Chapter 7- LCU
UMUUSOK ang ilong ni Angelo dahil sa galit. Uminit naman kaagad ang ulo dahil pakiramdam ko pinaparamdam ni Samantha na hindi talaga belong si Thea sa pamilya nila.
"T-Teka, saan kayo pupunta?!" Pagpipigil sa amin ni Thea nang padabog kaming tumayo.
"Bitaw Thea! Susugudin ko ang impaktang 'yon!" Tinaboy ni Angelo ang kamay nitong nakahawak sa braso.
Hindi ko alam ang mararamdaman. Sunod-sunod na ang nangyayari sa amin. Feeling ko, lagi na lang akong galit. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa sitwasyon ni Thea.
Sinabihan siyang bingi at hindi nirespeto at ngayon ay problema sa pamilya tapos nalaman pang ampon siya.
Bwisit talagang Samantha 'yan.
Una pa lang talaga ay hindi na maganda ang kutob ko sa babaeng 'yon.
Kasunod namin si Thea habang si Angelo ang nangunguna. Para siyang nag-evolve bigla. May iba pang napapatingin sa amin pero wala kami ngayong pakialam.
"Hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng impaktang 'yon!" Patuloy na wika ni Angelo.
"Masasabunutan ko ang feelingerang 'yon!""H'wag mo nga'ng pigilan, Thea! Papakitaan lang namin ang gagang iyon!" Sita ko dito dahil humihigpit ang hawak niya sa braso namin para pigilan.
"'W-Wag na p-please! Ayoko ng gulo!"
Hindi namin siya pinansin at nang makatapat na namin ang room namin, walang pagdadalawang-isip na binuksan ko ito.
Luckily, dahil wala pang klase.
Lahat ay nagtataka ang tingin sa amin ngayon pero si Angelo ay biglang sumigaw.
"Anong problema n'yo? Naghahanap ba kayo ng gulo?" Biglang lumitaw ang boses ni Megan.
Bago pa mabunga-ngaan ni Angelo si Megan ay inunahan ko na.
Napikon ako eh.
"Nasaan ang kaibigan mong feeling close!?" Nanlaki ang mga mata nito nang sigawan ko ito. Well, I don't care.
"May away yata, p're.."
"Look! Si Leyana iyan, right?"
"Lah, ba't scary si beshy ko?"
"Tumawag na agad kayo ng teachers!"
"Leyana!"
Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Thea.
"Bakit ba kayo nandito? Bakit mo na naman ba hinahanap si Sam, ha? Hindi ka pa ba kuntento dahil ikaw ang naging muse ng Grade 12?" Mataray nitong sagot na may halong sarkastika. Titili-tili siyang lumalayo sa akin.
Kumuyom ang palad ko.
"Paki-saksak sa baga ni Samantha 'yong pagiging muse. Ang tanong ko ang sagutin mo,"
"How dare you---" hindi niya na natuloy dahil bigla siyang sinabunutan ni Angelo!
"Impakta ka! Mag-sama kayo ng amo mong impakta rin!"
"Ang kapal ng mukha n'yong puno ng kolorete! Irita na talaga ako sa inyo, lalo ka nang babae ka!"
Nagkagulo ang lahat dahil sa napapanood. May ibang estudyante na rin ang nakikinood kung anong nangyayari sa room namin.
"Ouch---! Get your dirty hands off my hair!" Matinis na boses nitong si Megan.
Putcha! Pati ako nataranta na sa ginawa nitong si bakla!
Aawatin ko na sana sila nang may humigit na rin sa buhok ko.
"Hindi pa talaga kayo marunong ma-kuntento eh 'no? Pati ba naman kaibigan ko sasaktan n'yo!" Ngayon ay higit-higit na ni Samantha ang buhok ko.

YOU ARE READING
Love's Chasing Us
Ficção AdolescenteEven now, fate is still after them. Love will triumph despite any misfortune. The triumph of love will endure no matter what is forgotten.