SANA nga ay nananaginip lang siya dahil kung hindi lagot siya kay Sera. Simula pa lang ng kanilang laro ay mukhang talo na siya. Nakapulupot kasi ang kanyang mga braso sa 'asawa' habang ang kanyang mukha ay nakasiksik sa leeg nito.
Sinamyo niya ang malinis na amoy ni Sera. That was a bad move. Dahil biglang nag-alsa ang alaga niya sa ibaba. Biglang sumaludo ito.
Oh great. He didn't need a morning arousal at the moment. Ang kailangan niya ay alisin ang pagkakayapos niya sa katawan nito bago pa ito magising at malaman na panalo na ito sa pustahan. Kahit mahirap ay pinilit niyang bumaling sa kabilang parte upang mapigilan ang sariling yumapos uli rito.
Wala pang ilang segundo nang biglang bumangon ang dalaga at waring wala pa sa wisyo ito. Nagpalinga-linga ito bago tumuon ang titig sa likod niya. He knew she was staring at him because he could feel the radiating heat of her stare.
"Stop staring at me or else I'd lose control!" palatak niya sa isip. Nagtagal pa ang pagtitig nito sa kanya hanggang sa marinig nila ang tunog ng doorbell.
Sera literally jumped from the bed. Siya rin naman ay napilitang bumangon.
"What was that?" tanong nito.
"Alin?"
"Iyong matinis na tunog?"
He smirked. "Akala ko ba telepath ka. Bakit hindi mo nabasa sa isip ko na tunog iyon ng doorbell?"
"I'm trying to control my ability. Sabi mo nga ay isa akong Seraph but still I'm invading the privacy of your thoughts. So, naisip ko na tama ka. Reading your mind is a violation of your rights. Kaya, as much as possible, I control this gift."
Hindi siya makapaniwala na naisip iyon ni Sera. All along ang akala niya ay wala itong pakialam sa nararamdaman niya.
"Nick!" malakas ang boses na narinig niya. It was Colt. Kumatok ito sa kuwarto niya at biglang nagpanic silang dalawa.
Serafina was wearing a silk nightgown that hugged her sinful curves. Litaw rin ang cleavage nito at ang mahahabang legs ng babae. Any man who will see her will surely drool.
Ayaw niya iyon. Masama sa panlasa at pakiramdam na may ibang makakakita rito bukod sa kanya.
"Get decent, Sera," utos niya. Inirapan lang siya nito bago mabilis na naglaho. Nagugulat pa rin siya kapag ginagawa iyon ng dalaga. Bago pa niya mabuksan ang pinto ay bigla uli itong lumitaw sa harapan niya. Sa gulat ay napaatras siya dahilan para ma-out balance siya at matumba sa sahig.
"Sera!" asik niya. "I told you not to do that!"
"I'm sorry, Nick. But before you open that door, get decent!" panggagaya nito sa sinabi niya kanina. Saka lang niya napansin ang hitsura niya.
He was only wearing his spongebob boxers short. Wala siyang t-shirt. Kung makikita sila ni Colt sa ganoong hitsura, sigurado siyang iba ang iisipin nito.
Narinig uli niya ang katok sa pinto.
"Nick," tawag ni Colt.
"What? Bakit ang aga mo?" tanong niya mula sa kabila ng pinto.
"Actually, I have something to discuss with you before you go to work kaya pinuntahan kita. And since maaga pa, I will cook for you." Iyon lang ang sinabi nito at narinig niyang bumaba na ito ng hagdan.
Kumunot ang noo ni Sera.
"He's cooking for you?"
Lumingon siya sa kinaroroonan ng dalaga.
"You're still there? Akala ko naglaho ka na uli?"
"He's cooking for you?" ulit nito sa tanong niya. Lumambot ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged Angel
FantasyPinarusahan si Serafina ng konseho ng mga anghel dahil sa pagsuway sa isang utos. She was given the task of helping one needy soul. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya si Elle, ang nawawalang prinsesa ng mga diwata na isinumpang manirahan sa isa...