Notes
--
March 7, 10:00PM FRI | 160 words.
Hindi ako makatulog. Hindi ako lasing, medyo tipsy lang. Hindi naman marami nainom ko.
Umuwi kaagad sina Cyndy at Ember kanina, gaya ng sabi nila. Madadaya, haha.
Pero natuwa ako na nagsiuwian silang dalawa, at masyadong lasing ang lahat para mapansin kami ni Julian.
Ang kalbo. Noong nakadami na ng inom, lumapit bigla sakin. Akala ko ano gagawin niya pero pinatong lang ulo niya sa balikat ko sabay sabi pasandal daw five seconds kasi umiikot paningin niya.
Kalaunan biglang kumapit sa braso ko, at parang aso na siniksik lalo ang ulo sa leeg ko!!!
Sa taranta ko hinila ko papuntang dagat para itulak. Kako baka mahimasmasan para matigil na ang ginagawa niya kasi hindi ako natutuwa!!!
Kaso gumanti. Binuhat ba naman ako at muntikan na rin ihagis pero dahil sumigaw ako at sinabing walang tubig kasi low tide, ayon binaba ako.
Buti na lang talaga walang pasok bukas. Kahit hindi ako makatulog ngayon, ayos lang.
Delikado talaga 'tong kalbo na 'to para sakin.
BINABASA MO ANG
Love Me Not (WSS #3)
Romance[Wrong Send Series #3] An Epistolary. STATUS: ONGOING "Partners tayo sa reporting, mismam. Pwede rin bang for life." Leanne Morgianna Canillo had no plans on entering relationships since her only goal is to graduate, become successful, and be of he...
