Eighteen

6K 179 6
                                    

Ilang lingo na ang makalipas noong namatay ang nanay ni VIce. Unti unti na rin namang syang nakamove on at ngumingiti na uli. Hindi nawawala sa tabi nya si Karylle. Ginagawa niya ang lahat para mapangiti lang si Vice. Unti unti naman na narealize ni Vice na talagang mahal na nga nya si Karylle. Walang alinlangan, siguradong sigurado na sya.

-

"Mukhang good mood na good mood ka ah. Ngayon lang kita nakita uling ngumiti ng ganyan since yung nangyari." sabi ni Angelika habang nilapag yung ibang files sa desk ni Vice.

Lumaki lalo ngiti ni Vice. "Angelika, sigurado na ako."

"Sigurado saan?" naguguluhang tanong ni Angelika.

"Mahal ko sya. Mahal ko si Karylle, siguradong sigurado na ako."

Ngumiti naman si Angelika at tumango.

"Wala kang sasabihin?" tanong ni Vice.

"Eh anong sasabihin ko matagal ko na namang alam yan. Pakipot ka lang ayaw mo pa diretsuhin."

"Ito naman, eh hindi pa ko sigurado dati pero ngayon siguradong sigurado na ko."

"Eh di buti naman." Sabi ni Angelika.

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong ni Vice.

Natawa naman si Angelika sa tanong ni Vice.

"Bakit ka tumatawa?" naguguluhang tanong ni Vice.

"Eh kasi naman bakit mo pa tinatanong yan. Mahal mo sya, edi ligawan mo."

"Paano?"

Napaface palm naman si Angelika dahil halatang bago para kay Vice lahat ng 'to.

"Hindi ka pa nakakapangligaw kahit kelan no?" tanong nya.

"Hehe hindi pa eh."

"Well, ako rin kasi."

Tumawa naman si Vice. Narealize rin nya na babae nga pala si Angelika kaya hindi ito nanliligaw.

"Magtanong ka sa lalaki, 'wag sa'kin. Basta ang payo ko lang tulad ng dati, always make her feel special. Iparamdam mo sa kanya na mahalaga sya, na maganda sya, na worth it sya. At syempre, patunayan mong karapatdapat ka rin para sa kanya."

Ngumiti naman si Vice at tumango habang nag-iisip.

"Salamat, Angelika."

-

"Vhong paano mo niligawan noon si Anne?"

Kasama ngayon ni Vice sila Billy at Vhong at nagbobonding dahil inaya sila ni Vice.

"Baliw ka ba Vice, eh magkakasama tayo lagi nung nililigawan ko sya ah. Dinadaot mo pa nga ako minsan eh." sagot ni Vhong.

Napakamot naman sa ulo si Vice at natawa. "Eh hindi ko na rin maalala yun. Ang tagal na kaya nung college."

"Teka Vice, bakit mo ba natanong?" tanong ni Billy.

"May popormahan ka ba brad? Akala ko ba ikaw ang nagpapaligaw?" sabi ni Vhong.

"Baliw." sabi ni Vice at sinuntok ng mahina ang braso ni Vhong.

"Eh bakit nga?" tanong ni Billy.

"Eh kasi ano..."

"Ano nga?"

Napakamot naman si Vice ng ulo at huminga ng malalim. "Hay sige na nga. Gusto ko si Karylle."

Sabay naman syang tinulak ni Vhong at Billy.

"Naks brad!" sabi ni Billy.

"Lalaki ka na brad!" dagdag pa ni Billy.

Where We Land | VicerylleWhere stories live. Discover now