42

36 2 4
                                        

Messenger

--

Serenity Faith Sabanquila
• Active Now

10:01PM

Leanne:

Serenity feel ko

Feel ko may gusto na ako sa kaniya😭

Serenity:

Nagba-back read ako ng messages mo and ang bilis kong bumalik sa dulo because of your chat cuz 😳 you like someone 😳 breaking news 'yan

But what's with the crying emoji? Natatakot ka ba?

Leanne:

Honestly? Oo😭

Alam mo naman bakit ako natatakot ng ganito. You know na top priority ko ang mga pangarap ko

And you know na kapag papipiliin na ako between him at mga pangarap ko, alam mo ano ang pipiliin ko

Kaya ako natatakot, Serenity😭

Serenity:

Your dreams are a part of you. But so is your heart. Bakit mo iniisip na hindi pwedeng magsabay ang pangarap at puso, Leanne?

Leanne:

Kasi sa panahon ngayon, alam nating may isa talagang masa-sacrifice sa dalawa.

Kapag nagmahal ka ng isang tao, isasama mo siya sa pangarap mo, siya na lang magiging laman ng sistem mo

Pero in the end kapag natapos na ang lahat, pati pangarap mo mawawala na rin kasi nawalan na ng espasyo noong pinili mong papasukin ang tao sa puso mo

Serenity:

Or people fall in love, and they find someone who fuels those dreams instead of smothering them.

Fear is loud, Leanne, but it doesn't always tell the truth.

Leanne:

Paano kung

Hindi ko kayaning ipagsabay ang dalawa, Seren?

Serenity:

Then you'll find out when you try. 'Wag mo muna pangunahan.

Life's hard enough without fighting battles you've imagined but haven't met yet.

Leanne:

Grabe. Kapag ikaw nagsabi parang pupulot lang ng kendi sa tindahan ah😭😭😭

Serenity:

HAHAHA hindi naman kasi talaga madali, but that's the only way

Hindi naman kasi kailangang maging magkalaban ang puso at pangarap, Leanne.

If he's really sincere, and you think he's someone who you can build dreams together, then go ahead.

Talk to him. Get to know him more, and that's when you decide kung pwede ba kayo.

Leanne:

Kung sa personal lang tayo nag-uusap, hihingi talaga ako ng yakap sayo😭

Serenity:

Utang ko na lang 'yan sa 'yo, HAHA!

Leanne:

Thank you talaga so much, as always, Seren😭

Serenity:

Hindi ito libre. Ang payment for this session, hihingiin ko kapag nagkita-kita ulit tayong lima HAHA

Jk. Anything for you guys, as always😘

Love Me Not (WSS #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon