Chapter 8

0 0 0
                                    

Chapter 8-LCU

Kumikirot-kirot ang ulo ko nang magising dahil sa mga ingay sa paligid.

"Kung hindi mo naman kasi sinabi iyon, hindi gagawin ni Leyana sa'yo 'yan!" Boses ni Angelo.

Pilit kong binubuksan ang mga mata ko dahil ang labo pa nang nakikita ko. Nasaan ako? Yung d-dugo..kanina sa ulo ni Samantha....nasaan ako?

"So, importante pa ang 'yon kesa sa damage na ginawa niya sa'ken?!" Ang labo nang mga mata ko pero malinaw ang mga boses nila. Nagtatalo na naman ba sila?

"I'm really disappointed sa mga pinakita niyong aksiyon. Akala ko ay titino kayo dahil sa parusa ko--"

"Leyana!" Boses ni Thea at naramdaman kong nakakapit na soya sa braso ko.

Pilit kong minulat ang mga mata ko. Bwisit, ang sakit ng ulo ko.

"Ayos ka na ba? Naaalala mo pa ba kami?" Sandali akong napaismid sa tanong ni Thea. Ano ako nagka-amnesia?

"T-Teka nga at naiipit mo ako." Reklamo ko at umayos nang pagkakaupos sa kama. Nasa clinic ata ako.

Medyo nagulat pa ako dahil maraming nasa loob ng clinic. Andoon si Sir Quin na talagang mukhang galit na, si Gael na nakasandal sa pinto, si Samantha na may benda sa ulo, si Megan na nakasimangot, si Sir Padua na nakataas ang kilay sa akin.

Oh? Ginagawa nito dito?

"Leyana, ano na naman ba ang nangyari sa pagitan ninyo ni Samantha? Bakit umabot pa sa ganito?" Tumayo si Sir Quin habang nakahukipkip. Napalunok ako.

"She pushed me and I don't know why!" Sandali akong nagulat sa depensa ni Samantha.

Talaga bang ganito ugali nito? Wew.

Bago ako makapag-salita nauna nang magsalita si Angelo.

"Umayos ka nang kwento mo dahil alam natin kung sino ang nag-umpisa nito!" Nanggigigil nitong sagot. Napahilamos si Sir Quin sa amin. Napatayo naman nang tuwid si Gael at daretso ang tinging binigay sa akin.

"Sa pinakita n'yo dapat ko na talaga maharap at makausap ang mga magulang n'yo." Seryosong bigkas ni Sir Quin, sandali akong napatigil.

"But she doesn't have parents Sir, pa'no 'yun?" Boses ni Megan. Napakuyukom ko mga palad ko.

"Eh gaga ka naman pala eh! Insensitive ka lang ba o talagang attention seeker ka?!" Iritang sigaw ni Angelo at hinarap si Megan, humarap din ai Megan kay Angelo at nagsusukatan sila nang tingin. Pinigilan ko ang luha ko dahil ayokong umiyak sa harap nila.

"Enough!" Dumagundong ang boses ni Sir Quin.

"Ano ba itong mga estudyante mo Quin, so childish." Iling-iling na sabi ni Sir Padua at lumabas na sa clinic.

"Choose. Suspended o Call your parents?" Seryosong tanong ni Sir kaya napaangat ako nang tingin.

"I'll call my parents!" Birit ni Samantha.

Parang natahimik yata ako this time ah? Ah, wala ka kasing ibubugang magulang eh, kaya hindi na lang boboses. Sino ako para bumoses? Iniwan lang naman ako ng mga magulang ko.

Napahawak si Thea sa kamay ko at marahang hinaplos iyon.

Lahat sila ay sa akin nakatingin, naghihintay nang isasagot ko. Pwera sa dalawang loka na galit ang tingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "Suspended." Sagot ko.

"NAKAKAIRITA talaga ang mga mukha ng dalawang 'yon!" Sabi ni Angelo habang naglalakad kami papunta sa tree house.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love's Chasing UsWhere stories live. Discover now