Chapter 3-LCU
Lumipas ang Sabado't Linggo ay sabog ako. Ang Sabado't Linggo ay parang isang minuto lang sa akin. Bukas ay may pasok na naman nakakainis!
Namomroblema din ako sa dalawang lalaki na bwisit na bwisit ako.
Naiinis ako.
Biglang sumakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Napabuntong-hininga ako.
Magkakasakit na naman yata ako.Lumabas ako para bumili ng gamot.
Kaso naalala ko na wala pala akong pera.Nagbihis na ako para lumabas at humingi na lang din ng pera.
Nakita kong nanonood ng TV si Ate Dina kaya nagmalakas ako.
"Ate..penge akong pera, bibili lang ako ng gamot.." kinakabahang sambit ko.
Tumaas naman ang isa nitong kilay at mataray na tumingin sa akin. Sinuri pa ako nito at padabog na kumuha ng bente para ibigay sa akin.
Kahit ganoon napangiti pa rin ako.
"Ibalik mo ang sukli." Nawala ang ngiti sa labi ko.
Lumabas na ako at baka magbago pa ang isip nito. Bente?
Nang makabili na ako ng gamot ay napagpasiyahan ko muna na tumambay sa malapit na park at may nakita naman akong upuan duon.
Pinakiramdaman ko ang simoy ng hangin.
Mama...nasa'n ka na kaya? Naghihintay pa rin ang anak mo kahit nasasaktan na....
Lumingon ako sa asul na langit at agad na ngumiti. Inaasahan kong nakikita ito ni mama...naramdaman kong may pumatak na luha sa gilid ng mata ko.
"Ano ba Leyana! Hindi pa patay ang mama mo kaya 'wag kang mag-isip ng gano'n!" Pagpapalakas ko sa aking sarili.
Si Papa hindi ko na alam kung babalik pa silang dalawa sa amin. Napabuntong-hininga ako.
Maya-maya may umagaw ng atensyon ko. Isang mama na nagtitinda ng.....ano yon? Bakit pamilyar sa akin?
"Aray..." Kumirot na naman ang ulo ko yawa. Napaubo na din ako dahil biglang kumati ang lalamunan ko. Lalagnatin ba ako?
Napagdesisyunan kong umuwi na lang para uminom na nang gamot at baka lalo pang lumala ang sakit.
Bukas marami na namang gagawin at siguradong pagod na naman ako.
Naglalakad na ako pauwi at padilim na rin kaya naman binilisan ko na ang paglalakad. Tsk, takot kaya ako sa dilim.
Dahil sa pagmamadali ay may nabunggo na ako nang hindi ko nalalaman kung sino.
"Hala sorry miss..." Lumingon ako sa boses na iyon.
Napatulala ako. Ang ganda niya. Para siyang isang model sa sobrang ganda at tangkad, idagdag mo pa yung makinis niyang balat at mapuputing balat. May mahaba rin itong buhok na straight. Ang ganda.
"Hi.." yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Ngumiti naman ang babae.
"Ako nga pala si Keily, just Kei.." tumawa pa ito. Pati ang pagtawa ay napakaganda.
"Ako pala si...Leyana," saad ko at nag handshake kami.
"Sorry, nagmamadali kasi ako dahil pinatawag ka 'gad ako sa pinagtatrabahuhan ko kaya hindi ko na napansin na nabunggo na pala kita.." mahabang paliwanag nito.
"Ayos lang, nagmamadali rin ako kaya hindi problema yon." Ngumiti ako.
"Alam mo, pasok ka sa agency na pinagtatrabahuhan ko. Bukod sa maganda ka ay may maputi at makinis ka 'ring balat," nagulat ako sa biglaang sabi nito. "Ilan taon ka na ba?" Tanong nito kaya nataranta ako.

YOU ARE READING
Love's Chasing Us
Genç KurguEven now, fate is still after them. Love will triumph despite any misfortune. The triumph of love will endure no matter what is forgotten.