Chapter 1-LCU
"Ano ba girl, ikalma mo nga yan!" Pang-aalo sa akin ni Thea.
"Jusko naman bakit ka naman daw binangga? Ang pogi sana ni kuya!" Malanding utas naman nitong si Angelo.
Umiinit ang ulo ko, hindi pala, mainit na! Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kumukulo ang dugo ko sa lalaking iyon, gayon ay sauce lang naman ang pinag-awayan namin.
"Itigil mo nga yan bakla, hindi ka nakakatulong!" Pulang-pula na talaga ako. Lumapit naman si Angelo sa amin at umupo sa harapan ko.
"Girl gawin mo 'to, inhale...exhale...infairness ang scary mo magalit ha." Lokang sabi pa ni Angelo.
Ginawa ko naman ang sinabi niya at nang makaraos ay padabog akong lumipat ng upuan. Nandito kasi kami sa classroom at hindi na natuloy ang pagkain namin sa canteen dahil sa lintek na lalaking iyon.
Ano nga ulit ang pangalan ng siraulong iyon? Ki..bo? Kiko ata, ah basta nagsisimula sa letrang K.
Tsaka wala din naman akong pake sa pangalan ng bwisit na yon."Ako na lang ang bibili ng pagkain, Leyana 'wag ka na muna lumabas at baka makita mo pa ulit iyon." Saad ni Thea na parang Nanay ko na nakapamaywang pa.
"Ang shungis ko! Girl, nakalimutan ko pa lang sabihin na mayroong transfer dito sa school natin, at talagang ang pogish niya!" Kinikilig na saad ni Angelo nang maka-alis si Thea. Agad naman akong nairita.
"Ano ba Angelo, tumahimik ka nga muna," Inis na sabi ko na ikinareklamo niya.
"Angel kasi!"
uub-ob sana ako nang maramdaman ang sakit sa braso ko.
"Aray!" Utal ko nang maramdaman ko na parang dumudugo.
"Gosh! yur blideng! Help sambadi help us?!" Nabingi ako sa hirit nitong si Angelo. Kaya naman pala laging bagsak sa English. Hays.
"Tumigil ka nga, Angelo." Pagpapakalma ko rito.
Tinignan ko naman yung braso ko at du'n sa bandang siko ko. May sugat yung braso ko tapos gasgas naman sa siko.
"Pa'no na yan sis?" Napabuntong-hininga na lang ako.
"Mawawala din naman ito..." Walang katiyakan kong sabi ngunit nang maalala kung gaano pa kalala ang nangyari sa akin kesa dito ay hindi na ako nagma-arte pa.
Mas malala pa ang nangyayari sa 'kin kesa dito, at ang mas malala pa ay si Ate Dina ay may kagagawan noon.
Tiniis ko na lang ang sakit nang magsalita muli si Angelo.
"Hindi ka ba pupunta ng clinic sis?" Nag-aalalang tanong nito, umiling na kang ako at sinabing ayos lang ako.
Muling uminit na naman ang ulo ko dahil sa naalalang ang mokong na yon ang may kagagawan kung bakit ako may sugat ngayon.
Naikuyukom ko ang palad ko dahil sa sobrang galit.
"Nasaan si Ms. Montes?!" Naalerto ako sa sigaw ng aming masungit na baklang Prof.
"Sir?" Kinakabahang tanong ko, tinaas ko pa ang kamay ko. Tumingin naman ito sa aking direksyon at salubong na salubong ang makakapal na kilay.
Napabuntong-hininga na lang ako sa isip.
"Anong klaseng papers ang pinasa mo sa akin Ms. Montes?" Galit na utas nito. Napataas ang isang kilay ko.
"Sir iyan po yung essay ko.." inosente ngunit totoong sagot ko. May narinig akong ibang tumawa.
"Gaga ka girl.." bulong ni Angelo habang natatawa.
"Shunga mo, LJ." Umiling na lang si Thea sa akin. Napa-nguso na lang ako, totoo namang essay ang pinasa ko anong mali ro'n?

YOU ARE READING
Love's Chasing Us
TienerfictieEven now, fate is still after them. Love will triumph despite any misfortune. The triumph of love will endure no matter what is forgotten.