PARANG batang nakaalpas sa magulang si Sera nang marating nito ang dalampasigan sa tabi ng beach house ni Nick. Walang nagawa si Nick kundi isama ang dalaga nang biglang nag-hibernate si Colt sa kung saang lupalop. Hindi niya mahagilap ang kaibigan. At naiinis siya.
Kung hindi ba naman torture ito sa kanya. Ayaw niya sa dalaga pero hindi naman niya mapigilan ang naghuhuramentadong hormones niya. Sera was a walking temptation. Konti na lang at bibigay na siya. He should be resisting her charms pero kabaligtaran ang nangyayari. Sa bawat araw na kasama niya ito ay unti-unti na niyang hinahanap ang babae. Hindi siya mapakali kapag nawawala ito sa kanyang paningin.
Tulad na lang ngayon. Saan na naman kaya nagsuot ang babaeng may pakpak na iyon? Kanina lang ay nakikita pa niya itong nagtatampisaw sa mababaw na parte ng dagat. Ngayon hindi na niya makita ito. Bigla tuloy ang pagdaloy ng pag-aalala sa kanya.
"Pasaway na, problema pa," himutok niya habang tinatalunton ang makitid na pebble pathway mula sa kanyang bahay patungo sa dalampasigan.
Napapaligiran ng mga puno at halaman ang peeble pathway na iyon. Kung aatakihin ng pagkapilya ang Seraph na kasama niya, siguradong mamaya lang ay gugulatin siya nito sa biglang pagsulpot nito. Sera seem to have likened the idea of catching him off his guard.
Napapangiti siya sa ideyang iyon ni Sera. Iyong laging may sorpresa ang dalaga para sa kanya kapag umuuwi siya ng bahay pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, o kaya ay kapag may special occasion tulad birthday niya at anniversary nila.
Anniversary. Ang sarap isipin na magse-celebrate sila ng maraming anniversary. Sa palagay na nga niya ay hindi nabubuo ang araw niya kapag hindi iyon gingagawa ng dalaga. Na-realize na rin niyang hinahanap-hanap niya ang kakulitan nito.
And then, it hit him again; what happened years ago. Minsan na siyang nangarap ng tulad nito kasama sila. But it just cost him his heart.
"Sera," tawag niya sa dalaga nang marating niya ang dalampasigan. Wala siyang narinig na sagot mula rito. Inilibot niya ang tingin sa paligid. "Seraaaa!"
"Anong problema mo?" narinig niyang sabi ni Sera. Automatic niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses nito.
"Nasaan ka?" tanong niya nang hindi niya makita ito. "Bakit hindi kita makita?"
"Ang laki ng problema mo. Naririnig mo naman ang boses ko bakit kailangan pang makita mo ako?" tanong ni Sera sa kanya.
"What's the problem if I want to see you? I don't want talking to you without seeing your face. Kaya please lang magpakita ka na," pakiusap niya.
Bigla itong sumulpot sa tabi niya. Biglang kumabog ang kanyang dibdib hindi dahil sa nagulat siya kundi dahil napakaganda talaga ng dalaga. His heart can't stop its erratic beating.
"Ang arte mo. Kailangan talaga magkaharap tayo kapag nag-uusap?"
"Gusto kong nakikita ang mukha mo. Masama ba iyon?" tanong niya.
"Para lang naman tayong nag-uusap sa telepono. Isipin mo na lang nasa office ka at nasa bahay ako," sabi nito. Yes, he could pretend that he's only in the office. Pero ayaw niya.
"Ayaw ko nga."
"Childish mo talaga," bumaling sa kanya si Sera. Hinaplos nito ang ibabang parte ng labi niya na may pasa dahil sa sparring nila. "Masakit pa ba?" tanong nito sa tukoy sa pasa niya.
He looked at her in the eyes.
"What are you doing to me, Sera? He asked her. His gaze shifted to her lips then to her eyes again.
"I-I don't know what you're talking about, Nick?"
"I hate you but I can't stop myself from wanting you," mahina niyang usal.
![](https://img.wattpad.com/cover/41399002-288-k236539.jpg)
BINABASA MO ANG
ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged Angel
FantasyPinarusahan si Serafina ng konseho ng mga anghel dahil sa pagsuway sa isang utos. She was given the task of helping one needy soul. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya si Elle, ang nawawalang prinsesa ng mga diwata na isinumpang manirahan sa isa...