Chapter 10: There Lays the Secret

2.3K 95 4
                                    

A/N: Isa sa mga favorite anime couples ko ay si Kenshin Himura at si Kaoru... Kaya sila ang peg ko sa chapter na ito... Kasi marami silang sikreto na tanging mga puso lang nila ang nakakaunawa. At mga puso lang nila ang nagkakaunawaan kahit pa patingin-tingin lang sila sa isa't isa. Mabuhay ang Kenshin-Kaori loveteam! Still the best ang anime version ng Samurai X...


"NICK!" May pagmamadali na sabi agad ni Sera matapos sagutin ni Nick ang tawag niya. Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang boses ng lalaki. She was so worried when he did not come home the usual time. At lalo pa ang kaba niya nang hindi man lang tumawag ito sa kanya. Ayaw naman niyang kulitin ito dahil naisip niyang isa iyon sa ayaw ng lalaki.

"Sera?"

"Oh, thank God, you're safe," usal niya.

"Was there a problem, Sera?" tanong nito. Was there a problem? Tinanong ba talaga ni Nick iyon sa kanya? Hindi ba nito naisip man lang na nag-aalala siya para rito?

"Nakuha mo pa talagang magtanong kung may problema? Sana man lang naisip mong tumawag at sabihin na hindi ka makakauwi sa oras para hindi naman ako mukhang tanga rito sa bahay sa kaiisip kung ano nang nangyari sa iyo!" asik niya.

"You're an angel. Bakit hindi mo ginamit ang utak mo para malaman kung nasaan ako?"

"I. Hate. You." Binabaan niya ito ng phone. Aba, matapos siyang mag-alala iyon pa ang sasabihin nito. Hindi man lang na-appreciate nito ang concern niya. Oo, isa siyang seraph at kaya niyang alamin ang kalagayan nito. Kaya rin niyang puntahan ang kinaroroonan nito.

Pero nangako siya kay Nick na hindi niya gagamitin ang kakayahan niyang iyon. At marunong siyang tumupad sa isang pangako. Iyon ang isang katangian ng isang anghel na hindi kailanman maaaring baliin o suwayin. Ang pangako ay pangako. Even the Deus is faithful to his promises, so should his minions.

Nanggagalaiti man siyang sakalin at pilipitin ang leeg ni Nick para matauhan ito, ay kinalma pa rin niya ang sarili. Pero umuukilkil sa isip niya ang mga sinabi nito at kawalan ng pagpapapahalaga sa nararamdaman niya. Kaya sa halip na lumamig ang ulo niya lalo lamang siyang nainis.

She needs to get away for a while. Tama, aalis muna siya. Hahanapin muna niya ang kinaroroonan ng prinsesa ng Soiraya. Malakas kasi ang pakiramdam niya na may kinalaman si Chase sa prinsesang hinahanap. But since Chase is with Nick at the moment, she'll just roam around Chase's house. Baka sakaling maramdaman niya ang musikang nanggagaling sa pakay niya.

Tutal naman ay parang walang pakialam si Nick sa nararamdaman niya, bahala na muna ito sa buhay nito. Gagawin muna niya ang ipinunta niya roon. Kaya nagdesisyon siyang umalis muna sa bahay ni Nick. She closed her eyes and let the music and vibrations flow from her. She let the symphony led her to where the missing princess possible is.

Isang liwanag ang nagmula sa kanyang likod at muli ay pinagbago siya ng liwanag na iyon mula sa pagiging anyong tao pabalik sa kung ano ang tunay niyang anyo. Anim na pakpak ang bumukas mula sa pinanggalingan ng liwanag na ngayon ay bumabalot na sa kanyang kabuuan.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay naglaho siya upang puntahan ang pinanggagalingan ng musikang kanyang nararamdaman. Hindi siya nagkamali. Malapit sa bahay ni Chase ang napuntahan niya. Malakas ang musikang tinataglay ng prinsesa. Nararamdaman niya ang takot at pagnanais nito na makabalik sa kaharian nito; ang muling maging malaya nang tuluyan at makasama ang mga mahal nito sa buhay. Ngunit nararamdaman din niya ang pag-aatubili nitong umalis sa kinaroroonan.

But I need to rescue her so that I can finish my task. Habang nag-iisip siya kung paano matatagpuan ang prinsesa ay biglang nawala ang musika nito. Pinilit niyang pinakiramdaman ang musikang naggagaling dito ngunit tuluyan na iyong nawala.

ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon