Messenger
--
B(u)RATZ CLUB
4:00PM
Emburricat:
@Leanne kaya ka nga ginawan ng socmed accs para may pang update diba
Alam mo namang nanghihina kami kapag walang chismis
Ano na update dyan? Buhay ka pa ba?
Fely:
HAHAHAHA hayaan mo na ang ating friend, gustong sinosolo si julian
Cyndykato:
Ano muna kaganapan? Pwede naman magstudy sa café sa tapat ng school or sa library. Bakit dumiretso sa bahay nina Julian?
Ikaw, leanne, naglilihim ka na samin
Leanne:
Anong update ba gusto nyo. Eh nagstudy lang naman kasi talaga ginagawa namin dito HAHAHAHA
Mabait ate niya. Funny rin gaya niya.
Ganiyang update ba gusto nyo? HAHAHA
Emburricat:
Mabait ate niya? So nag meet the fam na agad kayo? Wow ang speed
Leanne:
Anong meet the fam? Ate niya lang nandito HAHAHAHA work daw parents niya, either bukas pa uuwi o mamayang madaling araw
Fely:
Alam na alam, ah HAHAHAHAHA
Leanne:
Eh sa sinabi ng ate niya kasi kinakausap ako HAHAHAHA alanganan naman di ko pakinggan
Emburricat:
Mabait na ate✅
Mabait na parents🔜
Epal na Gleen🔜
Yes kaunting hadlang na lang ang dadaanan ng relationship ninyo
Leanne:
HAHAHAHAHA NASAMA PA SI GLENN
Nananahimik yung tao, nasa kabilang syudad na nga nago-OJT nadamay pa rin
At anong relationship? Friends nga lang kami HAHAHA
Alam nyo namang nagsasanaol lang ako pero ayaw ko muna pumasok sa ganiyan. Hadlang sa studies ko yan
Emburricat:
Ay, no. Di sakin. Mas hadlang ang studies sa pagmamahalan namin ni Cyd ko😣
Cyndykato:
(2)
HAHAHAHAHA
Fely:
Ang yayabang talaga. Dapat sa inyo mga sinisibak na sa gc na ito eh
--
Julian Montecalvo
• Active Now
5:01PM
Leanne:
Kalbo. Uwi na ako
Julian:
Agad?
Pinagluto ka na ni ate ng dinner. Dito ka na lang daw mag dinner
Leanne:
Iiih kahiya HAHAHA
Julian:
HAHAHA bakit ka naman mahihiya sa ate mo
ko***
Harmless yan. Mukha lang yang ewan pero harmless yan
Pangarap niyan magka baby sister pero di napagbigyan kaya ganiyan sayo HAHAHA
Leanne:
Sure ka ba talagang magkapatid kayo?
Bait niya kasi. Tapos ikaw kupal HAHAHA
Julian:
Ouch ha. Pagkatapos kitang turuan sa programming
Leanne:
Wala naman akong naintindihan😬
Julian:
Ikaw ha. Gusto mo ulit tayo?
Sabi ko na eh, crush mo ko. Para-paraan ka na
Leanne:
Baka ikaw crush mo ko?
✓Seen. 5:02PM.
Natahimik? Saan ka na?
✓Seen. 5:03PM.
Ano na? Bakit nawala? Akala ko ba nagjojoke tayo rito? HAHAHA
✓Seen. 5:04PM.
Totoo? Crush mo nga ako?
✓Seen. 5:05PM.
Julian:
Wow nag cr lang ako nag assume ka na agad HAHAHA
Nasa kwarto ka diba? Dyan ka lang. Akyat ako
Medyo yumabang ka dyan kaya gaganti ako
Buksan mo 'tong pinto, Yan HAHAHAHA
Bitawan mo yung doorknob hoy HAHAHA
Maya ka sakin HAHAHA
✓Read. 5:07PM.
BINABASA MO ANG
Love Me Not (WSS #3)
Romansa[Wrong Send Series #3] An Epistolary. STATUS: ONGOING "Partners tayo sa reporting, mismam. Pwede rin bang for life." Leanne Morgianna Canillo had no plans on entering relationships since her only goal is to graduate, become successful, and be of he...
