Chapter 1-LCU
"Ano ba 'yan! Leyana ayos na yung benta pero umarte ka pa! Wala tuloy tayong pagkain ngayon!" Napairap ako sa kawalan nang bunga-ngaan ako ni Ate Dina.
Kasalanan ko bang maarte yung babae? Edi pinakitaan ko nga.
"Kasalanan niya." Giit ko na ikina-inis ni Ate."Jusko Leyana! Umalis ka nga sa harapan ko at nayayamot ako sa 'yo." Nasaktan ako ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at umalis na lang.
Leyana Josane Montes pala. Senior High na at graduating na sa Grade 12. Bukod do'n ay miyembro din pala ako ng isang grupong tinatawag na SSG sa School namin. Hep, pasaway ako pero nakapasok ako sa SSG.
Hindi ko alam kung saan ako maiinis ngayon, sa akin ba o sa Ate ko. Ang gulo.
Matagal na kaming iniwan ng mga magulang namin at kami na lang dalawa ni Ate Dina ang natira, well si Auntie Tina naman ay gusto kaming kunin pero hindi pumayag si Ate na ikina-inis ko.
"Hay kikilos na naman." Reklamo ko sa sarili habang nag-aayos para pumasok na.
Ang masakit pa ay wala pa akong baon kaya naman tiis-tiis muna ako.
Nang makarating ako sa school ay nakita ko ka 'gad ang dalawa kong kaibigan.
"Hoy!" Tawag ko at napatingin naman sila sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanila at kumuha sa biskwit na kinakain ni bakla.
"Loka ka! 'Wag ka ngang dead hungry parang hindi ka girly ha," Umirap ito at maarteng inilayo sa akin ang biskwit. Madamot.
"LJ, may assignment ka?" Tanong ni Thea kaya naman tumango ako.
"Bukod sa maganda ako, masipag rin ako sa mga assignment ko," Mayabang na sabi ko na sa kanya na ikina-tawa ni Angelo.
"Oo ikaw na si dyosang kulang sa manliligaw!" Pang-aasar sa akin ni Angelo.
Sumama ang mukha ko. "Kapag ikaw hindi tumigil Angelo," Banta ko.
"Jusko naman 'te! Itigil mo nga yang Angelo at kinikilabutan ako! Angel sabi!" Malantik nitong bukam-bibig.
"Hoy Thea, may raket na ba?" Baling ko sa katabi.
Tumawa ito na para bang may nakakatawa.
"Tama, Tama! Matutuwa ka talaga kapag nalaman mo kung ano yung raket natin," May kasama pang hampas na sabi niya.
"Ba'y kailangan pang mang-hampas?" Inis na tanong ko.
"Maraming pogi do'n!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya umirap na lang ako.
"Ano kamo? Pogi? Saan, at gusto ko rin rumaket!" Malanding sabi ni Angelo. Natawa na lang si Thea.
"Shunga, bawal ang bakla do'n." Natatawang sabi niya dito.
"Nakaka-hurt ng feelings anteh!" Bigla itong nag-walk out kaya naman lalong natawa si Thea. Loka talaga.
"Anong plano mo next week?" Tanong niya sa akin nang nasa classroom na kami.
"Siguro hahanap ako ng iba pang raket, ikaw?" Balik ko dito.
"Same sa 'yo, gusto kong matutong gumawa sa sarili ko eh." Pabiro akong napa-mangha at inasar ito.
Mayaman ang pamilya niya pero hindi gano'n kaganda ang relasyon niya dito. Sa Ate niya lang talaga siya komportable at si Ate Hasmin iyon.
"Kung gano'n naman pala edi humanap na tayo!"
Sumunod ang ilang araw at marami kaming natatanggap na raket parehas.
Nagpaalam muna ako kay Thea dahil uuwi muna ako, magpapalit syempre.Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay kaagad akong nakarinig ng mga sigawan.
YOU ARE READING
Love's Chasing Us
Novela JuvenilEven now, fate is still after them. Love will triumph despite any misfortune. The triumph of love will endure no matter what is forgotten.