman ito ni Vice at ngumiti.

"Gayuma nanaman yata nilagay mo dito eh." sabi ni Vice. Hinampas naman sya ni Karylle.

"Joke lang. Naiinlove kasi ako sa'yo lalo everytime na matitikman ko mga luto mo. Iba talaga eh."

"Vice alam mo mahal na kita. Hindi mo na ako kailangan bolahin pa." sabi ni Karylle tapos ay bumalik sa ginagawa nya. Si Vice naman ay natahimik lang at nakangiti at kinikilig na pinanood ang kilos ni Karylle.

Samantala, tahimik lang na nagtatrabaho si Yael sa gilid. Pinipilit nyang hindi magreact kahit na naiinggit sya kay Vice. Naiingit sya dahil dati ay sya ang kasama ni Karylle. Ngayon, hanggang tanaw na lang sya dahil isang kaibigan na lang ang tingin sa kanya ni Karylle.

Habang pasimpleng tinitingnan ni Yael si Karylle, si Karla naman ay kay Yael nakatingin. Mula pa noon, ganito na ang sitwasyon nila. Palagi syang nasa tabi ni Yael pero parang ang layo layo ni Yael sa kanya. Tila isang lugar na hindi mararating, isang talang hindi maaabot.

Magkababata si Karla at Yael. Magkasabay silang lumaki, magkasabay silang bumuo ng pangarap para sa kanilang mga sarili. Pareho nilang hilig ang pagluluto kaya pangarap talaga nilang maging tanyag na chef.

"Hmm, ang sarap neto Yael! Sigurado ako matutuwa ang pamilya mo kapag natikman nila 'to!" sabi ni Karla na nakatungtong sa upuan para maabot ang kalan.

"Sana nga!" sabi ni Yael habang nililipat ang ulam na niluto sa lalagyan.

"Kapag natikman 'to ng presidente, sigurado ako magugustuhan nya 'to." sabi ni Karla.

"Tingin mo?"

"Oo naman no! Luto natin 'to eh. Ang sarap kaya!" pagmamalaki ni Karla.

"Kapag nagustuhan kaya 'to ng presidente, bibigyan kaya nya ako ng pera?" tanong ni Yael.

"Hmm..." sabi ni Karla habang bumababa sa upuan. "Siguro."

"Balang araw maipapatikim natin sa presidente ang luto natin! Gusto mo ba yon? Baka sakaling yumaman tayo!"

Tumawa naman si Karla. "Paano naman natin maibibigay sa presidente yun? Eh hindi nga natin alam saan sya nakatira!"

"Ewan ko. Sabi sa school diba sa Malacañang daw nakatira ang presidente? Paano ba pumunta dun?" tanong ni Yael.

"Hindi ko alam eh. Mukhang malabo pang maipatikim natin 'to sa presidente eh. Pero promise balang araw maipagluluto rin natin sya."

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now