Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4-LCU

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Napatingin ako sa kung anong bagay----tao pala! Nanlaki ang mga mata ko nang naka-sandal ako sa balikat nitong si Kibo!

Natulog kami? Natulog kami nang magkatabi? Yawa! Ang posisyon namin ay nakasandal ako sa balikat niya habang siya naman ay parang naka-yakap sa bewang ko!

"Hoy! Gising!" Nataranta kong asik rito. Sumabay pa yung ingay na naririnig ko.

Unti-unti namang bumukas ang mga mata nito at sumimangot. Aba!

"Natutulog 'yong tao eh..." Rinig kong reklamo nito.

"Bakit tayo magkatabi ha?!" OA na tanong ko rito. Napatingin naman siya sa akin.

"Luh! Anong ginawa mo sa 'kin ha?" Lalo akong nainis nang makita yung gulat na reaksyon niya at hinarangan niya pa ang katawan na parang may iniingatan!

"Hoy Kibo kapag hindi ka tumigil d'yan babatukan kita! Inaano kita? Baka nga ikaw 'tong may ginawa!" Pambibintang ko rito. Tumawa ito nang malakas.

"Ano naman ang gagawin ko sa 'yo? Babae lang ang ginaganon ko eh," agad nagsalubong ang kilay ko.

So, hindi ako babae?!

"Anong tingin mo sa akin, lalaki?!" Singhal ko rito at nakangiti lang ang loko sa akin.

"Kalma girl..." Tumaas pa ang kilay ko nang nagtunog babae siya.

"Bakla!"

"Tomboy!"

Nainis naman ako sa banat niya.

"Bakla! Bakla!"

"Tomboy! Tomboy!"

"Bakla ka!"

"Tomboy!" Ngumisi pa ito. Grr! Nakakainis!

"Bakla! Pumapatol sa babae, bakla!" Pulang-pula ang mukha ko dahil sa galit.

"Tomboy! Pikon! Haha!"

Hahampasin ko na sana nang may marinig ulit aking ingay sa bandang sulok doon sa madilim. Agad akong napa-isod sa tabi ni Bakla.

Narinig ko naman siyang ngumisi.

"Tomboy na Tomboy takot sa ingay," pang-aasar pa nito.

Galit ko itong tinignan.

"Tignan mo yun! Bakla ka," umirap pa ako rito.

"Parehas dapat tayo," hindi na ako nakapalag nang higitin niya ako.

"Hahambalusin kita kapag inatake ako sa puso," gigil na bulong ko rito at pilit na sumisiksik sa likod niya.

"Inatake ka na sa puso hahambalusin mo pa ako?" Natatawa niyang wika.

Kinurot ko naman ito dahil ayaw pang tumigil.

Ibinalik ko ang atensyon sa madilim na parte. May ingay talaga akong naririnig. Parang may naglalakad na ewan.

Nagtaasan na naman ang balahibo ko nang humangin nang may kalakasan.

Natawa na naman nang mahina si Kibo.

"Sige, kapit ka lang..." Naramdaman kong may kung anong bumilis sa dibdib ko nang sabihin niya iyon.

"Hoy! May tao d'yan?" Agad kong binatukan itong lokong 'to nang barumbadong nagtanong. Paano kung mero'n edi lagot kami?!

"Bakit ka sumigaw?" Asik ko rito.

"Alangan namang tumili ako?" Inosenteng sagot nito sa akin.

"Siraulo amp..." Bulong ko na lamang.

Love's Chasing UsWhere stories live. Discover now