Chapter 5

1 0 0
                                    

Chapter 5-LCU

LALO akong napa-iyak nang itanong niya iyon. Bakit naman nandito si President tukmol? Anong ginagawa niya dito? Pa'no niya nalamang may tao rito?

"Tell me," napapaos nitong saad.

"Iniwan nila kami..." Napahawak ako sa laylayan ng damit niya ay humagulgol.

"H-Hindi manlang nila kami h-hinanap! Ang tagal ko silang h-hinintay pero may s-sariling buhay na pala," patuloy ko, halos mawalan na nang boses.

Talaga bang basura na lang ako? Tama si Ate Dina, basura ako at walang kwenta kaya siguro iniwan kami ng mga magulang namin.

"I'm sure they have a reason..." Pag-aalo nito sa akin. Reason? Anong reason naman yon at napaka-sakit ng naidulot.

"Bakit ka ba nagsasabi niyan? Wala ka sa posisyon ko para sabihin yan! H-Hindi mo naman kasi alam eh..." Lalayo na sana ako ngunit tinapik-tapik nito ang likod ko. Nakaka-relax tuloy.

"Sshh, I know I'm not in a position to tell you that but you need to be strong. I don't know you very well but I know you are strong so don't show your weakness. Don't let that thing crush you.." lumayo ako nang kaunti para tignan siya. Pulang-pula na ang mata ko kakaiyak.

Si President ba talaga 'to? Ang galing naman magbigay ng advice ne 'to.
Tsaka, sanay akong maikli o kaunti ang sinasabi nito. Bakit ngayon, parang kasing-haba ng essay ko na yung sinabi niya?

Hindi ko kelan man naisip na may pamilya na ang mga magulang ko at lalong hindi ko naisip na si President tukmol ang pupunta dito para pagaanin ang loob ko.

"Pasensya na talaga Pres! Na-late kami, si Angelo kasi masyadong mabagal kung kumilos!" Reklamo ni Thea pagka-dating namin sa harap ng classroom.

"Excuse me 'te, hindi ako ang magbagal kundi ikaw! Hinahanap mo pa panty mo sa 'kin 'ni hindi nga ako nagsusuot ng jologs na panty!" Napasapo na lang ako sa noo ko nang marinig ang dakdak nitong si Angelo.

Umiwas naman nang tingin si President tila naiilang sa narinig.

"Pst, tumigil kayo. Nakakahiya!" Singhal ko sa mga ito. Parehas silang nakasimangot.

"Totoo naman akla ah! Hindi ako kelan man nagsuot ng may buta---Awch!" agad siyang tinapakan ni Thea. Napayuko na lang ako at pa-simpleng sumilip kay Pres na namumula na yung tenga! Nahihiya yata.

Napagdesisyunan kong ibigay yung favorite baon ko kay Gael. Wala lang, pang thank you lang.

Tumayo na ako para puntahan siya na kasalukuyang nagbabasa pero bigla na lang akong napa-upo nang dumating si Sir Quin.

"Good Morning Sir Quin!" Bati nila na sinabayan ko na lang. Lumingon muli ako kay Gael na emotionless na naman.

Napangiti ako sa sarili ko.

"'Wag mong kausapin yan Tabyos, baliw ata iyan," nawala ang ngiti ko at nilingon ang kumag na nagsalitang iyon.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Kibo na ang katabi nito ay si Tabyos ata.

"Sinong baliw ang tinutukoy mo?" Mataray na asik ko rito. Tumaas naman ang gilid ng labi nito.

"Yung nakangiti si hangin. Iyon yung baliw," agad siyang binatukan ni Tabyos na kaibigan niya.

"Bakla," bulong ko na lamang at hindi na kang sila pinansin.

Pasimple pang sumitsit sa akin si Thea.

Magkakahiwalay kasi kami ng upuan. Pinaglipatan kami, tuloy wala akong kadaldalan. Si Agelo ay nasa bandang unahan, si Thea naman ay nasa gilid at ako ngayon ay nasa gitna malapit sa upuan ni Gael.

Love's Chasing UsWhere stories live. Discover now