Notes
--
March 12, 3:30PM Wed | 225 words
Kung di pa ako nagtanong kay Gregorio, di ko malalaman na last week pa pala umalis ng bh nila si Julian. Sinundo ng ate noong nalamang nagkasakit.
Lapit lang pala ng bahay ng kalbo sa school, nag bh pa. Mayayaman talaga kung saan-saan na lang ginagasta ang pera lol.
Siguro nag expect ako na ang mga mayayaman ay kagaya ng pamilya ni Cyd, pero gulat ako dahil ang welcoming ng pamilya ni Julian lalo na ate niya. Ang soft ng boses, mukhang anghel. Ampon lang yata tong si Julian, eh.
And omg he knows how to draw!!! I mean required naman sa kurso namin na at least may alam sa arts, pero kagulat pa rin kasi sa school kapag usapang programming isa siya sa unang namemention. Nawala sa utak ko ang arts na part ng kurso namin.
Asked him kung pwede niya ako idrawing kahit chicken scratch lang. Ayaw niya raw kasi may sumpa. Loko, anong tingin niya sakin mambabarang, haha.
Tas nag iiba pala awra niya kapag seryoso siya. Kapag hindi siya si Julian na mapang-asar at mahilig magjoke, kundi si Julian na mamaw sa programming.
Dami niyang sinasabi wala naman akong naintindihan. Paano, eh sa mukha na lang ako nakatitig pati sa eyelashes niyang ngayon ko lang napansing natural na medyo curved pala.
HAHAHAHA shet ayaw ko ng distraction kaya give me more strength, lord.
BINABASA MO ANG
Love Me Not (WSS #3)
Storie d'Amore[Wrong Send Series #3] An Epistolary. STATUS: ONGOING "Partners tayo sa reporting, mismam. Pwede rin bang for life." Leanne Morgianna Canillo had no plans on entering relationships since her only goal is to graduate, become successful, and be of he...
