Messenger
--
Leanne Morgianna Canillo
• Active Now
2:30PM
Leanne:
Hoy kalbo
Bat ka online
May sakit ka diba? Magpahinga ka
Julian:
Concerned ka na sakin? Crush mo na ba ako?
Leanne:
UTOT MO
Lilihis mo pa usapan. Nagmamagandang loob na nga ako kasi feel ko ako may kasalanan kaya ka nilagnat
Monday na monday absent ka
Ikaw pa naman partner ko sa reporting hanggang finals pati sa foreign language
Kapag bagsak ka damay ako
Julian:
Dami namang sinabi. Ikli lang ng "oo" eh
Hays syempre ako na 'to eh HAHAHA
Wag ka mag alala. Iniinom ko naman gamot ko on time. Nag online lang para mag check kung may assignment na isesend
Leanne:
Ako na nga bahala. Punta ako agad dyan mamaya kung may assignment man
Papaturo rin ako sa programming sa 3D
Julian:
Wow may sakit ako? Tas papatutor ka pa?
Galing mo naman
Syempre di ako tatanggi
Leanne:
Pero kamusta na nga pakiramdam mo?
Julian:
Medyo mabigat pa rin pakiramdam ng ulo ko. Kabilang ilong may no trespassing sign kaya di makahinga nang ayos
Mapait sa dila ko yung pagkain, Yan :(
Leanne:
Tiisin mo. Gulay gulay ka muna ngayon
Julian:
Grabe. Ayaw mo ba ako bilhan ng coke o masarap na ulam
Ganon nakakain ko kapag may sakit ako dati eh, binibili ni mama
Leanne:
Di ka naman bata na kailangang utuin para uminom ng gamot HAHAHAHA magtiis ka
Julian:
Di yata gumagana ang gamot na pinapainom mo sakin, Yan
Leanne:
Hala bakit? Allergic ka ba dyan o may specific na gamot kang tinitake?
Julian:
Oo dalawa
Leanne:
Sige. Dadaanan ko sa pharmacy bago ako dumiretso dyan sa bh nyo. Anong gamot ba?
Julian:
Kisspirin para sa ubo't sipon
Tas yakapsule para sa lagnat
:)
Leanne:
Dapat hinayaan na lang kitang mag kumbulsyon eh
Julian:
Joke lang eh HAHAHAHA ito naman seryoso masyado
Yan
Uy
Luh
Di na namamansin
Joke nga lang eh
Sorry na
Ito na di na magseselpon
Magpapahinga na master
1👍
BINABASA MO ANG
Love Me Not (WSS #3)
Romance[Wrong Send Series #3] An Epistolary. STATUS: ONGOING "Partners tayo sa reporting, mismam. Pwede rin bang for life." Leanne Morgianna Canillo had no plans on entering relationships since her only goal is to graduate, become successful, and be of he...
