Messenger
--
Team Payawa
4:30PM
Anak ni Satanas:
Bwiset sino na namang huling kumaen na di hinugasan ang rice cooker? May mga uuod na naman bwiset
Palamunin #1:
Not me. Di ako kumain dyan kahapon kasi alam nyong nagdate kami ng gf ko😌
Senyorito:
Walang nagtanong, Vargaz
Palamunin #1:
Skl nga kasi baka pagbintangan niyo na naman ako🙄
Future son-in-law ng landlady:
Last nyo na yan ah. Di na nga kayo nagbabayad ng renta sa saktong due date napaka balahura at dudugyot nyo pa
@Palamunin #2 renta mo raw, due ka kahapon
Palamunin #2:
Oo na po, landlord
Hintayin mo pag uwi ko dyan
Anak ni Satanas:
Di ka pa umuuwi? Kanina pa tapos klase nyo ah
Palamunin #1:
Syempre may duty yan siya
Anak ni Satanas:
Talaga? May work na yan? Saan naman?
Palamunin #1:
May duty siya today sa pagiging admirer from afar sa crush niyang halata namang walang pake sa kaniya 🤪
Palamunin #2:
Nginamo di ko babayaran
yung parcel mo mamaya--
Leanne Morgianna Canillo
• Active Now5:00PM
Julian:
Psst. 5pm na
Di ka pa uuwi?
Leanne:
Mamaya. Sama ako kina Ember kasi may car ang bf niya, tipid sa pamasahe😌
Julian:
Ako rin may car
Leanne:
Di ko naman tinatanong? HAHAHA
Julian:
Ako may tanong ako sayo, Yan
Leanne:
Ano naman?
Julian:
May ayaw ka ba sakin?
Leanne:
Hmmm
Oo. Marami. Pero ang pinakaayaw ko sayo ay ang pagiging epal mo😆
Julian:
Grabe wala man lang hesitation, sumagot kaagad
Ganon na ba kasama ang tingin mo sakin?
Leanne:
Oo kaya tumigil ka na. Bye na. Nandito na si Cyd. Alis na kami
Julian:
Gegegege
--
yan @jln.mtclv01
-100/10 scammer sino ba nagpost nito, kausapin ko lang
![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
![](https://img.wattpad.com/cover/320373783-288-k562877.jpg)
YOU ARE READING
Love Me Not (WSS #3)
Teen Fiction[Wrong Send Series #3] An Epistolary. STATUS: SOON "Partners tayo sa reporting, mismam. Pwede rin bang for life." Leanne Morgianna Canillo had no plans on entering relationships since her only goal is to graduate, become successful, and be of help t...