Forty-three

4.3K 139 9
                                    

Habang pinagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagnanakaw sa Compimento, napagdesisyunan ni Vice na lumapit na sa kanyang ama para tulungan syang maiangat muli ang Compimento. Nakiusap syang pahiramin muna sila ng sapat na halaga para mabawasan ang mga utang nila at maipagpatuloy kahit paano ang operasyon ng restaurant para kumita pa rin sila.

"Dad, sorry talaga sa abala ha? Kailangang kailangan ko lang kasi talaga." sabi ni Vice.

"Ano ka ba, Tutoy. Handa akong tulungan ka. Alam ko kung gaano mo kamahal ang Compimento kaya hindi rin naman ako papayag na mawala lang sa'yo 'to agad."

Maliit na ngiti naman ang binigay ni Vice sabay yuko. "I'm a failure. Hindi ko man lang nakitang mangyayari yun."

"Hindi ka failure, anak. Pagsubok lang 'to at siguradong makakabangon ka."

"Ang tanga tanga ko eh. Mawawala sa'min yung pinaghirapan namin dahil ang bulag bulag ko para hindi makita ang mga nangyayari."

"Alam mo bang proud ako sa'yo anak?" Napatingin naman si Vice sa tatay nya. Nginitian nya ang anak. "Ang layo na ng narating mo. Nakapagpatayo ka ng sarili mong negosyo. Nakagawa ka na ng isang bagay na matatawag mong iyo. Dati pa lang diba yun na ang gusto mong magawa? At nagtagumpay ka, anak."

"Pero sa isang iglap lang mawawala na lahat ng yon."

"Hindi mawawala ang Compimento. Maliit na problema lang yan. Makakabawi kayo. May tiwala ako sa'yo."

Napangiti naman si Vice. Tumayo sya at niyakap ng mahigpit ang tatay nya.

Naputol naman ang moment ng mag-ama ng biglang may pumasok sa opisina. "Dad dumating na yung mga... Vice?"

"Ate Emma!" sabi ni Vice sabay yakap sa kapatid. "Namiss kita."

"Namiss rin kita! Bakit ka pala nandito?" tanong nya.

Napangiti naman si Vice sadly at nagets na ni Emma kung ano ang pinunta ng kapatid. Tinapik nya ito sa balikat at nginitian.

"Malalagpasan mo rin yan, I'm sure. Ikaw pa ba?"

"Sana."

"Well, I'm not really in the mood for talking about problems now so why don't we talk about Karylle? Hindi ka pa nagkekwento sa'kin ha! I was so surprised!"

Napangiti naman si Vice. "Sa lahat ng masamang nangyayari ngayon, sobrang nagpapasalamat akong nasa tabi ko sya lagi. She's a constant reminder that I'm still very blessed."

"I'm happy for you. Hindi ko pa talaga namemeet ng maayos si Karylle pero nakikita ko kung gaano kabuti ang naidudulot nya sa'yo."

"Ipapakilala ko sya sa'yo. I know you'll love her."

Naputol muli ang pag-uusap nila ng biglang kumatok ang sekretarya ng tatay ni Vice.

"Sir, may nagpapadala po sa inyo nito." sabi ng babae na may dala dalang orange lilies. Napanganga naman si Emma at napalingon sa tatay nya. Maging si Vice ay biglang may naramdamang kakaiba dahil kapareho ito ng bulaklak na nakuha nila noong anniversary ng Compimento.

"Hindi ba't sinabi kong itapon nyo lahat ng ganyang bulaklak na ipapadala?!" sabi ng tatay ni Vice tapos ay inagaw ang bulaklak sa babae at tinapon sa basurahan ang bulaklak.

"Ayoko ng makakakita uli ng ganyang bulaklak! Ilang beses ko bang sasabihin na walang makakarating na ganyan sa opisina ko?!" Nakayuko lang ang sekretarya habang pinapagalitan sya.

"Dad... Dad..." sinubukan syang pigilan ni Emma. "Dad, bago lang sya dito. Baka hindi sya nabrief ng dati mong sekretarya tungkol sa mga bulaklak."

Umatras na rin sya at napahawak ng ulo. Pinaalis na rin ni Emma ang sekretarya at humingi ng paumanhin sa inasta ng tatay nya.

"A-anong meron sa bulaklak?" naguguluhang tanong ni Vice.

Napabuntong hininga si Emma. "Ilang beses na kami nakatanggap nyan. Unang beses sa lamay ni Mommy."

"Bakit hindi ko alam yung tungkol dito?" tanong ni Vice.

"Devastated ka masyado nung mga panahong yun kaya hindi mo napansin. Tsaka dito na sa Vestige yung mga sumunod na padala."

"Bakit nyo pinapatapon?"

"May kasamang mensahe yung unang bulaklak na pinadala. Umpisa pa lang daw yun, yung pagkamatay ni Mommy."

"Ano? Sinabi nyo na ba sa mga pulis yun? Kailangan isama sa imbestigasyon yun!"

"Alam na ng mga pulis ang tungkol doon."

Saglit na tumahimik si Vice. "Yung bulaklak... nakatanggap rin ako nyan. Kasama nung folder na naglalaman ng papeles na nagsasabing ubos na ang pera ng Compimento."

Napatigil naman ang tatay ni Vice. Napanganga rin si Emma bago sya nagsalita. "Ibig sabihin iisa lang ang may pakana ng pagpatay kay Mommy at pagnanakaw sa Compimento?"

Lumapit naman ang tatay nila kay Vice. "Anak, mag-iingat ka. Malapit sa inyo kung sino man ang may pakana nito. Hindi natin alam kung anong gusto nya pero gusto kong mag-ingat ka. Hindi natin alam kung anong mga plano nya."

Tumango naman si Vice at niyakap sya ng ama nya.

-

"Gulong gulo na ako sa mga nangyayari." sabi ni Vice at pumikit. Niyakap naman sya ng mahigpit ni Karylle.

"Iisa lang ang may pakana ng pagpapapatay kay Mommy at pagnanakaw sa'tin. Hindi ko alam kung ano pang kaya nyang gawin. Parang gusto nyang kunin ang lahat sa akin."

"Hindi naman nya kayang gawin yun diba? Malalaman rin natin kung sino sya. Hindi na nya magagawa ang kahit ano pang balak nya." sabi ni Karylle.

"Nasasaktan rin akong isipin na isang taong pinagkatiwalaan natin ang may gawa nito. Kung... kung tama ang hinala kong si Angelika 'to... Nasasaktan ako kasi naging malapit na syang kaibigan sa'kin eh. Marami syang naitulong sa'kin. Lalo na sa pagpapalakas ng loob na ligawan ka. Ano kaya ang dahilan nya?"

"Kung sya nga... wala tayong magagawa. Baka kasama sa mga plano nya ang makuha ang loob natin." Napabuntong hininga si Karylle. "Mabait pa naman sya. Wala syang pinakitang hindi mabuti sa'tin. Hilingin na lang natin na mali ang hinala mo."

"Sana talaga mali ang hinala ko." sabi ni Vice.

"Malalagpasan rin natin 'to." sabi ni Karylle at tumingala kay Vice. Nilapit na rin ni Vice ang mukha nya at hinalikan si Karylle.

"I love you." sabi ni Vice.

"I love you too." sagot ni Karylle.

Hinila ni Vice si Karylle papalapit sa kanya at hinigpitan ang yakap na para bang inaangkin nya ito. Kinatatakutan ni Vice ngayon lahat ng pwede pang kunin sa kanya. Natatakot sya na baka pati si Karylle ay guluhin nila.

Hinalikan nya sa ulo si Karylle. Napatay na nila ang nanay ni Vice, nakuha ang pera ng Compimento pero hindi nya hahayaang pati si Karylle ay magalaw nila. Hindi man nya nailigtas ang ina, sisiguraduhin nyang hindi nila malalapitan si Karylle. Gagawin nya ang lahat para maprotektahan ang dalaga.

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now