Fifty

3.9K 134 3
                                    

Dahan dahang minulat ni Karylle ang mga mata nya. Kumunot ang noo nya at nilibot ang tingin sa madilim na paligid, trying to make sense of where she is. Hindi nya alam kung nasaan ba sya o paano ba sya napunta doon. Ang huling naaalala nya ay ang pagtakbo nya palayo kay Yael. Sinubukan nyang iangat ang kanang kamay nya para hawakan sana ang ulo nya pero narealize nyang nakagapos pala sya. Nanlaki ang mga mata nya at sinubukang pakawalan ang sarili pero nabigo sya. Unti unti naman nyang naalala ang mga kaganapan bago sya nawalan ng malay. Bigla syang nagpanic. Nagsimula na syang sumigaw para humingi ng tulong habang sinusubukan pa ring alisin ang pagkakagapos nya.

Biglang bumukas ang pintuan sa harap nya. She had to squint para makapag adjust sa biglang pagliwanag ng paligid dahil binuksan na ang ilaw sa silid. Apat na lalaki ang pumasok sa silid at ni isa sa kanila ay hindi pamilyar kay Karylle.

"Sino kayo? Nasaan tayo? Anong kailangan nyo sa'kin?" sunod sunod na tanong ni Karylle.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa. Magandang umaga." Napatingin ang lahat sa babaeng nakatayo sa may pintuan. Unti unti syang naglakad palapit kay Karylle

"Angelika... Ano bang kailangan m sa'min?! Anong kasalanan namin sa'yo?!"

"Oops, hindi ganyan ang tamang pagbati, prinsesa. Hindi mo man lang ba uumpisahan with hi? Hello? Magandang umaga rin? Tsk tsk, nasaan ang manners?" mapang-asar na sabi ni Angelika.

"Hindi kita maintindihan. Bakit mo ba pinlano ang lahat ng 'to?"

"Ah. Alam ko kung gaano kabrilliant ang mga plano ko pero eto," sabi ni Angelika sabay kumpas ng kamay nya sa direksyon ni Karylle. "etong pagdukot sa'yo ngayon, hindi ko 'to pinlano. Magpasalamat ka sa magaling mong ex."

Kunot noo lang syang tiningnan ni Karylle.

"Oh, don't worry. Hindi ko naman sya kasabwat. Pero he makes everything easier and better for me. Always."

"Hindi kita maintindihan."

"Tinutulungan nya ako palagi guluhin ang buhay nyo. Ginagawa nyang mas exciting ang love story nyo ni Vice. Sabi ko nga kanina, hindi ko pinlano itong pagdukot ko sa'yo. Kakatakas lang nila sa'kin mula sa presinto so hindi pa naman ako nakakapagplano. Pero saktong nakita ko kayo bigla sa daan. So, ting! Bright idea."

"Bakit mo ba kailangang guluhin ang buhay namin? Ano bang kailangan mo?!" sigaw ni Karylle.

Nginitian naman sya ni Angelika. "Wala. Masaya lang akong may nakikitang magulong buhay."

"Pakainin nyo na ang prinsesa. Kawawa naman. Baka magalit ang baklang prinsipe kapag ginutom nyo yan." sabi ni Angelika. Tumango naman ang mga tauhan nya at lumabas. Bumalik sila na may dalang pagkain. Kinuha naman ito ni Angelika at lumuhod sa harap ni Karylle at inabot ang pagkain sa kanya.

"Pasensya ka na chef kung hindi kasing sarap ng luto mo yan ha?"

Tinabig lang ito ni Karylle at biglang nagpumiglas. "Pakawalan mo ko!! Tigilan mo na kami! Pakawalan nyo na ako!"

Nagalit naman si Angelika kaya sinampal nya ng malakas si Karylle. "Hindi dapat sinasayang ang pagkain!"

"Patahimikin mo na kami! Ano bang kailangan mo?! Pakawalan mo na ako!" sigaw ni Karylle sa mukha ni Angelika habang patuloy pa rin ang pagpupumiglas.

Galit na tumayo naman si Angelika sabay bunot ng baril mula sa isa nyang tauhan at tinapat ito sa ulo ni Karylle.

"Patahimikin? Gusto mo pagbigyan kita?!" sigaw ni Angelika. Natigilan naman si Karylle at hindi makakilos sa sobrang takot na baka iputok ito ni Angelika.

"Kakain ka o pasasabugin ko na lang yang ulo mo?!" lumingon si Angelika sa mga tauhan nya. "Magdala kayo ng pagkain!"

"Angelika!" biglang narinig nilang sigaw mula sa pintuan. Tumakbo agad ang lalaki sa direksyon ni Angelika at kinuha ang baril mula sa kanya.

"Huwag mo akong pakialaman, Joe! Akin na yan!" sigaw ni Angelika habang pilit na inaabot ang baril mula kay Joe.

"Hindi. Hindi ka hahawak ng baril. Lumabas ka na muna." sabi ni Joe. "Ako na ang bahala dito."

Walang nagawa si Angelika kundi hayaan na lang si Joe. "Pakainin nyo yan!" sigaw nya bago lumabas ng silid.

"Lumabas na kayo. Akin na yang pagkain. Ako ng bahala sa kanya." utos ni Joe sa mga tauhan nila. Tumango naman ang ma ito at sinunod si Joe.

Binulsa ni Joe ang baril at lumapit kay Karylle. "Ayos ka lang?"

Nanginginig na umaatras si Karylle na takot na takot sa mga nangyayari. "Ayoko pa mamatay. Ayoko pa."

"Hindi ka mamatay. Kumain ka. Eto oh." Dahan dahang lumalapit si Joe kay Karylle.

Patuloy pa ring umaatras si Karylle hanggang sa bumangga ang likod nya sa dingding. Pumikit sya at umiling iling. Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata nya.

"Si Vice. Si Vice." sabi nya habang patuloy ang pag-iyak. "Nakita ko kung paano sya nung namatay ang nanay nya. Hindi ko pwede iwan si Vice. Hindi ko pa kaya mamatay."

"Shh, Karylle, hindi ka mamamatay. Kumain ka." mahinahong sabi ni Joe.

Dumilat naman si Karylle at diretsong tiningnan si Joe sa mata. "Ano bang kasalanan namin? Bakit kailangan nyo 'tong gawin?"

"May mga dahilan kung bakit ginagawa ni Angelika 'to. Tulad nyo, biktima lang rin sya."

"Hindi ko maintindihan. Bakit nya ba 'to ginagawa?" tanong ni Karylle.

"Kumain ka na. 'Wag kang mag-alala, safe 'to. Hindi ka naman papatayin ni Angelika." pag-iiba ni Joe sa usapan. Kinalas na rin nya ang pagkakagapos ni Karylle.

"Nakaya nyang ipapatay ang nanay ni Vice. Anong pinagkaiba ko?" sabi ni Karylle pero nagsimula pa ring kumain. Natatakot sya pero nararamdaman naman nyang hindi masamang tao si Joe.

"Hindi ko hahayaang maulit pa yun." sabi ni Joe habang inaalalayan si Karylle habang kumakain.

"S-salamat nga pala kanina. Akala ko katapusan ko na kanina." sabi ni Karylle.

Umiling naman si Joe. "Sabi ko nga sa'yo, hindi ka papatayin ni Angelika. Nabigla lang yun kanina. 'Wag mo na lang sya galitin uli."

Hinawakan naman bigla ni Karylle ang kamay ni Joe at nakiusap. "Please, tulungan mo ako. Natatakot na ako dito. Sigurado akong nag-aalala na si Vice. Kailangan ko makawala dito."

"Hindi ko alam kung paano." nakayukong sabi ni Joe. "Matagal ko ng kaibigan si Angelika at alam kong matalino sya. Maraming tumatakbo sa utak nya na maski ako hindi ko malaman kung ano. Mahihirapan tayo."

"Kung totoo kang kaibigan nya, hindi mo hahayaang gumawa pa sya ng mali. Please, Joe. Tulungan mo ako."

Saglit na napaisip si Joe. Maya maya ay tumango na rin sya. "Susubukan ko."

"Salamat. Salamat talaga. Promise, kung ano man ang dahilan nito, tutulong ako kapag natapos na ang lahat." nakangiting sabi ni Karylle.

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now