35

39 2 3
                                        

Messenger

--

Serenity Faith Sabanquila
Active Now

5:00PM

Leanne:

Hellow posxz. Available ba ang "you can tell me anything" service ni Nurse Sabanquila today?

Serenity:

Available sa inyo 24/7 kahit pasilip-silip lang ako sa group chat, haha.

Go ahead. Spill the tea.

Leanne:

So ayon nga

Naiinis ako, Seren, pero di ko alam kanino.

Sa kaniya ba na lapit nang lapit sakin.

O sa sarili ko na kung anu-ano na ang iniisip sa simpleng gesture niya.

Naiinis talaga ako!!!

Serenity:

Ooooh okay. Hindi na ako magtatanong sino tinutukoy mo but let's hear the rest of the story. Ilabas mo lang lahat 'yan.

Leanne:

Days ago, nagpunta kasi ako sa bahay nila kasi nagkasakit siya. Feel ko kasalanan ko kaya gusto kong puntahan siya para magbigay ng notes at kung ano pang need niya ng tulong

Mabait naman siya huhuhu pero alam mo yooon

Yon ang problema eh. Mabait siya. Hindi ko alam kung ganito ba siya sakin lang o sa lahat

Serenity:

Parang si Cyd? Haha. Elaborate mo nga ano mga ginagawa niya sayo na feeling mo ginagawa niya rin sa lahat.

Leanne:

Dati wala lang namang epekto sakin mga jokes niya. Sinasabayan ko pa nga

Peto lately, mas lalo kasi siyang naging touchy? I mean

Kapag nagtatabi kami sa klase, ewan ko kung sinasadya niya o habit niya na talaga

Pero laging inaabot ng pinky finger niya ang pinky finger ko tas hahaplusin. Ginagawa niya nang nakatingin lang sa board

Minsan kapag sabay naman lumabas ng classroom o lumakad sa gala kapag may bonding ang buong section, lagi niya hinahawakan bag ko na para bang ayaw niyang lumayo ako

May time naman na kapag magkatabi kami sa hallway habang naghihintay ng next class, isasandal niya ulo niya sa ulo ko

Mga ganon

Serenity:

Wait. You think ginagawa ng isang taong friends lang at mabait sa lahat ang ganiyang actions?

Leanne:

Aba malay ko sa kaniya

Serenity:

You like him?

Leanne:

Aba malay ko

Hindi ko alam

Naguguluhan ako kaya ako napa rant na sayo ngayon

Kasi tuwing bumabanat siya sakin binabawi niya naman eh kaya joke tuloy ang labas

And alam mo ba kanina

Nasa grass kami sa student's area kasi ginagawa ko ang script para sa foreign language na roleplay namin

Nakaupo lang ako sa gilid ng santan kasi wala na space sa lounge at sa mga kubo

Then lumapit siya sakin. Diba normally, dapat tatabi ka kung gusto mo kausapin ang tao

Kaso ang ginawa niya, pinagdikit niya mga tuhod ko at saka niya pinatong ang baba niya ron

Tas tinanong niya ako "Yan, di ka naiinitan dito?" sabay paypay ng kamay niya sa mukha ko

Like ??????

Serenity, may gamot ka ba dyan na pwedeng makapagpakalma ng heart? Feel ko hindi ako makaka graduate ng college kung magpapatuloy 'to huhuhu

Serenity:

Omg

May gusto sa 'yo 'yan, Leanne!

Leanne:

Seren, natatakot ako huhu

Serenity:

Bakit ka naman matatakot?

Is it because nao-overwhelm at pressure ka na open 'yung tao sa feelings nila sa 'yo? Or is it because ito ang unang beses na may nagkagusto sa 'yo na may plano pa yatang i-pursue ka?

Or is it something else?

Leanne:

Letter D. Regine Velasquez, Madame

Natatakot lang ako kasi paano kung joke lang pala sa kaniya 'to? Na hindi naman pala siya seryoso?

Serenity:

Hmm okay. So natatakot ka na baka pinaglalaruan ka lang niya, at sa huli ikaw ang masasaktan.

Alam mo ano ang nagpapasakit sa 'yo? Ang overthinking mo. But I understand, kasi nakakatakot naman talaga magmahal these days kasi hindi ka sigurado kung genuine ba sila o hindi.

Pero Leanne, may tanong ako

Leanne:

Ano? Huhuhu

Serenity:

May gusto ka ba sa kaniya?

Leanne:

Iiihhh

Hindi ko alam ????

Serenity:

HAHAHA naiimagine ko na ang sermon nina Cyndy at Ember sa 'yo kung sa kanila mo sinabi ito.

Leanne:

Arrgh

Baka need ko na rin ang feedback nila about dito. Tanungin ko na rin sila siguro

Anyway

Thank you, Seren. Hindi na kayang ikulong lang sa Notes app kaya nilabas ko na sayo huhuhu
1♥️

Serenity:

No problem. Hindi lang ako sure kung nagme-make sense ba ako today since naubusan ako ng braincells sa exam namin, but I'm happy to of service, haha!
1♥️

Love Me Not (WSS #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon