Chapter 1

1K 14 1
                                    

HAPPINESS energizes your soul, especially if you go to the church. And that's was Chandra feeling at the moment as she sat down on the chair facing the sea. It was Sunday at kagagaling lang niya doon.

I wish I could give him a good life.

She was twenty-nine years old. There was a day na lagi niyang inaalala kung kaya ba niyang bigyan ng magandang buhay ito. Kaya kahit may trabaho na siya humahanap pa ulit siya ng pagkakakitaan upang makaipon. Lalo na ngayon at nagmahal na ang bilihin.

"Hello, beautiful. Can I sit with you?"

Natawa naman siya sa tinuran ng lalaki. Tumayo si Chandra at hinarap ang lalaki. "You can have my seat, Sir,"sabi niya dito.

Sa tatlong taon niya dito sa Palawan, natutunan na niyang magsalita ng bisaya, pero hindi pa siya gaanong marunong. At sa pag stay niya dito sa palawan, may lalaki siyang nakilala at pinapasok niya sa buhay niya.

Chandra was afraid to welcome a guy in her life, but now she tried to accept.

"Mahal, bakit ka naman tumayo?"sabi ni Ethan habang nakatingin sa kanya.

Hinila siya nito at napa-upo siya sa kandungan ng binata. Tinampal naman niya ang balikat nito dahil sa ginawang paghila.
"Gusto mo na umupo, diba?"tanong niya. Tumango naman ito sa kanya. "Oh ayan, binigyan na kita ng upuan at baka pagod ka."

"Mahal naman gusto ko lang magpalambing."
Siniksik naman nito ang mukha sa leeg niya. Naramdaman niya ang paghalik nito sa leeg niya. May kunting ungol ang lumabas sa bibig niya.
"I'm fucking horny, mahal. Huwag mo ng dagdagan at baka may makakita sa atin."bulong nito sa kanya.

Nakilito naman siya sa hininga nito na tumama sa leeg niya.
"Parati ka namang ganyan tapos mauuwi-"

Naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya. Tumayo siya mula sa kandungan ng binata at kinuha niya ito tapos sinagot ang tumatawag.

"Hello? Andra Cruz, speaking." Sabi niya sa kabilang linya.

"Andra, hello," sabi ni ate Julie sa kabilang linya. "I know na wala kang pasok kapag Sunday, pero diba kailangan mo ng extra income?"

Napangiti siya sa sinabi nito. "Ano po iyon ate Julie?"

Humugot ng malalim na hininga ang nasa kabilang linya na si ate Julie bago nagsalita. "Gusto ko sana na sumaglit ka muna sa Resort dahil nandoon si boss. Hindi kasi ako puwede dahil may sakit na naman si Mae. Magagawa mo ba, be?" Wala naman siyang gagawin so hindi siya pwede na himindi dahil extra income din iyon.

Dorchner Resort was well-known throughout Philippines. Halos lahat ng resort dito sa Philippines, pag-aari ng pamilyang Dorchner. Hindi lang daw dito pati na rin sa ibang bansa.

"Sige. Bibihis lang ako." Sabi niya kay ate Julie na nasa kabilang linya.

"Salamat."

"Wala iyon Ate."

Andra had been working for Dorchner Resort for almost 2 years now. Iyon lang kasi ang trabaho na malapit sa kanilang bahay. Napadpad siya sa lugar na ito one year ago at ni isa wala siyang kilala at hindi din siya pamilyar. Nagising nalang siya sa loob ng bahay ng dalawang matanda. Iyon ang nag-aruga sa kanya dahil sabi ng mga ito natagpuan lang siya sa pangpang na palutang lutang at may nakapuluput pa daw sa kanya na parachute. Hindi niya maalala kung anong nangyari sa kanya. Ang akala pa ng mga ito ay patay na siya, noong una daw ay natakot ang mga ito pero kinuha naman siya at dinala sa isang hospital dito sa lugar nila. Nabuhayan ang mga ito nang loob ng sabihin ng doctor sa kanila na humihinga pa daw siya.

Nagpapasalamat siya sa dalawang matanda na iyon. Kung hindi dahil sa kanila ay siguro wala na siya. Kaya ang kapalit ng kabutihang ginawa ng mga ito sa kanya ay siya nalang ang nagtrabo para sa mga ito dahil matatanda na rin ang mga ito. At itong trabaho niya ngayon ang dating ginagawa ng tumulong sa kanya.

OBS 2: My Missing Puzzle PieceWhere stories live. Discover now