Thirty-five

4.8K 176 6
                                    

"Vice."

Nakangiting sinalubong ni Vice si Karylle sa labas ng condo nya. May dala dala uli syang boquet ng sunflowers.

"Salamat." sabi ni Karylle ng tanggapin nya ang bulaklak. "Bakit ka pala nandito?"

"Sinusundo ka?" sabi ni Vice.

Ngumiti naman si Karylle. "I see. Teka, kunin ko lang ang gamit ko."

Hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle habang naglalakad sila papunta sa parking lot. Nakangiti namang tiningnan ni Karylle ang magkahawak nilang kamay at hinayaan lang ito.

"Teka, hindi 'to papuntang Compimento ah?" nagtatakang tanong ni Karylle ng mapansin nyang sa ibang direksyon nagdadrive si Vice.

"Hindi nga." sagot ni Vice.

"Eh saan tayo pupunta? Saan mo nanaman ako dadalin?"

Natawa naman si Vice. "Bakit? Saan na ba kita dinadala dati?"

Nagkibit balikat naman si Karylle. "Ewan ko. You're always full of surprises."

Ngumiti naman si Vice. "Wala naman akong surprise this time."

"So saan tayo papunta?"

"Kahit saan."

"Vice!" sabi ni Karylle. Gusto nya ng malinaw na sagot. "Saan nga?"

Tumawa uli si Vice. "Kahit saan nga. Gusto ko lang bumawi sa nadaot kong paandar nung birthday mo. Pero dahil wala na akong time, simple na lang. Wala ng surpresa. I just want to spend time with you."

Napangiti naman si Karylle. As much as she enjoyed Vice's surprises, being with him is more than enough.

"Okay lang ba? May gusto ka ba puntahan? O gustong gawin? Game ako." tanong ni Vice.

Ngumiti naman si Karylle. "Oo naman. Game ako. Tara, kahit saan."

At pumunta nga sila sa kung saan saan. Nagroadtrip lang sila. Tumitigil sa kung saan saan para magfoodtrip o mag picture o i-appreciate lang ang view. Buong araw silang nagkwentuhan, nagkulitan, nag-asaran. Simple lang ang araw na 'yon pero sobrang saya ni Karylle.

Alam nyang masaya sya palagi kapag kapiling nya si Vice. Yun lang naman ang gusto nya, ang magkasama sila. Alam nyang matagal na dapat nya ginawa pero parang parating hindi napagbibigyan ng pagkakataon. Mahal nya si Vice, at maaring ito na ang tamang panahon para sabihin nya ito.

"Vice! Teka lang!" sabi ni Karylle habang nakadungaw sa bintana.

"O, may nakita ka uling pagkain? Hindi ka pa ba busog?" natatawang sabi ni Vice habang dahan dahang tinigil ang sasakyan.

"Hindi." sabi ni Karylle habang kinakalas ang seatbelt nya. Bumaba sya ng sasakyan at sinundan naman sya ni Vice.

"Gitara?" tanong ni Vice habang pinapanood si Karylle na pumili ng gitara. Tumango lang si Karylle.

"Gusto mo ng gitara? Ako na magbabayad. Birthday gift ko na." sabi ni Vice.

"Hindi! Ano ka ba, sobra sobra ng birthday gift yung ngayong araw."

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now