07

93 6 2
                                    

Notes

February 14 10:30 AM Tue | 195 Words

Hindi na ako nasanay. Valentine's na Valentine's syempre may pasok pa rin, pero buti na lang half day lang, haha. May program kasi at may booths. May dress code daw bago pumasok sa school.

Magputi o uniform kapag study first. Red kapag may lovelife. Pink kapag walang label. Blue kapag crush crush lang. Black kapag naniniwalang walang forever.

Mga kaibigan kong may jowa, ang yayabang naka red mula ulo hanggang paa, HAHAHA! Si Fely naman naka black. And ako, naka white since uniform lang suot ko. Tinatamad na ako, dagdag pa yan sa lalabhan ko.

Tapos si Julian, naka blue HAHA siya lang naka-blue samin kasi halos lahat red, white, or black. Tinukso na naman tuloy kami kasi ako daw crush ni Julian.

Kaya sabi ko "uy tigil nyo yan, focus dapat tayo sa pag aaral, hindi sa ibang bagay" habang tumatawa, kaya inasar na naman nila si Julian na shot puno daw, HAHA!

Pero totoo naman, study first ako. Distraction lang yang lablayp. Wala yan sa listahan ko ng priorities... pero hindi ibig sabihin hindi pwedeng isingit? Charot ayoko nga. Sagabal yan. Malas yan.

Love Me Not (WSS #3)Where stories live. Discover now