Chapter 6

2 0 0
                                    

Chapter 6-LCU

TULALA. Iyan ang tawag sa katulad kong naglalakad nang hindi alam ang nangyayari  sa paligid.

Hindi ko maintindihan.

Bakit naman ako makakaramdam ng sakit dito? Wala naman akong maalalang naging close kami para gumanito yung nararamdaman ko.

Nagwawala kasi kapag nakikita ko iyon.

Hindi kaya....may crush na ako sa kaniya?

Maharas akong napa-iling nang maisip ang bagay na iyon. Sabagay, sinong hindi magugustuhan ang tulad ni Gael? Gwapo siya, matalino, matangkad at sikat sa buong school pero napintasan ko na ito dati eh. Haha.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makumpirma ang rebelasyon.

Tama nga.

May crush na nga talaga ako sa kanya.

Para naman akong shunga na bigla na lang ngumiti.

"Anong ngiti iyan, Leyana Josane?" Taas-kilay na tanong ni Angelo.

Hala? Nandito pala 'to.

"Kamusta naman 'yong picturan n'yo?" Usisa nito.

"Boring,"

"Yung ngiti mo daig pang nanalo sa lotto tapos boring? Huh!"

Napangiti na lang ako nang tarayan muli nito, parang na-miss ko ka 'gad ang bwisit na 'to.

"Canteen tayo, beks." Ungot ko dito nang makaramdam ng gutom.

Umikot ang mga mata nito.

"Kakapunta lang natin do'n ha!"

Bumuntong-hininga ako.

"Punta tayo kahit saan, basta malayo."

"Anong eksena 'to? Anong n'yare at bakit nagda-drama itong si Leyana?" Narinig ko ang boses ni Thea.

"Hoy babaita! Pumunta na kayo doon sa gym!"

Nawalan na ako ng gana. Tumamlay na tuloy ako.

"Nandoon na din si hottie guy," bahagya pa itong tumawa na parang isang malandi.

"Bakit ba kase ako yung nandoon? Bakit hindi na lang si bakla?" Baling ko kay Angelo na nakamaang ang labi.

"Jejemon ka talaga girl! Ang arte-arte ne 'to buti nga at hindi ako 'yong napili dahil siguradong kapag ako ang kalaban ay aatras na ang mga kasali! Duh!"

Humalakhak si Thea.

"Angelo and his langit na pangarap." Pailing-iling pa ito habang natatawa.

Hindi nakakatulong ang dalawang ito.
Gusto ko na sanang umuwi dahil exempted naman ako sa klase, pwede naman akong umalis sa practice at mag-dahioang masakit ang tiyan ko.

"Oh, President!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bakit ba ako nanigas? Naalala ko yung ibibigay na favorite ko sana kaso parang hindi ko na iyon maibibigay. Sa 'kin na oang 'yon. Kakainin ko, tsk.

Hindi ako lumilingon sa likod dahil alam kong nandoin siya, doon ba naman naka-harap ang nagkikislapang mga mata nung dalawa.

Mga traydor...

Lalo akong hindi maka-galaw nang maramdaman itong lumakad papunta sa direksyon namin.

Teka bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"President, pwedeng pa-kopya ng notes sa Science? Gagi, hindi ako nakapag-sulat dahil dinadaldal ako nito!" Turo niya kay Angelo na halos mag-laway na habang nakatingin kay Gael.

Love's Chasing UsWhere stories live. Discover now