Chapter 20

194 6 0
                                    

NANG matapos ikuwento ni Andra kay Chandrea ang lahat ng nangyari mula nang unang pagkikita nila ni Noah hanggang sa pagdating nila sa kanina. Tinititigan niya ang kapatid kung ano ang nasa isip nito. Para bang dina-dijest pa nito ang mga impormasyong sinabi niya.

"So, you're saying na may gusto sa 'yo si Noah kaya ka niya kinidnap at dinala sa isla na sinasabi mo? Am I right, ate?"

Umiling si Andra. "No." Napayuko siya. "Hindi ko pa alam kong tunay ba ang pinapakita nito sa akin. Confirmation nalang ang kailangan ko."

Chandrea let out a sigh. "Okay. Sana nga ma-confirm na 'yan. Ayokong masaktan ka, Ate. Sabi pa naman nila babaero 'yang si Noah. Baka masaktan ka lang sa kanya."

She gave her sister a tight smile. "I know that. Sinabi nga niya sa akin na gago siya. And I believe him. Siya lang ang walang filter ang bunganga na lalaki ang nakasalamuha ko. And I love him."

Napangiti ang kapatid niya. "I never thought that this day come na maririnig ko ang mga salitang 'yan galing sa bibig mo. Parang dati pinapangarap lang natin ang mga ganito. Ngayon pareho na  tayong may sariling minamahal. Pero ate, alam ba niya?"

"Hindi." Nagbaba siya ng tingin. "Aamin lang ako kapag sigurado na akong mahal din niya ako at hindi lang pangpalipas oras. At ayokong mapahiya."

"I feel you." Chandrea grinned. " 'Yan din ang nasa isip ko noong mahalin ko si Andrei. Siya ang naunang umamin sa akin. Hindi talaga ako aamin dahil ayokong mapahiya."

Tumango-tango si Andra. "Tama," pagsang-ayon niya.

Nagkatawanan sila at napagdesisiyumang lumabas ng kuwarto. Nang bumalik sila sa sala, nakita nila ang dalawa na nag-uusap. Naptingin naman sila sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Callie habang karga ang anak nila ni Noah.

"My nephew!"tili ni Chandrea at niyakap ang pamangkin. "You're so handsome, baby. Taba-chingching..."

Naguguluhan naman ang anak niya na nakatingin sa kanya. "Mama ko,"

Natawa siya sa mukha ng anak na parang nanghihingi ng tulong.

"That's your tita."

"Sakit ako."paiyak na sumbong nito.

"Love, huwag mo namang panggigilian ang bata. Tingnan mo paiyak na."suway ni Rayven kay Chandrea.

"Sorry, baby."sabi ng kapatid niya at hinaplos ang namumula nang pisngi ng pamangkin.

"Hello everyone."
Napatingin naman silang lahat sa taong kakapasok lang.

"Miss kidnap. You're here. Ikaw 'yong babaeng kinidnap ni Noah, diba?"

Tumango naman si Andra at nginitian ito kahit na nalilito kung bakit alam ng binatang ito ang kaganapang iyon. Kasama ba siya ni Noah ng gabing 'yon?

"You're right. I'm with Noah that night."Sabi nito habang nakalahad ng kamay sa kanya. " Lime Samaniego at your service."

Pambihirang lalaki ito. Nababasa ang nasa isip niya. Mind reader ba ito?

"No. Madaling ma-read kasi sa expression mo, Miss kidnap."

Noah growled. "Get your hands off of my girl, Samaniego! Baka baliin ko 'yan!"

Hindi makapaniwalang tiningnan nang lalaking nagpakilala ng Lime si Noah. "Bro, may label na ba? You are so possessive."

"Ano kong wala?" Noah glared at Lime. "Basta bitawan mo ang kamay ni Andra."

Chandrea giggled and went to Rayven. "Aww. Wala pa palang label, inaangkin na."

Rayven chuckled. "Halik lang kulang 'yan."

Mabilis naman nitong binitawana ng kamay niya at nakangising tiningnan  si Noah. "Damn, my man. I never thought that this day would come that you will be obsessed over someone. Nakita ko rin sa cellphone mo maraming picture si Ms. kidnap."

OBS 2: My Missing Puzzle PieceWhere stories live. Discover now