Twenty-two

5.2K 205 19
                                    

"Karylle, please?"

Hinawakan ni Vice ang balikat ni Karylle at tiningnan ito sa mata.

"Anong nangyayari K? Sino sya?" sabi ni Vice.

"Karylle please harapin mo naman ako. Kausapin mo ko." muling nagsalita yung lalaki.

Hindi na napigilan ni Karylle kaya humarap na sya sa lalaki.

"Harapin? Kausapin? 3 years, Yael! 3 years kang biglang nawala tapos bigla kang babalik at iisipin mong ganun na lang kadali na kausapin kita agad?"

Naglakad papalapit si Yael kay Karylle at kukunin sana ang kamay nito pero hinawi lang sya ni Karylle.

"Karylle..." sabi ni Yael na naiiyak na.

Tumalikod na si Karylle at tumakbo papalayo. Hahabulin dapat sya ni Yael pero hinarang sya ni Vice.

"Hindi ko alam kung sino ka at kung anong nangyayari pero please hayaan mo na muna sya. Kung may kailangan kayong pag-usapan, mukhang hindi nya pa kaya ngayon." sabi ni Vice at tumakbo na para habulin si Karylle.

Naabutan nya si Karylle na nakaupo na sa shotgun seat kaya pumasok na rin sya sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang sila na nakaupo at hindi pa nag-umpisa magdrive si Vice. Nakatulala lang si Karylle at malalim ang iniisip. Si Vice na ang bumasag ng katahimikan.

"Ah, Karylle?"

Hindi nagreact si Karylle.

"Diba sabi mo kanina ikaw magdrive? Oh sige, saan na lang tayo pupunta?"

"I-I'm sorry. 'Wag na muna tayo tumuloy ngayon. S-sorry talaga." sabi ni Karylle at tumingin na kay Vice.

Hinawakan naman ni Vice ang kamay ni Karylle at nginitian sya.

"You can tell me anything. Nandito lang ako."

"Just drive." sabi ni Karylle at nginitian si Vice.

Tumango naman si Vice . At nagsimula na magdrive papunta sa condo ni Karylle.

-

Kakatapos lang maghilamos ni Anne ng napansin nyang nagriring yung phone nya. Tiningnan nya kung sino yung tumatawag at tsaka ito sinagot.

"Hello Vice? Napatawag ka ng gantong oras? Gabing gabi na ha? Wait, kamusta pala date nyo ni Karylle?" sabi ni Anne na excited marinig ang kwento ni Vice.

"Ano kasi... ah teka bakit alam mo yung date namin ni Karylle?"

"Oh come on, Vice. K tells me everything! So tell me, kamusta nga?"

"Hindi kasi kami natuloy."

"What?! Why?!" sigaw ni Anne mula sa kabilang linya kaya nilayo ni Vice yung telepono.

"Eksaherada naman 'to!"

"Akala ko kasi ngayon- Ah eh bakit nga di natuloy?"

Narinig ni Anne na napabuntong hininga si Vice sa kabilang linya.

"Viceral, huy."

"Kilala mo ba kung sino si Yael?"

Tila natigilan naman si Anne sa narinig kaya hindi sya nakapagsalita at napanganga na lang.

"Anne? Huy nandyan ka pa ba?"

"S-sorry, sino uli yun?" tanong ni Anne na umaasang mali lang ang pagkakarinig nya.

"Yael yata yun? Paalis pa lang kasi kami ng Compimento kanina tapos nakita sya ni Karylle. Pinipilit nyang kausapin si Karylle pero mukhang ayaw nya. Hanggang sa mukhang di na nya napigilan kaya sinigawan nya sya, parang ang sabi 3 years nawala?"

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now